Kabanata 10

77 9 52
                                    

Irish's POV

Naiiyak kong niyakap ang tuhod ko nang ilibot ang tingin sa paligid. Napakadilim at tahimik, tanging ang maliit na bintana mula sa itaas ang nagiging daluyan ng ilang kaluskos at hampas ng mga sanga, ito rin ang nagsisilbing lagusan upang magbigay liwanag na mula pa sa buwan.

Isiniksik ko ang sarili sa pinakasulok. Kaya naman, nakalikha ng ingay ang kadenang nakatali sa aking kaliwang paa.

Gusto kong umiyak at sumigaw ngunit kahit ano atang gawin ko, walang kahit sino ang makakarinig sa akin sa isang kulong na silid.

Bakit nangyayari sa akin ito? Gayong ang kagustuhan ko lang ay ang mayakap s'ya kahit alam kong nadala lang ako sa isang ilusyon.

Masama bang magpalinlang sa bagay na alam nating magbibigay sa atin ng kasiyahan kahit ang kapalit ay labis na kalungkutan at kapamahakan?

Naiinis lang ako, pakiramdam ko kasi hindi pa rin ako nagigising sa sarili kong mga ilusyon at gusto ko pa ring magpakalunod.

Spade.. I miss you, kahit hindi ikaw ang niyakap ko, pilit pa ring iisipin ng puso kong ikaw iyon.

Yes, I've been fooled. Fooled by someone who disguises as him. Napakatanga ko sa pagkakataong iyon, but I'm willing to be dumb para lang magawang mayakap muli ang taong matagal ko ng gustong mahawakan, even if it is fake.

Even if it really means, danger.

Nang makita ko kasi ang akala kong s'ya, awtomatikong nagising ang sistema ko, pakiramdam ko, yung bilis ng tibok ng puso ko ay parang nung dati lang, hindi ko maipaliwanag, basta ang alam ko lang, iyon ang gusto kong maramdaman.

I hugged his impostor tight and assumed it is him, it looks so real kaya hindi ko na nagawang pansinin pa. I'm blind. So blind that really leads me to this.

Pagkatapos ko itong yakapin at malaglag sa pita ng kanyang patibong, nahuli na ako bago ko pa makumpirmang iba at hindi s'ya.

Nagbago ang anyo nito at naging isang babae, isang babaeng may mahabang buhok at pulang mga mata na halos manlisik pa. Bago pa ako makasigaw, bigla n'ya akong hinila at tila ba bigla nalang naglaho sa lugar na kinatatayuan namin--sa harap ng mansyon--pinalibutan kami ng itim na usok at bago nakarating sa lugar na ito.

Nang suriin ko sa labas, napupuno ito ng nagtataasang mga puno, at tanging huni lang ng mga ibon ang pumapawi sa katahimikan ng paligid.

"Bitawan mo ako!"

"Mabuti naman at hindi mo na ako pinahirapan pang sumama sa akin."

"Walang'ya ka! Bakit mo ninakaw ang wangis ni Spade?!"

Tinitigan lang n'ya ako at sabay na umarko ang isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

"Ang dali mo kasing lokohin e, wala lang nababasa ko kasi ang iniisip mo, wag naman sanang madalas, na paghahalataan e." sarkastikong sagot nito.

Nagpupumilit akong pumiglas ngunit tinutukan n'ya ako ng isang patalim.

"Manahimik ka nalang at sumunod ng maayos, kung ayaw mong maging abo at bigla nalang mawala.. Magpahanggan." anya at sabay na nakangiting itinutok iyon sa leeg.

Ilang beses akong napalunok at hindi na sumagot pa.

"Ibigay mo ang jade token na mayroon ka kung gusto mo pang...manatili." pagbabanta nito habang hindi pa rin inaalis ang kutsilyong nakatutok sa akin.

Dahan-dahan kong dinukot sa bulsa ng aking palda ang jade token na mayroon ako, at nag-iisa nalang iyon.

Parang kumislap ang kanyang mga mata at marahas na hinablot iyon mula sa kamay ko. Nang makuha, ilang segundo n'ya pa iyong tinitigan at itinago sa tuping kamay.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon