Kabanata 9

89 10 14
                                    

Someone's POV

I was busy reading on my laptop when I saw him. Hindi ko inaakala na mapapadaan nanaman s'ya sa office ko.

"Hey Kuya, you never guess what I heard." baling ni Geize at nakangiting umupo sa harap ng table ko.

Saan nanaman kaya nagpunta ang isang ito.

Kaya naman agad kong inalis ang suot na eyeglasses at bahagyang ginusot ang mga mata ko. I gently pull out my black tie upang mas maging komportable and rested my stiff back on the swivel chair.

I've been stock here for almost three hours kaya naman nakararamdam na ako ng pagkahilo at pananakit ng mata. Then look who's here.

"Spit it out." tamad na tugon ko.

Napalinga-linga muna ito sa paligid kaya napailing nalang ako, nang makuntento at makitang walang kahit anong tao ron ay agad akong hinarap.

"Yung lalakeng nagdidiin sa atin sa 'kanya', he is already dead." sambit nito. He smiled na animo'y tuwang-tuwa pa dahil sa balita.

Kinunutan ko lang s'ya at sabay na ibinagsak ang hawak kong ballpen. He throw me a surprise look.

"Did you.." I frowned as my fist clenched.

"Ah-ah" umiling ito. He raised his hands, palms infront of me.

"I didn't do that, he did that to himself." pangangatwiran nito at sabay na napakrus ang kanyang mga braso.

Napasapo ako sa noo.

Hindi ko alam kung 'yan lang ba ang sasabihin n'ya para mang-abala sa trabaho ko. Wala na akong ibang naririnig na maganda puro nalang hays.

"Sa'yo lang, bakit mo ako idadamay. In the first place ikaw naman talaga, sinabi ko ng tumigil ka na pagkatapos ng nangyari. But you don't, isang pagkakamali mo pa wala kang aasahan sa akin Geize." sagot ko.

Geize is responsible for all of this at wala akong kinalaman, I'm just helping him to clean his mess dahil ayokong madungisan ang pangalan ng pamilya at masira ang pinaghirapan ko. Alam kong maling pinagtakpan ko s'ya, pero kung uulitin n'ya ang parehong kasalanan two years ago, baka ako pa mismo ang magkulong sa kanya.

Kung hindi naman dahil sa kaguguhan n'ya, hindi sana mangyayari iyon. Minsan naiisip kong ikinakahiya ko s'ya, but I promised to her--mom--na hindi ko papabayaan ang tarantado kong kapatid.

"Wala naman akong ginagawa Kuya Tyler, he committed suicide. Masaya lang ako dahil wala ng mag-iingay hindi ba?" he smirk as he utter his words.

"Magtigil ka nga Geize, masaya ka pa? You're sick." asik ko at muling kinuha ang isang folder sa tabi ng desk ko. I try not to pay any attention to his excuses.

"No I'm not, mukhang nagkusa na kasi s'ya kaysa naman ako pa gumawa non." nakangising anya.

He is really getting out of my nerves. Hindi ko na uli s'ya tinapunan ng tingin at nagpatuloy nalang sa pagbabasa ng mga papeles.

Oh I get it. Yung lalakeng sinubukan kaming ireklamo dahil nasaksihan n'ya ang ginawa ng kapatid ko. The crime happened at that hotel at alam kong nakita n'ya lahat ng iyon, wala ako sa eksena but Jason told me.

Hindi ako galit sa kanya, mas galit ako sa kapatid ko. Pinagtakpan ko lang s'ya for the sake of our business na sakto namang papaangat na sa industry. Syempre Geize have our surname at mainit sa mata ng mga kakumpetensya sa negosyo ang paghahanap ng butas para siraan kami.

I really do regret that. Akala ko kasi magbabago na s'ya after promising that he wouldn't do anything incautious, pero nalalaman ko nalang sa mga body guards n'yang, he use drugs.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon