"I'll be back... I promise you.""I'll be back..."
"I promise you."
Isang katok ang nag pamulat sakin mula sa mahimbing na pagka tulog, napatingin muna ako sa kapaligiran ng napag tanto kong naka tulog na naman pala ako sa opisina ko.
Muli itong kumatok kaya pinahintulot ko na itong papasukin.
"Come in." Sabay hilot sa ulo ko.
"Excuse me Ma'am Sophia,"
"Yes?"
"Sorry po Ma'am, but I need your sign right now Ma'am Sophia," sabay abot nito sa isang folder.
Inabot ko naman ang binibigay niyang papeles. At walang pakuway pinirmahan ko ito habang pasimpleng binabasa ang naka laad.
"Ngayon na pala e-import ang mga mangga?" Nag tatakang tanong ko sa Secretary ko.
"Yes Ma'am, actually anjan na po ang mga truck na mag de-deliver pa airport at patungong Berlin."
"Ang aga naman ata? Di ba hinde pa hinog ang mga ito? Bakit e-export na?"
"Kahit po kame di namin alam Ma'am, yan po kasi ang utos ni Mrs. Advincula. Sabi nung finance nila sa Berlin, buti nga po pumayag ang matanda, na tanggapin ung last na inimport natin kahit overripe na ito."
Napataas naman kilay ko sa narinig mula sa secretary ko.
"Di na natin kasalanan kung na overripe ang mga prutas na inimport natin, kasalanan na yun ng mga tauhan niyang tamad at kung bakit tumambak lang sa bodega nila."
Naiinis na talaga ako sa matandang yung, lagi na lang siya may reklamo sa mga produkto namin, kung di lang siya ang number 1 supplier namin ay talagang tatanggalin ko na siya sa listahan ni Lolo.
Isa kasi siya sa costumer namin na pakyawan kung umorder ng mga ibat ibang prutas lalong lalo na ang kape namin.
"Sige na, Basta this time ayaw ko na ng reklamo mula sakanya." Pag didismis ko sa usapan.
"Opo Ma'am Sophia,"
Tumalikod na ito pero agad naman lumingon pabalik sa akin.
"Siya nga pala Ma'am, anjan ung Doctor ng Lolo niyo, at pinapatawag po din po kayo, may importante lang daw pong sasabihin."
"Si-sige, susunod ako."
Tumango naman ang secretary ko at magalang na nag paalam muli. Napatayo na ako sa kina uupuan ko sabay tungkod sa lamesa at huminga ng malalim habang hinihilot hilot ang sentido ko, bago tuluyang lumabas ng opisina.
Tahimik kong binabay-bay ang pasilyo ng bahay ni Lolo patungo sa silid nito. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob, kung saan na abutan ko ang Doctor nito at si Nana Lidia.
"Anak," tawag sakin ni Nana at sinalubong ako ng yakap. "Naka tulog ka na naman ba sa opisina mo?"
"Opo Nana." Nakangiting saad ko dito habang tinitingnan si Lolo na natutulog.
Nana Lidia ang isa sa kasambahay na tumagal saming mga Mondragon, Yaya siya ni Mommy Eliz bago ako. Kaya Nana ang tawag ko sakanya dahil pareho niya kameng inalagaan ni Mama,
Natawa lang ito at muling lumingon kay Lolo.
"How is he?" Tanong ko rito.
"Mas lalong humihina si Miguel, anak." Malungkot na pahayag nito.
YOU ARE READING
#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)
RomanceArabella is the eldest among the four Guevara's Sibling. She has her perfect life and love of her life.... but what happen when a biggest scandal will ruin her career. Only way to stop the gossip scandal is to Marry the one who spread the scandalous...