Ang Bagong Simula

25.3K 300 35
                                    

Ako si Ada, laki ako sa Siyudad pero ang mga magulang ko ay parehong galing sa Isla ng Camiguin, liblib na lugar sa may bundok Mambajao. Lumuwas sila sa Manila para makipag sapalaran at maka angat angat sa buhay. Ang tatay ko ay nakakuha ng trabaho sa Pier, at ang nanay naman ay may pwesto sa gilid ng simbahan sa Quiapo at duon ay nagbabasa siya ng kapalaran ng mga parokyano niya sa panghuhula. Nakakatawang isipin na ang sarili niyang kapalaran ay di niya kayang basahin.

Dito sa Manila ko natagpuan si Jerome ang lalaking masasabi kong nag mahal sakin ng tapat sa kabila ng pagiging salat ko sa buhay, gustuhin man ng mga magulang ko na maitaguyod ako sa pag aaral pero sadyang mahirap ang buhay sa Manila. Sa tutoo lang, kundi dahil kay Jerome ay mukang walang kahihinatnan and buhay ko at ng aking anak sa pagka dalaga, si Ana. Malaki ring bagay na nakakatulong siya kahit papano sa aming mag ina pati na rin sa aking mga magulang.

Dumating ang panahon na naisipan namin ni Jerome na mamuhay ng tahimik kasama ang aking anak, may nag benta sa amin ng isang Unit sa isang Subdivision sa may Lucban, pumunta na ng America ang dating may ari kaya nabili namin ang nasabing unit sa napaka murang halaga.

Tutol ang mga magulang ko sa pag layo namin pero wala silang nagawa, sa huli kami pa rin ng asawa ko ang nasunod sa desisyon na umalis ng Manila. Masaya naman kami kahit alam namin na apat na beses sa isang linggo lang namin makakasama si Jerome dahil sa kaniyang trabaho sa Muntinlupa bilang salesman ng isang kilalang kumpaniya ng sasakyan.

Lunes October 20, unang araw ng pag pasok ni Jerome sa trabaho mula sa tinitirahan namin sa Quezon. Medyo nag aalangan ako na paalisin siya, apat na araw din siyang mawawala at parang ang hirap para samin ni Ana na maiwan sa bago naming tinitirahan, sabayan mo pa ng kawalan ng malalapit na kapit bahay dahil sa kung anong dahilan. Karamihan sa mga unit sa subdivision na ito ay for sale na mula sa mga dating may ari. Ang pinaka malapit naming kapit bahay ay dalawang bloke ang layo. Natural nag pumilit pa rin si Jerome na umalis para makapaghanap buhay, at ease naman siya dahil may guwardia naman ang subdivision na tinutuluyan namin.

Wala akong nagawa kundi sanayin ang sarili ko na mag isa kasama ang anak kong si Ana, mabuti na lang at bakasyon kaya dalawa kaming mag i-stay sa bagong bahay tuwing wala ang asawa ko. Wala kaming ginawa buong mag hapon kundi patuloy na linisin at ayusin ang unit na ito na mukang napabayaan na ng husto ng dating nakatira. Umakyat si Ana para magligpit sa bandang likuran na kwarto na di pa namin nagagamit, maya maya ay tinawag niya ko dahil may nakita siya sa kaniyang paghahalungkat sa mga nakatambak na lumang kagamitan ng dating may ari.

Ipinakita sa akin ni Ana ang isang notebook na may cover na papel de hapon na kulay pula, nababalutan ng masking tape at may naka sulat na "DO NOT OPEN!" ang mga masking tape ay may nakasulat din na salitang parang latin na hindi ko maintindihan.

Gamit ang cell phone dahil wala pang linya ng telepono sa lugar namin, itinawag ko sa asawa ko ang nakita namin ni Ana. Binilinan ako ni Jerome na wag na wag pakikialaman ang bagay na iyon, maaring naglalaman daw iyon ng istorya o ebidensiya ng isang pangyayari o baka krimen at ayaw niya na ma-involve kami sa mga ganung bagay. Inilagay ko sa ilalim ng damitan ko ang nasabing notebook para di mapakialaman hanggang sa pag balik ni niya.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon