Ang Huling Kabanata sa Diary ni Ada

8K 149 24
                                    

Galit na galit ako at gustung-gusto kong patayin si SPO Gonzales ng mga sandaling iyon.

Habang kagat kagat ko siya sa kaniyang lalamunan ay biglang may naramdaman akong humatak sa akin. Si Jerome... nagkamalay na at inawat ako sa tangkang pag paslang ko kay SPO.

"Jerome! Tumakbo ka na, huwag kang makialam dito!"

Sigaw ko sa kaniya.

"Mahal kita Ada, hindi kita iiwanan lalo sa ganyang kalagayan mo."

Sagot ni Jerome.

Sa di ko maintindihang pangyayari, gusto kong sagpangin at patayin si Jerome nang mga sandaling iyon, dali dali ko siyang sinugod.

"Alam kong may natitira pang pagmamahal sa puso mo Ada... Iyon ang hanapin mo... 'yon ang pangibabawin mo!"

Wika ni Jerome.

Pero sadyang naging matigas ang puso ko at nangibabaw sa akin ang sumpa ng pagiging aswang.

Sinagpang ko si Jerome sa leeg pero iniharang niya ang kamay niya. Nagpang buno kaming dalawa at halos maligo na sa dugo si Jerome dahil sa mga sugat na nagawa ko sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pagpapakita nang pagmamahal niya sa akin.

"Mahal kita Ada, maging ano man ang kalagayan mo! Labanan mo ang sarili mo, alalahanin mo ako... Ako si Jerome, hindi mo ba ako nakikilala?"

Patuloy na sabi niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit, nararamdaman kong naaawa ako kay Jerome, alam kong di ko siya dapat saktan dahil mahal ko siya. Pero di ko maawat ang sarili ko sumigi pa rin ako sa pag atake habang nakikita ko sa isipan ko ang espiritu na nanggagaya sa akin na patuloy na nanggigigil at pa impit na humahagikhik sa pag sulat sa Diary sa loob ng kubo.

Maya maya ay bumalik ang tatay, may dala siyang kahoy at inihataw akin papalayo kay Jerome, galit na galit ako sa tatay kaya siya ang pinagbuntunan ko.

"Ada maawa ka! ama mo ako!!!"

Sinagpang ko ang leeg ng tatay, nakita ko sa harapan ko ang anino ng nanay na nakataas ang mga kamay paharap sa akin. Humangin nang malakas at halos tangayin ako papalayo pero ikinapit kong maigi ang mga paa ko at naghahabaan kong daliri sa buhanginan.

Nakita ko si Ana na tumakbo papasok sa loob ng aking kubo. Sinundan ko siya para rin patayin. Mabilis akong tumakbo pasugod sa kaniya, sadyang wala na akong kontrol sa sarili ko bagamat alam ko ang lahat nang nangyayari, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginagawa ito.

Sa pag takbo ko ay bigla akong nadapa... Nadapa ako sa biglang pag dakma ni Jerome sa paa ko nang mapahakbang ako sa lugar malapit sa kaniya. Kasunod nuon ay niyakap ako ni Jerome.

"Ada, saliksikin mo ang puso mo! Alam ko na ako pa rin ang mapapangibabaw mo kahit nagkaka ganyan ka. Hindi kita pababayaan Ada, kahit na ang kapalit pa nito ay buhay ko, gagawin ko ang lahat mailigtas ka lang sa kalagayan mo."

Nagmamakaawang sinabi ni Jerome.

Nakaramdam ako nang matinding pag kirot sa aking dibdib, tinitigan ko si Jerome at kasabay nuon ay muli nanaman akong nanaghoy. Siguro dahil sa nakita kong kalagayan niya. Tumingin ako sa kubo kung saan pumasok si Ana.

Nakita ko ang espiritu na nanggagaya sa akin na lumabas mula sa kubo.

"Ada, anong dapat kong gawin para gumaling ka? Sabihin mo, lahat ibibigay ko dahil mahal na mahal kita. Parang awa mo na, pakinggan mo ang sinasabi ko, Buksan mo muli ang puso at isip mo para sa akin."

Pagkasabi nuon ni Jerome niyakap niya ako nang mahigpit.

"Kung gusto mo kong patayin Ada.., kung ito ang magiging kaligayahan mo, gawin mo Ada. Nakahanda ako gawin ang lahat, nakahanda akong tanggapin ang sumpa makalaya ka lang... Mahal na mahal kita!"

Hindi ako binitiwan ni Jerome sa higpit nang pag yakap niya sa akin.

Lalo pang lumakas ang hangin sa paligid, pero hindi na iyon parang bagyo na kagaya nang hangin na ipinang taboy sa akin ng nanay kanina.

"Mahal na mahal kita Ada, maniwala ka sa akin,"

Hinalikan ako ni Jerome pagka sabi niya nuon.

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari, bigla ko na lang nasabi sa bibig ko...

"Mahal na mahal din kita Jerome!"

Nang mga sandaling iyon ay gumaang ang pakiramdam ko. Iyon na ata ang pinaka masayang pakiramdam na naramdaman ko sa buong buhay ko, kasabay nang pag ulan ng mga dahon na tila sinasabayan kami sa pagdiriwang nang mga oras na iyon.

Saglit na huminto ang oras para sa akin, parang ayaw ko nang matapos ang masayang pagkakataon na iyon na muli akong naging masaya sa piling ni Jerome. Niyakap ko siya nang ubod nang higpit.

Sa hindi ko maintindihang dahilan wala nang galit na naghahari sa puso at isip ko, wala na rin ang pagnanasa ko na pumatay. Tinakpan ko ng palad ko ang malalim na sugat ni Jerome para pigilan sa pag dugo.

"Magaling na ako Jerome!... Salamat sa pagmamahal mo."

Niyakap kong muli si Jerome... Bigla kong naalala si Ana.

Patakbo kaming pumunta sa kubo para ibalita sa kaniya ang magandang pangyayari.

"Ana!... Ana!... Magaling na ako Ana! Wala na sa akin ang sumpa.

Wala kaming narinig na tugon galing sa loob ng kubo.

Binuksan namin ang pintuan pero di namin nakita sa loob si Ana. Napahigpit ang pagkakakapit ko kay Jerome dahil nakaramdam ako nang matinding pagka-kaba.

Biglang nagsalita ang tatay na iika-ika at kasunod pala namin na pumasok nang kubo.

"Walang ibang paraan para mawala ang sumpa sa iyo Ada. Daan taon nang umiikot ang sumpa ng pagiging aswang na walang ibang paraan ng pag papawalang bisa nito kundi sa pamamagitan lamang nang pag salin sa iba... At maisasalin lamang ito sa iba kung may taong makaka basa nang Diary mo Ada. Pagkatapos nuon ay siya naman ang magpapatuloy sa pag gawa at pag sulat ng sarili niyang Diary... Ang isa nanamang pag silang nang Diary ng aswang... Labis akong nababahala para sa apo ko"

Dali dali akong tumakbo sa lamesa para siguraduhin na nanduon pa ang Diary.

Napaupo ako sa sahig dahil para akong nilikuban ng langit at lupa nang makita ko ang Diary na naka bukas sa parte kung saan binabanggit ko ang babala at pakiusap na huwag babasahin ito.

Humagulhol ako sabay yakap kay Jerome na dali daling lumapit as akin, wala akong ibang nabigkas kundi ang pangalan nang napaka buti kong anak.

"Ana..."

Sa patuloy kong pag iyak ay napatingala ako sa kisame, nakaupo sa isang naka-usling kahoy si Ana hawak ang libro na palagi niyang binabasa habang mahinang bumubulong at nagsusulat.

Ibinubulong ni Ana ang mga nagaganap nang mga sandaling iyon, animo'y ikinukuwento niya habang isinusulat sa hawak niyang libro.

Tumayo ako at sinabi ko sa kaniya.

"Ana bakit mo ginawa ito?...

("Ana bakit mo ginawa ito?...)

Inuulit niya lang ang mga sinasabi ko habang isinusulat niya.

"Bakit mo inako ang sumpa ng Diary ng Aswang?"

("Bakit mo inako ang sumpa ng Diary ng Aswang?")

Lahat ng sinasabi ko sa kaniya ay inuulit niyang bigkasin habang itinatala sa hawak niyang libro.

Umuugoy ugoy si Ana habang nakaupo at naka yukong nagsusulat sa ibabaw ng kisame.

Maya maya ay h umarap si Ana sa akin, tinitigan niya ko sa mga mata ko sabay malungkot niyang sinabi...

"Mahal kita nay!"

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon