Kabanata 28

57 10 76
                                    

Katalina's POV

"B-bakit ka umiiyak?" tanong ko habang nasa ganoon pa rin kaming posisyon.

Kumawala s'ya sa pagkakayakap para harapin ako. Napansin ko pa ang mga matang halos mamaga-maga.

Bumilis ang tibok ng puso ko matapos gawin iyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig ipahiwatig ng aking damdamin, sa tuwing magtatama ang aming mga tingin, maglalapit ang aming mga balat at lalo na ang pag bagsak ng mga luha sa malamig nitong mga mata.

Parang naapektuhan ako sa hindi ko mawaring dahilan.

Bahagya s'yang umarko ang isang ngiti sa kanyang labi. "I just can't see you being like this. I'm so sorry."

Ngumiti ako at dahan-dahang idinapo ang aking palad sa kanyang pisngi upang hawiin ang naiwang luha rito.

"Wala kang kailangan ipaghingi ng paumanhin, ako ang dapat humingi nito sa'yo at para sabihin na rin ang isang mahalagang katagang hindi ko magawang masabi. Salamat. Salamat at dumating ka uli sa pagkakataong ito. Salamat dahil sa tuwing may problema, palagi kang nakaantabay. Sa kabila ng lahat ng ginawa mo para sa akin, hindi ko alam kung sa paanong paraan kita mapapasalamatan Mr. Snow." bulong ko.

Kaya naman, wala sa sariling napayakap uli ako sa malamig nitong katawan.

Nagawa ko ito dahil sa sobrang saya, na sa wakas tapos na rin. Tapos na ang sumpa, na dumating na ang oras na pinakahinihintay ko.

Naramdaman kong hindi s'ya nakagalaw sa pwesto n'ya dahil sa ginawa ko, pero hindi kalauna'y tinugunan.

Sa pagkakataong ito, para akong umaakap sa yelo, pero sa loob ng ilang beses na nagawa ito, sanay na sanay ako. Tipong magdikit lang ang magkasalungat na temperatura ng aming mga balat, pakiramdam ko tuloy ay may koneksyon hindi na bago sa'kin.

S'ya ang malamig na panahong gustong-gusto kong suungin. It may not be the warmest touch I've ever had but, it is the coolest thing that makes me feel so calm and safe.

He gently squeezes me with his arms wrapping me and because of that, I can now feel my heart raising more than what I felt before.

Parang ngayon ko lang uli naramdaman ang ganito sa loob ng tatlong daang taon.

Ngayon lang uli ang pagkakataong nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap. Isang yakap matapos ang mga panibagong hamon ng buhay.

Tatlong daang taong namanhid ang puso ko, tipong lahat ng nasa paligid ay wala lang sa mga mata ko. Tanggap ko na sa bawat dumarating ay may umaalis, hindi ko alam kung bakit naging ganoon ako dati, siguro dala na rin ng kawalan ng tiwala.

Na ang tingin ko sa lahat ng nasa paligid ko ay peke at mapagbalat kayo sa likod ng suot na mga maskara. Dala na rin siguro ng sinirang tiwala, naranasan ko kasing ipinagkalulo kaya ganoon nalang ang ilap ko sa iba.

Pero ngayon, unti-unti kong natutunan ang malawak na kahulugan ng buhay. Buksan uli ang puso at tiwala sa iba ng walang pagsisisi.

Dahan-dahang kumalas mula sa pagkakayakap si Gallan at iniharap ako sa kanya.

Mapungay ang mga mata nitong napatingin sa akin at sabay na tumugon.

"Te amo mucho Katalina." pantatanging buntong hininga n'ya.

Natigilan ako sa aking pwesto.

Teka? Marunong ba s'yang mag salita ng espanyol? Kailan pa n'ya alam ang wikang ito?

Ilang beses akong napakurap dahil sa mga binitawang kataga. Kung papansin sa paraan ng pagsambit nito, masasabi mong mukha s'yang bihasa at tama pa ang paraan ng pagbigkas.

When Time Travels ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon