Kabanata 3

174 11 12
                                    

Sa ngayon ay nandito ako sa labas ng mansyon at nakaupo sa lapag ng terrace, dito nalang ako nanatili at hindi na nag-abalang pumasok pa sa loob dahil gusto kong hintayin na pumutok ang sikat ng araw.

Buti nalang at hindi bumigay ang inuupuan ko dahil halos ilang oras akong nakatulala at hindi manlang nagawang tumayo sa puwesto ko.

Kahoy na matibay ang naging lapag nito ngunit may kaunting karupukan ngalang dahil sa sobrang katagalan na rin siguro.

Ipinark ko ang motorsiklo sa harap at isinabit ang helmet sa handle bar.

Okay naman kahit papano ang helmet na hinabol ko sa walanghiyang snatcher, pasalamat s'ya at hindi ito nagasgasan, kung hindi mapapatay ko talaga iyon kapag hindi ako makapagpigil.

Sobrang importante kasi ang bagay na iyan sa akin. Iyan nalang ang naiwang ala-ala ni Miggy bago s'ya pumanaw--ang boybestfriend ko-- dahil sa isang motorcycle accident. Wala kasing kasiguraduhan kung magkikita pa ba kami ulit o hindi na.

Nakilala ko s'ya noong nagkaroon ng motorcycle race sa central, actually sumali lang ako dahil alam kong hindi naman ako nakikita ng iba at gusto ko lang maglibang dati, but then may third eye pala si loko kaya nakita n'ya akong nakikiusyoso sa isang race.

Hindi nagtagal ay naging close kami, but we're really just friends because he is a bisexual. He really prefer men over woman, though he is attracted to both, pero para sa kanya ay 60% ang percentage ng attraction n'ya sa same sex.

Then after our long friendship, he gave me a helmet dahil wala raw akong suot delikado, pero lagi kong sinasabi sa kanya na kahit maaksidente ako o kahit ano man ay walang mangyayari sa ulo ko. But he insist, sabi n'ya na I should take it as a remembrance and a sign of friendship for lifetime kahit I'm not totally a normal human, because I'm in the stage between life and death.

Dumating ang araw na nawala s'ya, dahil sa disgrasya, I was so sad at that time at ang masaklap, I never met his soul even for once, but I know he is already in the afterlife and happy just like what I want him to experience na hindi n'ya natamasa noong nabubuhay pa s'ya.

That's why, I'm willing to chase this precious helmet kahit ano man ang mangyari, Miggy was my only best friend and when I have this, pakiramdam ko he's always here, with me.

Pagkatapos ng nangyari kagabi, umuwi rin ako kaagad at hindi na tinugunan pa ang pagpapakilala ng lalakeng iyon.

Pakiramdam ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko noong mga oras na iyon at tila ba walang balak mag paawat. Ilang beses akong napapailing dahil pilit kong nirerehistro sa sarili na baka namamalik mata lang talaga ako.

Hindi s'ya yun! Ramdam kong hindi, but it really creeps me the hell out of me. Pakiramdam ko bumabalik lahat ng ala-alang dapat ay matagal ng ibinaon sa limot. How would I forget his smile, his face the way he gaze upon me at that night.

Umakto lang akong parang hindi interesado noong nakita s'ya, pero bakit hanggang sa pag-uwi ay binabagabag ako. Yes, masasabi kong magkamukha sila, but the name was really different but it just.. I don't know, hindi ko maipaliwanag dahil naguguluhan ako.

"Ay!" gulat na sigaw ni Ivan sa tabi kaya naman napabalikwas ako.

Hayup yan! Sabihin naman sana n'ya kung andyan s'ya! Hindi yung biglang titili sa tabi ko.

"Magsabi ka nga kung andyan ka! Nakakagulat ka eh!" inis na baling ko at muling tumingin sa kawalan habang napapailing pa.

Gulong-gulo na nga ang isip ko tapos parang kuryente pang biglang susulpot sa kung saan.

Di na ako nag abalang tignan s'ya dahil sa inis.

Ipinatong ko nalang ang braso ko sa tuhod at inabala uli ang sarili sa pag tingin sa di kalayuan habang pinapakalma ang sarili dahil sa pagkagulat.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon