Chapter 30

9.7K 357 44
                                    

Arabella

Abala akong nag hahanap ng barya sa shoulder bag ko ng diko napansin ang pag bangga ko ang isang janitor na abala sa paglalampaso ng sahig.

Nasagi ko tuloy ang hawak nitong balde na puno ng tubig.

"Sorry." Hinging paumanhin ko dito.

Pero nag mamadali lamang itong niligpit ang pinag gamitan niya at umalis na wala man lang lingon.

Anong problema nun?

Nakibit balikat lamang akong kumuha ng limang pisong barya at hinulog sa bending machine para maka pag kape man lng. Di kasi ako naka almusal kanina at nag mamadaling tumungo dito.

"Hey, Arabella!"

Napalingon naman ako sa likuran ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Hey, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ko.

"Syempre, dadalawin ang sister in law ko."

Napairap na lang akong kinuha sa bending machine ang kapeng naka latag at tinungo ang malapit na bench para maka upo.

"Wag ka dw muna pumasok," suhestyon ko habang humihigop ng kape.

"Huh? Bakit? Ano pala ang problema? Bakit na confined si Sophia?"

"Diko din alam.... Di ko pa naka usap si Althea. And to answer your first question.... Utos lang naman ng kapatid mong masungit."

Napangiwi naman si Athena ng marinig niya ang pangalan ni Althea.

"I think... Mas mabuting dito na lang tayo."

Natatawang napailing lamang ako habang pinag papatuloy humigop ng kape. Alam natin kung paano takot si Athena kay Althea. Samin mag kakapatid si Athena ang madaling kausap kapag naririnig niya ang pangalan ni Althea.

Takot kase....

"Siya nga pala, naalala mo ba ung huli natin pinag usapan?"

Napa isip naman ako kung ano ba ang huling namin pinag usapan ngunit wala akong matandaan.

"Di eh, ano ba yon?"

"Tsk... About kay Valerie, Sa Monday uuwi na siya galing Korea."

Now I remembered... Pinapasundo niya pala ito sakin.

"Di ba last-last week mo pa yun sinabi sakin? Di pa pala siya naka uwi?"

"Di pa, kasi winter ngayon sa Korea kaya laging pinapaliban ang scheduled ni Atasha for competition. Pero sa Monday uuwi na sila."

"Oh... Eh bakit di mo sunduin? Bakit ako pa? O di kaya maki sabay na lang siya kay Ayesha."

"Di ako pwede, at alam mo naman kung bakit. Ayaw ni Mama Ofelia na mag kita kame lalo na malapit na kameng ikasal. Di din pwede si  Ayesha kasi ipapasundo lang niya ang anak nila sa driver nila, alam mo naman un business minded silang dalawa ni Zoe. Ayaw kong maistorbo ang mag asawa."

"Wow huh? Tapos ako eto ngayon iniistorbo mo?"

"Kasi ikaw lang ang madaling lapitan. Si Althea kasi sesermonan lang ako non. Kaya ikaw na lng please."

"Nag papaniwala ka kasi kay Mama na di matutuloy ang kasal niyng dalawa ni Valerie kapag nag kita kayo. Porket ikakasal kana next week."

"Wala naman mawawala kung paniniwalaan ko diba,"

"Ewan ko sayo."

"Ara sige na please...." Naka luhod pa ito sa harap ko at nakasiklop ang dalawang palad na parang nakiki usap.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now