Kabanata 20

42 9 30
                                    

3rd Person's POV

"Naniniwala ka bang, hindi ko ginawa iyon?" bagsak balikat na tanong nito habang dinadama nila ang preskong hangin sa nayon.

Napailing naman ang binata at tumugon.

"Oo naman, alam kong hindi mo gawain iyon binibini kaya bakit ako maniniwala sa kuro-kuro ng iba? Kung pwede namang ikaw mismo ang tatanungin ko, hindi ba?" malumanay na sagot nito.

Nagsimula na kasing kumalat sa buong bayan ang usap-usapan patungkol sa relasyon ni Katalina Marqueza sa Ama ng kaibigang si Leonora Macadamia, ngunit pawang walang katotohanan at kuro-kuro lang ang lahat.

Pinagkalat ito ng isang taong may malaking inggit sa kanya at sa pamilya nila, pinaniwalaan naman agad ang tsismis at hindi inusisa ang katotohanan sa likod nito.

Dahil sa usap-usapan, nagsimulang mabahiran ng kahihiyan ang pamilya Marqueza. Nasira ang pinakainiingat-ingatang pangalan at reputasyon.

Alam ng buong bayan na malapit ang pamilya Marqueza at Macadamia bago pa magkakilala si Leonora at Katalina.

Kaya ganoon nalang ang gulat nila sa bali-balitang nagkaroon ng relasyon si Don Martino kay Binibining Katalina gayong kamamatay lang ni Donya Felicidad tatlong buwan na ang nakalipas.

Ani ng iba, isang paglalaspatangan sa namayapang asawa ni Don Martino ang pakikipag relasyon ng binibini sa kanya, lalo na't matalik na kaibigan pa ito ng kanyang Ama.

Hindi nakaimik si Katalina sa tugon ni Marco sa kanya.

Sa lahat ata ng taong may kilala sa kanya ay sirang-sira na s'ya, ngunit sa mga mata ng binata, s'ya pa rin ang babaeng minahal n'ya ng sobra sa kabila ng maling aligasyon.

Lubos s'yang nagtitiwala na hindi iyon kayang gawin ni Katalina dahil parang Ina na rin ang turing nito sa asawa ni Don Martino.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong wala.. Wala akong relasyon sa kanya, na kahit kailan ay hindi ako nagtaksil sa pamilya ko?"

"Basta nanggaling mula sa iyo, naniniwala ako. Kung may sampo mang aligasyong ibabato sa'yo, may isang natatanging dahilan para ikaw pa rin ang paniniwalaan ko." napangiti ito at sabay na hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Marco.."

"Katalina, handa kong iaalay ang buhay ko upang protektahan ka. Kung kailangang mamatay ako, gagawin ko para lang hindi sila makalapit sa'yo."

"Bakit ganyan ka?" nag-aalalang tanong ni Katalina habang nakatingin lang sa kanya.

"Kase mahal kita. Mahal na mahal, hanggang sa huling segundo ng pag tibok ng puso ko,"  napahawak si Marco sa kanyang dibdib at itinuturo ito.

"Pakatandaang ikaw pa rin ang laman nito." dagdag n'ya.

Mas lalong nakaramdam ng lungkot si Katalina dahil sa binibitawang salita ng binata.

Kaya naman, wala sa sariling napayakap nalang s'ya kasabay ng pagtulo ng mga luha. Luhang hindi mapigilang magbadya sa malungkot na mga mata.

Nagulat man ang binata ngunit napangiti ito at tinugunan.

*******

Hindi nila maialis ang nag-aalalang tingin sa walang malay na si Katalina.

Nitong nakaraan ang huling beses na nakausap nila ito ng matagal. Ngunit pagkatapos ng pang-aasar ni Ivan dito, napapansin nilang napapadalas ang paglabas-labas ng dalaga at tanging kaunting tugon lang ang naibabalik nito mula sa kanila.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon