Kabanata 13

56 9 16
                                    

Now Playing: Say Yes by Loco and Punch

Katalina's POV

Hindi ako nakagalaw nang banggitin n'ya ang mga katagang iyon at ang pangalan ko. Gusto kong magsalita ngunit parang umawang lahat sa isang iglap.

"You are the same as before." anya at dahan-dahang binitawan ang kamay ko.

Nakatitig pa rin ito ng diretso sa aking mga mata na animo'y binabasa kung ano nga ba ang tumatakbo sa isipan. Kahit binitawan na n'ya ang kamay ko, ganito pa rin kalapit ang distansya n'ya sa harap ko.

Anong pinagsasabi n'ya? Same as before? Sa pagkakaalam ko, we only met this previous night, but in past life?

I don't think so.

Bago lang s'ya sa paningin ko pero pagdating sa kanya, parang hindi ako bago. Why is he acting so strange? The way he uttered my name was quite different, like as if we have a intimate relationship even we don't.

Minsan naiisip ko na baka pinagtitripan ako ng isang ito, well try me hindi ako mabilis madala.

I don't have any idea kung paano n'ya nalaman ang pangalan ko, ni hindi kami nagkatanungan o nakapag usap patungkol sa mga pangalan o background ng bawat isa bago ako mawalan ng malay.

I just know his name through Mr. Gomez at napag alaman ko na rin sa kanyang s'ya pala ang tinutukoy nitong Grim Reaper. Now everything makes sense, kaya pala nandoon s'ya sa pangyayaring iyon for one reason, to collect their souls.

Now I am convinced that Angels of Death really exist.

Buti nalang at hindi n'ya sinama si Irish sa kanila gayong katulad n'ya rin naman ang iba. Pero kung ang pakay n'ya lang talaga ay ang kolektahin ang bawat spirits sa lugar na iyon, bakit nag abala pa s'yang gawin iyon sa akin.

We are ain't related, hindi n'ya kailangang mag abala para gawin iyon. Kung huhusgahan mo sa timpla palang ng mukha n'ya, masasabi mong s'ya yung tipong walang pake sa paligid.

Pilit kong iwinaksi sa isipan mga namuuong tanong. Lumabas ako para magpahangin hindi para magisip pa lalo.

Hindi ko rin naman sinasadyang nabanggit ang pangalan n'ya, may mga pagkakataon kasi na kusa nating nabibigkas ang mga bagay na tumatakbo sa isipan natin.

Tamad ko s'yang tinignan.

He already let go of my wrist kaya naman mas malaya na akong nakakagalaw.

"Anong sinasabi mo?" sagot ko.

Bahagya s'yang natawa at napatingin sa kung saan. His jaw tightened and look more define when he look away, how can a person have such a good features?

Then he immediately return his gaze.

Pinilit kong ituwid ang sarili ko at akmang hindi ginawang big deal ang mga katagang binanggit n'ya kahit alam kong naghaharumentado ang kalooban ko.

Bakit alam n'ya ang pangalan ko? Sa pagkakaalam ko, walang ibang nakakakilala sa akin maliban sa mga taong malalapit sa akin.

Alam n'ya rin kayang napadaan lang ako dito? O nagkataon lang ang lahat? Pero naisip ko na baka kaya nandito rin s'ya ay dahil sa lalakeng nadisgrasya at itinakbo sa hospital.

Samantalang ako, natipuhan lang na maglakad lakad dahil gustong magpahangin.

Naalala ko nga pala yung kwento sa akin ni Mr. Gomez patungkol sa mga gaya n'ya. Sabi nito, kapag ang isang tao ay nasa bingit na ng kamatayan, naatasan na ang Grim Reaper para hintayin at panoorin ang huling nilang paghinga.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon