Kabanata 4

154 12 14
                                    

Isinara ko ng dahan-dahan ang pintuan upang hindi makalikha ng ingay.

May pinuntahan lang ako saglit at hindi naman iyon ganoon katagal kaya nakabalik din ako kaagad.

Nakapamulsa at tamad na tamad akong napatingin sa gawi nila. Mukhang abala sila at parang may kausap, hindi ko alam kung sino kaya napakunot nalang ang noo ko.

Siguro may natagpuan nanamang unidentified object ang dalawa kakakalikot sa taas, kaya hindi na ako magtataka kung sinong kapwa nila kaluluwa ang nahanapan dahil posibleng marami ang gumagala dito. Sa tagal ba naman ng bahay at ganito kaluma.

Hindi nila napansin ang pagdating ko kaya nagtuloy-tuloy lang akong tumungo sa gawi nila.

"Hello? Sino ka po? Girl paano ka nakapasok at nandito?" tanong uli ni Ivan.

Kinakalabit na n'ya ngayon sa braso ang kung sinong panauhin na nakaupo sa sofa.

Sino naman kaya ang isang iyon?

"Baka.. Taga dito talaga 'yan sis," sagot naman ni Irish at sabay na pinagkrus ang braso habang napapailing pa.

Sabay nilang nilapitan ng tingin ang babaeng nakasuot ng bistida. Kahit malayo pa ako, batid ko ng itim at puti ang kulay ng kanyang suot ngunit maganda at presentable namang tignan.

Sa malayong anggulo, iisipin ko tuloy na madre ang isang ito dahil ang mahaba at maayos na nakahawing buhok nito ay kasing itim ng unipormeng suot.

Nakatalikod kasi ito sa gawi ko kaya ganoon nalang ang tingin ko.

"Ayan! Andito na pala ang mayorang may ari ng house, kilala mo ba ito teh?" tugon ni Ivan at sabay na napapakaway habang hinihintay na makalapit ako.

Nagsalubong ang kilay ko at nanatili paring nakapamulsa sa jacket. Mistula kasing kastilo ang luwang ng mansyon na ito, kaya naman ilang hakbang pa bago makapunta sa gitna kung saan sila nakatambay ngayon.

Hindi ko s'ya kilala, pero sa pagkakaalam ko, wala akong ibang pinapasok lalo na kung ito ay isang ligaw na kaluluwa. Palapit na ako sa gawi nila, kaya naman napalingon na ang babaeng kanina pa nila inuulan ng tanong ngunit hindi naman sila sinasagot.

Napatigil ako sa paglalakad at walang emosyong napatingin sa kanya habang nasa harap nito.

Hindi na ako magugulat kung duguan ang isang ito, pero sa napapansin ko palang sa pisikal n'yang kalagayan, wala s'yang kahit anong sugat sa katawan o kahit ano mang bahid ng dugo sa ilang parte ng unipormeng may puting tela.

Karaniwan kasi ng mga patay, lalo na't ang sanhi ng kanilang kamatayan nila ay sinaksak, binaril, nabagsakan ng mabigat na bagay, nalaglag sa mataas na lugar at iba pa, masasabi mong kaawa-awa ang magiging itsura and worst duguan pang gumagala sa kung saan.

Kapag nagkataong na tyempuhan ng isang taong may third eye na makita sila, napaka impossibleng hindi sila kakaripas ng takbo sa gulat.

Nang makita ako. Dahan-dahan itong tumayo mula sa pagkakaupo at tinalikuran ang dalawa para ako ang harapin.

"Magandang gabi Binibining Katalina." biglang bati nito at sabay na napayuko pa. Nang magawa iyon ay tumuwid na uli ang kanyang tayo at maamong ngumiti ito sa akin.

Hindi ako nakaimik at natigilan sa pag nguya ng bubble gum nang batiin ako ng ganoon. Bakit Binibini? I'm just an ordinary girl, hindi n'ya kailangang maging pormal sa akin.

Here we go again. Isa rin ba itong kaluluwa na gaya ng mga bruhilda? Tipong ipipilit nanamang ako ang nasa portrait?

Please. Stop na!

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon