Kabanata 12

74 11 54
                                    

Katalina's POV

"Hindi ko aakalaing ganon pala kalakas ang bruhang 'yon." tugon ko habang kausap uli si Mr. Gomez.

Sabi n'ya kasi ay balitaan ko raw ito patungkol sa mga nangyari. Tumungo na rin ako rito para ibalik ang pinahiram na spirit locators.

Sobra ang pasasalamat kong mayroon akong kagaya n'ya, kung hindi dahil sa mga equipments na mayroon s'ya, baka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Irish at posibleng naging gaya na rin s'ya ng mga spirit puppets at pwersahang sinama ng Grim Reaper.

Kwento ni Irish nang mawalan ako ng malay, bumalik na raw sa dati ang mga kaluluwang nakunan ng tokens ng ihagis ko ang laman ng pouch, at takang nagising kung bakit nandoon sila sa lugar na 'yon.

Sabi pa nito, pumayag na rin ang iba sa kanila para sumama sa Grim Reaper pagkatapos nang pangyayari, ani nila  naibalik na rin naman na ang kani-kanilang mga memory holder at wala na silang ibang rason para manatili.

Dagdag pa nito, kaya raw nawala ang patalim na nakabaon sa likod ko ay dahil inalis daw iyon nung lalaking puti ang buhok--yung pumunta sa mansyon--nang mawalan ako ng malay.

Samantalang ang babaeng impostor ay tuluyan ng naging abo nang mahuli ito ng Grim Reaper.

Buti naman kaysa makapaminsala pa ng iba.

I feel so sorry after that scene na mukhang ipinagkalulo ko si Irish sa impostor na 'yon. It was part of my plan, but I really not meant to harm any of my friends kahit myembro man s'ya ng samahang Awoo~Squad ni Ivan.

Nang maging maayos ang lagay ko, agad ko itong kinausap ng masinsinan para ipaliwanag ang lahat ng nangyari, alam kong naguguluhan pa rin s'ya ngunit dadahan-dahanin ko iyong ipaintindi sa kanya at sa kanila.

Sa ngayon ay maayos na ang lahat. Pero muli kong ipinaalala sa kanila na hindi dapat maging sobrang kampante sa lahat ng pagkakataon, kung nangyari ito ngayon walang duda na baka maulit pa sa hinaharap.

Inabot ng halos ilang oras ang pagkukwentuhan namin ni Kevin sa terrace kaninang umaga. Wala kaming naging kahit anong usapan para magkita dahil buong pag-aakala ko ay quits na kami, pero nagulat nalang akong dumalaw pa rin s'ya sa mansyon.

Ilang beses n'ya akong tinanong kung kumusta raw ang araw ko, kung bakit ganyan daw ang sugat ko, mga ganong klase ng tanong.

Hindi ko alam kung bakit ganyan n'ya ako tratuhin sa kabila ng lahat. Nagkakilala lang naman kami noong nagkataong may snatching na naganap, hanggang sa niyaya akong lumabas para raw 'kumain' to repay me for what I've done.

I didn't save him anyway kaya wala s'yang habol sa akin.

His gestures are quite different, hindi ko alam kung ano nga ba ang naging timpla nito for showing sudden care when I didn't even asked him to.

Minsan kinakabahan na nga ako dahil pakiramdam ko, Marco Espejo is doing this things right now, and the memories keeps on flashing back.

I can't stop imagining scenarios na matagal ng tapos. Alam kong nakakahalata na rin ito dahil sa pagkailang ko sa kanya. I don't know why! Pero parang gusto kong layuan ang bagay na nagpapaalala sa kanya.

Magkamukha na nga sila, pati ang boses at ngiti ay hindi pa pinalampas amp.

"Nasaktan ka ba n'ya iha?" nag-aalalang tanong nito kaya naman bahagya akong napangiti.

Napatango ako bilang tugon kaya naman nanlaki ang mga mata nito.

"Nasaksak po ako gamit ang kanyang patalim. Hindi ko nga aakalaing tatamaan ako sa likod." sagot ko.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon