Kabanata 14

59 9 30
                                    

"Mas mainam kung ilalabas mo ang pinakamatamis na ngiting mayroon ka mahal na Binibini." suhestyon ni Marco habang nakaharap sa isang malaking kambas.

Nakaupo sa harap n'ya ang isang napakagandang binibini, salubong ang mga kilay at tila hindi maipinta ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Hindi kasi ito komportable sa suot na traje de meztisa. Para sa kanya ay mas komportable s'yang simpleng baro't saya ang isinusuot kaysa ang mga ganito ka pormal na traje.

Bukod sa mainit dahil sa kakapalan ng tela, masyado rin itong mahaba na aabot pa sa talampakan.

"Ginoo, ilang oras ba ang itatagal upang matapos ang iyong pagpipinta? Kung tutuusin ay hindi mo naman kailangang gawin ito sa akin." wika nito at pilit na umaayos ng upo.

Napangiti lang ang binata at bahagyang napailing. Hinagod nito buhok gamit ang kanyang mga daliri at humarap uli sa kambas at sa dalagang iginuguhit.

Sa ngayon ay pahapyaw na pag guhit muna ang ginagawa nito, sinimulan sa hugis ng mukha, buhok, mata, labi at maski ilan pang maliliit mga detalye gaya ng mga mabulaklaking burda sa paligid ng traje ay hindi nito pinalampas.

Para sa Ginoong ito, isang karangalan sa gaya n'yang pintor ang mabigyan ng pagkakataon na ipinta ang babaeng sinisinta at ang pamilya nito.

Ang napakagandang dilag na ito ay halos ihawig sa liwanag ng buwan ang napipintang kagandahan, ito ay ang panganay na anak nina Donya Soledad at Don Antonio Marqueza.

Si Binibining Katalina Marqueza.

Isa s'ya sa mga huwarang binibini sa panahon n'ya, bukod sa may kakaiba itong taglay na kagandahan na talaga nga namang isang purong kastila, may paninindigan ito sa lahat ng bagay na alam n'yang tama.

Ang mga lahi man nila ang namamayagpag sa buong bansa, kailanman ay hindi sumagi sa isipan nilang manakit, manlamang, gamitin ang kapangyarihan para abusuhin ang kanilang kapwa, kastila man o purong pilipino.

Para sa kanila, ang respeto ay hindi nakukuha dahil sa katayuang mayroon ka sa buhay, kundi kung paano mo tratuhin ng patas ang kapwa na walang halong panlalamang at hindi ibinabase ang estadong mayroon sila.

Nakukuha ang respeto sa taong marunong ding rumespeto.

Kung nakikita n'ya ang mga kapwang kastila na nagmamalupit ng mga taong walang kalaban-laban, walang pag-aalinlangang pumapagitna ito sa kanila para ipagtanggol ang taong inaapi kahit madawit pa ang kanyang reputasyon.

Ngunit di kalaunan ay napapalagpas ito dahil malakas ang kapit ng pamilya nila sa mga matataas na opisyal sa bansang Espanya.

Sa lipunang ginagalawan nila, talamak ang diskriminasyon na hindi naman dapat. Kapag alam nitong mali, buong tapang s'yang lumalaban kahit makabangga pa ang sariling kalahi.

Bukod sa ganitong personalidad na taglay ng binibini, masayahin din ito at palakaibigan.

Sa katunayan, ang isa sa kanyang mga kaibigan ay isang indio, ito ay si Hugo, ang lalakeng naabutan n'yang pinagmamalupitan ng isang gwardya sibil.

Naging magkaibigan sila dahil sa parehong interes sa pagsusulat ng mga tula at babasahing nobela, ito rin ang nagturo sa kanyang gumawa ng mga laruang gawa sa kahoy at mga papel.

Hindi kasi naranasan ng dalaga na mamuhay ng ganito hanggang sa matunton ang kanyang edad, bukod sa isa ang pamilya nila sa pinakamayayamang angkan sa espanya, bata palang s'ya ay napapaligiran na ng mga panuntunan, lalo na sa paraan ng pananalita, sa pakikipag-usap sa kapwa matataas na opisyal, sa pamamaraan ng pananamit at sa mga kaalamang dapat gawin ng isang babae sa hinaharap.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon