Kabanata 6

117 12 0
                                    

3rd Person's POV

"Grabe naman, kailangan ba talagang hanggang sa rooftop kailangang linisan?" napapailing na tugon nito habang abala sa pagbibitbit ng mga gamit pang linis at ng sakong kakailanganin.

Buong akala kasi nito na hanggang sa mga rooms lang ang kota n'ya ngayong araw, at dahil absent ang naka-assign sa taas, s'ya ang inutusan ng manager para pansamantalang akuhin ang naiwang trabaho.

Napapailing pa ito ng ilang beses habang tamad na tamad na tinatahak ang hagdan papunta sa rooftop ng hotel.

Para kasi sa kanya, kalbaryo ang paglilinis sa taas, bukod sa napakalayo pa nito sa assigned area, takot itong pumunta doon dahil sa mga nagkalat na kwento tungkol sa namatay na guest sa hotel, ani nila ito raw ay nag suicide at ang masaklap pa, hindi kaaya-aya ang pagkamatay nito. Si Domeng lang ang trabahador na malakas ang loob para pumunta doon, at dahil wala nga ito ngayon, kailangan n'yang sundin ang inuutos sa kanya, kung hindi, baka masesante s'ya ng di oras.

Sobrang matatakutin kasi ito, tipong halos manginig at minsan pa ay nawawalan ng malay kapag may nakikita. Para kasi sa kanya, kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi parin s'ya pinapatahimik ng krimeng nasaksihan.

Para s'yang hinahabol at binabangungot gabi-gabi.

"Napakamalas ko naman, sabing pwede namang si Olen ang ipadala ni Sir!" naiiyak na tugon nito at sabay na napapadyak pa sa bawat hagdan na tatapakan. Tamad na tamad na hinihila ang sako at ilang beses pang napapalingon dahil sa sariling guni-guni.

Maliban kay Domeng, si Olen naman ang pinakamatapang sa kanila, sa kabila ng malakas nitong third eye, tinuturing n'ya itong regalo, para sa kanya ay hindi na bago ang makakita ng nakakatakot na multong pagala-gala, kaya kung libre sana ang oras nito ngayon ay pwede n'yang samahan si Gerald.

Habang paakyat palang, tila ba hindi nito batid ang panganib. Madilim ang parteng hagdan kaya kailangang may bitbit na flashlight. Hindi pa kasi napapaayos ng management ang parteng ito ng hotel, siguro ay sisimulan palang sa susunod na buwan.

May katagalan na rin ang hotel na pinagtatrabahuan ni Gerald, panahon pa raw kasi ng gera ay mayroon na ito. Kasalukuyan ang renovation, kaya naman sa unang tingin sa bawat pasilidad na mayroon ay talaga nga namang nagmumukhang bago bukod lang sa buong building. Ito lang siguro ang parte na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyang solusyon, at para sa mga gaya nila Gerald ay isa itong kalbaryo sa tuwing tatahakin ang daang ito lalo na sa gabi.

Nanginginig man, pero buong tapang na nagpatuloy.

"Potragis! Sabi kasing iba nalang e! Tapos wala pa manding ilaw dito," pilit na tugon nito para iwaksi ang takot na nararamdaman.

Para kasi kay Gerald, ang pagkanta at pagsasalita ng malakas sa ganitong sitwasyon ay bahagyang nakakatulong para pahupain ang takot na namamayagpag sa kalooban.

Kaya naman ay pinatugtog nito ang dalang cellphone.

Now playing- Soulstice 'IVANA'

Sa pagtugtog ng kanta ay bahagyang nakaramdam ng kaunting ginhawa sa kalooban ang binata. Pansamantalang nalumbay ang kalooban sa bawat ritmo. Bukod sa mga swag songs, para sa kanya ang mga ganitong klaseng beat ay epektibo para lang pansamantalang makalimot at mapalitan ang anumang negatibong bagay na naglalaro sa kanyang isipan.

"Ikaw yung dalagang Pilipina na inaabangan ng iba.." pagsabay nito.

Nilakasan n'ya ang volume habang napapakanta pa. Dahil doon, pansamantalang nawala ang takot na nararamdaman habang tinatahak ang hagdan papunta ng rooftop.

Sa madilim na parte ng hadgan, nakangiti ang hindi inaasahang bisita. Dahil liwanag lang ng flashlight ang nagraraos sa kanya sa nakakatakot na daang patutunguhan, hindi nito nawawari ang bagay na hindi n'ya gustong masaksihan.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon