Kabanata 22

42 9 27
                                    

"Napaka-weird talaga yung nangyari kagabi kumare." panimulang hayag ni Mrs. Cruz habang abala silang apat sa paglalagay sa gitna ng mga majong na gagamitin sa pagsusugal.

Kunot noong napatingin sa kanya ang tatlo. Napapailing pa ang ginang habang inaalala kung bakit nakahiga s'ya sa sahig at may katabing bote ng alak.

Sa pagkakaalam n'ya, hindi s'ya umiinom ng mga alak, at ang nakakapagtaka pa ay paanong nagkaroon ng isang bote ng Empirador gayong walang stock na ganoon sa bahay n'ya.

"Bakit naman ha?" tanong ng isa sa mga kaibigan habang humihithit sa sigarilyo.

"Kasi naman, pagkagising ko nasa baba ako ng hagdan nakatulog at may katabi pang alak! Susmiyo, never in my whole life na umiinom ako no!"

Natawa ang tatlo dahil sa tugon.

"Mamatay ka man?"

"Oo naman!" pangangatwiran ng ginang.

Umiling ang isa sa nagtanong sa kanyang kapwa ginang at sumagot.

"Sa pagkakaalam ko, nag ma-maintenance ka dahil sa sakit mo sa liver. Sus, Nora huwag mo kaming echosin sa bad lifestyle mo noon." natatawang sambit nito at muling humithit sa sigarilyo.

Napaawang ang labi ni Mrs. Cruz dahil sa itinuran ng kaibigan. Muli n'yang naalala na nag me-maintenance pala talaga s'ya dahil sa sobrang lakas n'yang lumaklak ng alak dati.

Pero ngayon, garantisado na n'yang tumigil na s'ya at hindi bumili ng Empirador noong gabing iyon.

"Hindi talaga ako uminom ng Empi noong gabing iyon mga kumare, I swear!"

"Matanda ka na talaga Nora hay nako, magsimula na tayo."

Magsasalita pa sana ang ginang para mangatwiran sa sinabi ng kaibigan na hindi na talaga s'ya manginginom, ngunit tumahimik nalang ito dahil may punto naman s'ya.

******

Katalina's POV

Iminulat ko ang mga mata ko at inusisa ang buong paligid habang nakahiga pa rin sa sofa.

Ano ba ang nangyari?

Napahawak ako sa ulo dahil ramdam ang pagkabigat nito at pangingirot, hindi kaya dahil sa ngalay at matagal na pagkakahiga.

Muli akong bumalik sa realisasyon, andito na pala ako sa loob ng mansyon.

Ang huli ko kasing natatandaan ay nasa terrace ako natulog at hindi dito.

Sino naman kaya ang nag lipat sa akin sa sofa? Silang tatlo kaya? Buong alam ko ay hindi na nila ako kayang dalhin dito dahil mga kaluluwa sila at tao pa rin ang katawang ito, isang beses lang nagamit ang kanilang mga lakas at iyon ay nang magbuhat at maglinis ng mansyon.

Kung hindi sila, edi sino?

Bahagya akong bumangon at isinandal ang sarili sa may gilid ng sofa. Napapapikit at dinidama ang pagkangalay.

"Wahh! Gising na s'ya mga sisters!" rinig kong tili ni Ivan kaya naman napatakip ako sa kaliwang tainga.

Ano ba naman iyan, umagang-umaga iyan ang bungad psh.

Narinig ko ang mabibigat na yapak ng kanilang mga sapatos patakbo sa gawi ko. Wala pang ilang segundo ay bumungisngis sila sa harap ko suot ang halos abot matang mga ngiti.

Taka ko silang tinitigan.

"Hindi ba tayo nanaginip Maria? Kurutin mo ako!" utos ni Irish kay Maria na ngayon ay katabi lang n'ya.

Nasa gitna si Irish at nasa magkabilaang gilid naman ang bakla at si Maria. Napansin ko ang mahabang buhok ni Ivan at hinahawi pa iyon papunta sa tainga.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon