Kabanata 30

108 11 87
                                    

Katalina's POV

Tatlong araw na ang nakalipas nang magpaalam silang dalawa sa amin. Irish already fulfilled her wish to talk to Ade, at sinamahan pa ito ni bakla.

Gaya ng usapan, sampung minuto lang ang itinagal ng silver capsule.

Sa sampung minuto na 'yon, batid kong nasabi na ni Irish ang kanyang nais, nakapag-usap na parang isang normal na magkasintahan at nakapag patawaran sa isa't isa.

Nakikita ko sa mga mata ang labis na kalungkutang nag resulta sa rumaragasang emosyong hindi mapigilan. I know they still love each other, ngunit hindi itinadhana't pinaghiwalay ng masakit na kamatayan.

Batid ko ring gusto nilang mas pahabain pa ang oras na nalalabi para sa kanila, hinihiling sa langit na sana'y panghabang buhay ang ikot ng bawat minuto't oras.

Ngunit kailangang magising at harapin ang masakit na realidad. Realidad na naghihiwalay sa pusong duguan sa gitna ng mapaglarong gera.

Minsan nga, mas maganda nalang atang manatili sa sarili nating pantasya kaysa harapin ang katotohanang taliwas sa akala nating puro saya. Nakikipaglaban sa gitna ng unos, malulugmok ngunit tatayo at magpapatuloy.

Sa kabila ng limitadong oras, nakita ng mga mata ko kung gaano nalulubag ang kanilang mga puso't kalooban nang muling pagtagpuin sa hindi inaasahang pagkakataon.

Mahigpit na hinagkan ang isa't isa, malungkot man ang nakaukit sa mga mata ngunit sa wakas, nakalaya na ang pusong nakagapos sa nakaraan.

Napangiti ako nang halos hindi maipinta ang matamis na ngiti ni Ivan sa kanilang dalawa ni Irish at Ade, batid kong suportada n'ya ang pagmamahalang namamagitan sa dalawa.

Tama s'ya, kung mas maaga lang sana ang lahat, tiyak kong mas maraming pagkakataon ang pwedeng gugulin para sa mga ganitong bagay, ngunit sadyang hindi lang natin kontrolado ang ilang bagay.

Hindi mo inaasahan na kusang kakatok ang mga desisyong hindi mo na planong isagawa. Pero sabi nila, best thing happen unexpectedly.

Kaya alam kong planado na ito sa itaas at isasagawa nalang.

Nagpaalam na kaming tatlo sa isa't isa, napakalungkot sa pakiramdam, ngunit mas nangingibabaw sa akin ang pag-asang hindi rito nagtatapos ang pagkakaibigang nabuo sa napakaikling panahon.

Nanalangin na sana'y muling pagtagpuin sa panibagong buhay na pupunuin ng saya at mga aral.

Pag-uwi ko sa mansyon, matapos silang lumisan, nakaramdam uli ako ng hindi maipaliwanag na kalungkutan.

Kalungkutan na madatnan ang malamlam na kapaligiran ng buong bahay. Kung paano namin ito datnan na wala talagang sigla, pakiramdam ko'y muli ang ibinalik matapos ang pansamantalang kaligayahan.

Walang malalakas at nakakarinding boses ang bumungad sa akin pagkauwi, walang batuhan ng kahit anong bagay na s'yang kinasanayan ko, at lalong walang bumati sa akin.

Bahagya akong napangiti nang mailipat ko ang tingin sa bandang sofa, kung saan madalas ko silang makitang abala sa pag ce-cellphone.

"Sismars! Picturan mo ako, dapat yung kasing ganda mo ha?" mataray na pagtawag nito habang nakasuot ng vintage style dress.

Nakaayos ang buhok na akala mo naman nasa 1920's

"Sige na nga punyemas! Nang aabala ka eh, nagbabasa ako ng Iibro!" inis na asik nito at masama s'yang tinitigan.

"Pleaseeeee!"

Ito yung eksena nila matapos maglaho aking Tiya, natipuhan ata ng bakla ang makalumang style nito.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon