Kabanata 25

40 9 40
                                    

Spade was kneeling onto his girlfriend's grave at nagsindi ng kandila sa tabi ng kanyang lapida.

Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ito sa kanyang namayapang kasintahan na si Irish, through this years, hindi nawala ang pagmamahal nito kahit nang dumating sa buhay n'ya si Veronica.

"We should stop this. Ade." seryosong tugon ni Irish nang magkita sila ni Spade sa restaurant.

April 21, 2017; 10:00 am.

Hindi makagalaw sa sariling pwesto ang binata at pilit na idinidikta sa sariling nagbibiro lang ang kasintahan.

Sa tagal nilang magkasama, kabisadong-kabisado n'ya si Irish at hindi nito basta-bastang magagawa ang pakikipaghiwalay.

They have been through a lot and win against them their battles, pero bakit bigla nalang atang nagbago ang ihip ng hangin.

She values their relationship, ngunit napakabigat para sa dalaga na manatili dahil nakikita n'yang hindi makapag pokus sa pag-aaral si Spade.

Naaapektuhan na ang mga grado n'ya, at isang taon nalang ang hihintayin ay makakapag graduate na rin ito sa pag-aaral ng medisina.

Kung kailan malapit ng magtapos, doon nagbago si Spade. Palaging bumabagsak ang grado, hindi makapokus sa mga thesis at requirements n'ya, at ang masaklap pa ay kailangan na syang ibalik sa states kung hindi pa ito magtitino.

"Baby.. Please wag namang ganito, mahal na mahal kita ayokong mawala ka.." pagmamakaawa ni Ade at sabay na napahawak sa kamay ng dalaga.

Nagpipigil ng emosyon si Irish at ipinapakitang hindi s'ya apektado, pero sa loob loob n'ya, nasasaktan itong makita si Ade na nagkakaganito.

She wants the best thing for him in this world, ngunit ayaw n'yang malugmok ang mga pangarap na pinagplanuhan nang dahil lang sa kanya.

Labis kung magmahal si Spade, tipong ibibigay ang lahat para sa ikaliligaya ng mga taong mahal n'ya. Ngunit, minsan sa sobrang pagmamahal, nakakalimutan n'yang may mga responsibilidad s'yang kailangang akuhin.

Kaya naman, napagdesisyunan ni Irish na umalis para sa ikabubuti n'ya.

"Ade, nakikita mo ba ang nangyayari sa pag-aaral mo? Hindi ka na nakakapagpokus ng dahil sa akin, patuloy na bumababa ang grado mo. Isang taon nalang oh, malapit na tayo sa pangarap mo, ngayon ka pa ba susuko?" tugon nito.

Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ng binata at napahigpit ng hawak sa kamay nito.

"I don't know pero.. Magbabago ako just stay please.. please.." pagmamakaawa nito.

Napalunok si Irish ng ilang beses at hindi makasagot.

"Ade.. I have already a new boyfriend." halos pumiyok na sagot ng dalaga na s'yang ikinatigil ni Spade.

Ilang beses itong napakurap at pilit na prinosesong mali lang ang kanyang dinig.

Irish lied. Wala talaga s'yang ibang nobyo maliban kay Spade. Ginawa n'ya lang iyon upang tuluyan s'yang kamuhian ng binata at huwag ng ituloy ang mayroon sa kanila.

Batid n'ya ang kahihinatnan ng ginagawa n'ya. Napakahirap man, ngunit ang pagsisinungaling na iyon ang maghihiwalay sa kanya kay Spade.

"What?" nanghihinayang na tanong nito.

Nagsisimula ng mamuo ang galit sa loob nito at hindi napigilan ang pagkuyom ng kamao.

"Yes Ade, that's true. And I'm sorry." pigil iyak na tugon ni Irish at tuluyan ng tumayo sa table nilang dalawa.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon