Kabanata 2

280 20 16
                                    

Masasabi ko ngang malinis na ang kabuuang bahay dahil sa tatlong araw na walang tigil sa pag-aayos, paglalampaso, pagpupunas, at kung ano-ano pang mga gawaing bahay.

Ginawa naming parang sariling tahanan ang lumang mansyon. Buo na ulit, kaya masasabi kong mas maganda pa pala ito sa inakala ko kapag naayos lang at naipreserba lang ng mabuti.

Kahit mapapansing basag-basag ang ilang bintana, para sa amin ay ayos lang dahil may mga kurtina namang pwedeng ikabit upang hindi makita ang nasa loob.

Sa kalagitnaan ng paglilinis, napansin kong napakaluwang pala ng first floor, pakiramdam ko tuloy ay dance floor ito dahil sa sobrang kintab at nakikita na ang sariling repleksyon.

Ang mga furnitures naman ay maayos na nakahilera sa dati nitong mga pwesto, ang tables naman ay hindi na rin ganoon kaalikabok dahil mistula na itong bago ngayon.

Ang huli nalang na kailangang ikabit ay ang mga portraits ng taong nakatira dito dati. Hindi man sa amin ang bahay, ngunit para sa akin ay mas maganda pa ring panatilihin ang mga bagay na dati ng nandito, para kahit papano ay may laman namang kahit anong palamuti ang kabuuan ng bahay.

Kapag kasi walang kahit anong pwedeng pang disensyo sa loob, iisipin kong hostage place lang ang ganitong lugar at hindi isang bahay. Nakakatakot na nga 'daw' sa labas, ganon din ba sa loob?

Kaya naman, tulong-tulong kami nila Irish at Ivan upang buhatin at isabit sa dingding ang napakalaking family picture ng pamilyang ito. Nang matapos ay agad kong ipinagpag ang kamay ko sa damit dahil sa sobrang kapal ng alikabok nito sa likuran.

Nakakapagtaka ba na ang isang multo ay kayang magbuhat? Well, isang beses lang iyon at pinagamit ko na.

May mga pagkakataon kasi na ang ibang mga kaluluwa ay kayang manakot ng mga taong buhay, minsan kapag sobrang lalim ng galit nila, kaya nilang makapagbuhat ng bagay na pwede nilang gamitin para saktan ang biktima nila.

Ang tawag doon ay Poltergeist. Since kahit ganito ang dalawang multo na kasama ko, ramdam kong malalim ang galit nila sa mga taong gumawa sa kanila ng karumal-dumal na bagay.

At para naman magkasilbi ang galit nila, ginamit ko iyon para tulungan nila akong magbuhat dahil hindi ko kaya mag-isa ang lahat ng ito.

Ang huling nilagay ay portrait ng isang babae na kamukha ka 'raw' at kapangalan na rin.

"Kamukhang kamukha nga talaga ateng Katalina! Smile kalang parang pinagbiyak na kayong dalawa." biglang baling ni Ivan habang nakatingala sa dingding at pinagmamasdan ito. Ganon rin si Irish, bakas rin sa ekspresyon niya ang pagkamangha at iniisa-isa pang binabasa ang mga pangalan na nakaukit sa ibaba ng portraits.

Napangiwi naman ako kaya iniwan ko nalang uli sila para ayusin pa ang ilan sa mga gamit sa ibaba habang abala sila sa kakatitig ng mga nag gagandahang paintings.

Aminado ako, sobrang gaganda talaga at nakakamangha lang dahil mahuhusay ang mga pintor, napansin ko ring iisa lang din ang gumawa ng lahat dahil ang pirma ng artist sa portrait nung kapangalan ko ay iisa sa pirma ng mga paintings at iba pang mga obrang nakatambak dito.

"Hmm, ikaw nalang kakausapin ko Irish." rinig kong bulong ni Ivan nang lagpasan ko sila upang bumaba sa hagdan.

Napangisi nalang ako dahil doon.

"Hindi ka pa ba nasanay kay Ate Katalina? Ganyan talaga siya, kaya ako na ngalang talaga ang kausapin mo." sagot naman ni Irish kaya napailing nalang ako at bahagyang natawa ng mahina.

Kahit ganyan sila, ewan ko ba, natutuwa pa rin ako sa mga galawan nila. Buti andyan si Irish na taga salo ng mahihinang bulong ng bakla dahil kahit mag-ingay siya magdamag, tinatamad pa rin akong sagutin s'ya, pero natutuwa ako kapag sumisimangot ito sa inis.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon