Epilogue

154 12 1
                                    

A/N: Thank you so much for being with me through this journey. I'm sorry for the ff. grammatical errors, typos and punctuations. Just like I've said before, I have a hard time reading my works, but if I have a spare time someday, I'll do my best to edit everything. To my best friend, thank you so much for motivating, inspiring and always be there from the first drop upto the end. You will always be part of my writing journey. More stories from you♥️.

Epilogue

Abala sa pag-aayos si Mr. Gomez ng nagraramihang supplies ng mga champagne sa may liquor section ng kanyang shop.

Halos dalawang taon na nang makaalis si Katalina kaya naman, inabala nalang n'ya ang sarili sa pagsisilbi sa mga customers.

Kapag kuwan ay na-mi-miss n'ya rin ang madalas na nakagawian nilang kuwentuhan habang tumatagay ng alak ang dalaga.

Bahagya itong napangiti at umiling nang i-display ang paborito nitong alak.

"Hays, kung kailan marami ng suplay ng paboritong alak, wala na ang inaanak ko." bulong nito.

Kumurba ang isang tipid na ngiti sa labi at itinuloy ang pag-aayos. Dahil sa wakas, natupad na ang kaisa-isang hiling na makausad sa kabilang buhay si Katalina.

Saksi s'ya sa naging dagok sa buhay nito at labis itong naiintindihan sapagkat pareho sila ng kinahinatnat ngunit, sa magkakaibang karanasan.

Pero para sa kanya, wala na iyon basta ang importante ay may natutunan sa bawat pagkakamaling hindi na mababago pa.

Naging abala s'ya nitong nakaraan nang magsimula s'yang mag hire ng mga empleyado upang may katuwang sa araw-araw dahil madalas ang pagpunta nito sa mga meetings.

Nitong nakaraan, napagdesisyunan n'yang makipagtransaksyon sa ilang kagaya n'ya upang palakihin ang Between All Time Shop na halos limang daang taon na ang tanda. Nakatagpo rin s'ya ng mga kagaya n'yang business owners na mas matagal at nauna pa sa kanya ng ilang libong taon.

Napagpasyahan na rin nito na magkaroon ng branch sa iba't ibang mga bansa matapos makalikom ng malaking halaga ng salapi. Mayroon sa Europa, America, Espanya--kung saan s'ya nanirahan dati--Belgium at Japan.

Tunay na ngang malayo ang narating nito, nagsimula sa isang stall, rumerenta ng maliliit na espasyo hanggang sa magkaroon ng sariling building sa pag lipas ng panahon.

Nang matapos sa pag-aayos, bumalik na s'ya sa counter upang ituloy naman ang pag-di-display ng ilan pang mga paninda.

Inilapag nito sa gilid ang tray ng mga champagne at ikinabit ang black apron para hindi madungisan ang puti nitong polo.

"Goodmorning po sir!" biglang bati ng isang customer.

Hindi n'ya muna iyon nabalingan ng tingin dahil dahan-dahan n'yang inilalagay sa box ang strawberry cake na in-order ng isang spirit, naghihintay kasi ito sa table at mukhang nagmamadali pa.

Nang mailagay, napapunas s'ya sa kanyang apron dahil sa mga icing na naiwan sa kamay.

Binalingan na nito ng tingin ang babaeng bumati sa kanya sa counter.

"Welcome to Between All Time Shop, how can I help yo--" hindi na naituloy ni Mr. Gomez ang kanyang sasabihin nang makita ang isang babae sa harap n'ya.

Para s'yang binuhusan ng malamig na tubig at nagitla sa sariling pwesto. Nagsimulang pumatak ang butil ng pawis sa noo at ilang beses pang napalunok.

Gulat itong napatingin nang unti-unting rumehistro sa utak kung sino ang babaeng nasa harap n'ya at matamis na nakangiti.

Ilang segundong hindi nakatugon si Mr. Gomez dahil doon.

S'ya ang babaeng kailanman ay hindi n'ya gustong harapin, isang babaeng nagpabagsak sa kung sino at ano s'ya ilang libong taon na ang nakararaan.

"Drishti.."

"Felipe?"

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon