Kabanata 7

117 9 33
                                    

Katalina's POV

Nakapamulsa akong nakatingin sa sariling portrait na nakasabit sa dingding.

I can't imagine that this is the way I looked before, masyadong presentableng tignan kumpara sa itsura ko ngayon. But everytime I throw a gaze on it pakiramdam ko parang may iba.

Nakukumpirma ko rin naman sa sarili kong parang ako nga iyon ng walang pag-aalinlangan, bukod sa magkamukha nga, buong pangalan ko pa ang nakaimprinta sa isang name plate na ipinasadyang ikabit sa ibaba ng frame.

Kung ako nga ito, ibig sabihin this is our home? This mansion is really ours. Pero, hindi ba kay Don Eduardo ito? S'ya ang pinagbilhan ko ng mansyon bago pa ito pumanaw. But I guess, we ain't related to each other at all.

Macadamia ang apelyido n'ya, samantalang ako ay Marqueza. At Marqueza rin ang nakikita kong apelyido ng mga nasa painting.

I'm quite confused.

He really sold it to me with cheap price, kung tutuusin ay mukhang mamahalin pa ang laman ng mansyon kaysa sa binayad ko pero ginusto n'ya pa ring ibenta.

Kaunting renovations pa, maganda na ulit ang lumang mansyon.

But I really don't know either. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon makumpira sa sarili ko. Pakiramdam ko, ang dami ko pang kailangang malaman tungkol sa isang 'Katalina' tatlong daang taon na ang nakalilipas.

Everyday, Maria was annoying me and telling me that I'm really that lady in the portrait. Hindi ko alam kung ito ba ang epekto ng squad kunno nila kaya nagkakaisa na silang tatlo ngayon.

Ilang beses na akong tumanggi ngunit iisa lang ang sinasabi nila, na kesyo impossibleng hindi raw ako dahil pangalan ko naman ang nakaukit doon at kung ano-ano pa. Kaya minsan, mapapaisip tuloy akong itakwil silang tatlo dahil nakaririndi at paulit-ulit.

Hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan nalang sila, I can't confirm it yet dahil kagaya nga ng sabi ko, wala akong ibang maalala tungkol sa portrait at iilan lang doon ang malinaw sa mga ala-ala ko.

Mapagod sila kakakulit.

Pagkatapos nga pala ng gabing iyon, Kevin and I had a really good time, kaya naman masasabi kong masyado s'yang masayahing tao at magandang kasama sa iba't ibang bagay.

I may not look interested but deep down I really enjoyed it. Nakakatawa lang isipin na sa kabila ng pagiging tahimik ko, nanatili pa rin itong bukas at hindi nauubusan ng maikukwento.

Tipong para lang akong nagbalik tanaw sa mga nakaraan. Just like this, Marco and I were good friends, maingay at hindi nauubusan ng sasabihin, and it seems like we reunite after 300 years of waiting.

Ngunit para sa akin, kailangan ko pang mas kilalanin ang tao, I don't trust easily dahil minsan na rin itong sinira. Hindi rin natin alam kung ano ang takbo ng isip nila, who knows kung ang pakay n'ya ay ang mansyon? Why would he come here kung walang ibang rason 'diba?

Itinatatak ko na rin sa sarli kong Kevin is not him kahit mukha silang iisang tao sa makabagong panahon.

Maraming taon na ang nakalipas at alam kong ang taong nakilala ko noon ay hindi na katulad ng ngayon. Sabi nga nila, if you lose someone, don't expect to meet another person that looks exactly like them in every aspects.

Kahit nga ang halos pinagbiyak na kambal ay mayroon paring pinagkaiba sa paraan ng pag-iisip at sa mga bagay na gusto nilang gawin.

Same case to Kevin and Marco.

Magkamukha sila, pero malayong-malayo talaga sa ibang aspeto.

Ito palang ang unang pagkakataon na nakasama at nakilala ko s'ya, kaya naman mahaba-haba pa ang panahon para mas makilala ko pa ito ng husto.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon