Kabanata 15

40 9 14
                                    

Katalina's POV

"I think this is the place." nakangising tugon ko habang nakahalukipkip sa gilid.

Napakaingay ng buong paligid at talamak ang mga alak sa bawat tables ng customers.

May mga dancers na sumasayaw sa stage gamit ang mga fixed poles habang ang iba naman ay nakiki-table sa grupo ng mayayamang lalaki.

Ang ibang customers naman ay nagsasayawan sa gitna ng dance floor habang may bitbit na botelya ng alak, masaya silang umiindak at sinasabayan ang napakalakas na musikang halos wala ng bukas.

They were wearing a sexy clothes na halos makita ang mga parteng hindi dapat.

This is so sick.

Napapailing nalang ako kapag nakikita ko, ganon nalang ba talaga kadali para i-expose ang mga dapat hindi? Kaya hindi nakakapagtaka na maraming nababastos dahil ang tingin ng ilang mga lalake sa lahat ng babae ay easy to get at kakayan-kayanan lang.

Dapat malaki ang pataw na parusa pagdating sa mga nang-aabuso lalo na sa babae.

Ang mga customers sa bar na ito ay karaniwang mga lalake o grupo ng mga teenagers, bukod kasi sa maluwang ang lugar na ito at maganda sa loob, hindi rin mahigpit ang ilang bouncers sa harap kaya maraming nakakalusot na kabataan.

I don't know if they are aware, but business is business kaya talagang pasok lahat basta may pera.

Napatingin ako sa gawing harap at napangisi, mukha nag-e-enjoy ata ang ugok sa view lalo na't nakaupo ang mga ito sa bandang harap kung saan sumasayaw ang mga dancers. Mukha tuloy silang na-hypnotize sa lagay na iyan.

I think this is not just a simple disco bar, kahit napakaingay ng paligid, mahahalata mo pa ring may mga nagaganap na small transactions sa pagitan ng ibang mga waiters at ng mga lalake customers dito.

They are selling party drugs.

Napangisi ako. So gusto talaga nilang maabot ang tunay ng langit kaya humihirit ng ipinagbabawal na gamot?

"Miss! Paki-serve naman ang table na ito." pagtawag ng isang lalake sa isang waitress.

Gotcha. Sabi na nga bang dito lang uli kita mahahanap. Napatuwid ako ng tayo sa gilid nang makumpirmang s'ya nga iyon.

Kung sinuswerte nga naman.

Bukod kasi sa bahay ng lalakeng iyon ang lead place para matunton ko s'ya, ito ang isa pang lugar na nakikita kong maaari n'yang puntahan.

Malakas kasi ang pag-asa kong mabawi  ang memory holder na ninakaw n'ya sa akin.

Bagong dating lang grupo ng mga lalake na napadaan pa sa harap ko kanina, hindi ko kaagad sila napansin nung una ngunit nang marinig kong magsalita ang gunggong, parang nabuhayan ang sistema ko.

Sa ngayon ay kasama pala nito ang kanyang mga kaibigan, they were smiling and talking about something at sabay napaupo sa isang bakanteng table.

Nang maidala ng waiter na babae ang mga alak sa table nila, agad tumugon ang lalakeng ito.

Hindi ako pwedeng magkamaling hindi 'sya' ang hinahanap ko. Sino nga ba ang makakalimot sa taong nakasagupa ko dalawang buwan na ang nakalipas at nagnakaw ng jade token ko.

"Are you free for extra service miss?" tanong nito at sabay na napapatingin ng nakakaloko sa kanyang mga kasama.

Sa tantyang bilang ko ay pito silang lahat kasama ang tarantado. Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa magandang waitress na ang tingin kong edad nito ay nasa labing walo palang.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon