Bigla kong hinawi ang kurtina ng shower room, naka handa akong undayan ng saksak kung sino man ang makita kong nanloob sa bahay namin pero nagulat ako dahil naka bukas ang shower pero wala namang tao. Binuksan ko ang ilaw para masiguro ko na walang nagtatago sa paligid. Binuksan ko lahat ng ilaw sa ibaba ng bahay at pinagmasdan kong maigi ang mga bakas ng putik sa sahig. Kung pag aaralan kong maigi parang hindi naman ito bakas ng paa ng tao parang bilugan ang bawat marka. Saan kaya ito nanggaling? Naka lock naman ang pintuan ng bahay.
Tinawagan ko si Jerome para humugot ng lakas ng loob, gumaang naman kahit paano ang pakiramdam ko nang makausap ko siya. Binilinan niya ko na ikandado maigi ang pinto at isara ang mga bintana para di kami pasukin ng masamang loob. Sinabi ko nga rin sa kaniya na may sumisigaw na babae sa loob ng subdivision at pinuntahan ng mga Baranggay Tanod. Binilinan niya ko na wag lumabas para mag usyoso. Pagkatapos namin mag usap ay pinatay ko na ulit ang mga ilaw at umakyat na ako ng hagdan para tingnan si Ana at dumirecho sa kama ko para makapag pahinga na. Paakyat ako ng hagdan nang bigla kong naramdaman ulit na may humawak sa batok ko, this time mas ramdam ko, mas madiin ang naramdaman kong kapit, nilingon ko ang likuran ko pero wala naman akong nakita. Kasabay nuon ay naamoy ko nanaman ang halimuyak ng dama de noche.
Nagmamadali akong umakyat ng hagdan nang masalubong ko si Ana. Natakot ako ng una dahil naka lugay ang buhok niya at nakasuot ng puting pang tulog.
"San ka galing?"
Tanong ni Ana sakin. Sinabi ko sa kaniya na nag CR lang ako at nag usap kami ng tatay niya sa telepono. Bumalik na si Ana sa kwarto niya at ikinandado ito. Umaasta nanaman si Ana ng kakaiba. Marahil natakot siya dahil iniwan ko siya mag isa sa itaas kaya parang masama ang loob.
Dumirecho na ako sa kwarto ko para magpahinga. Maya maya ay nahilo nanaman ako at nakaramdam ng pag susuka. Kinuha ko na lang ang maliit na arinola sa ilalim ng kama at duon ako sumuka. Habang nakayuko ako napansin ko na may mga sugat ako sa kamay pati sa mga daliri, pati ang siko at tuhod ko mahapdi rin at kumikirot kaya nilagyan ko ng benda.
Nakatulog din ako ng mahimbing sa wakas, mag a alas nueve na ng umaga nang gisingin ako ng malakas na katok sa pintuan namin, sinilip ko si Ana mukang napasarap din ang pag tulog niiya. Dinungaw ko sa bintana ang kumakatok. Tumambad sa harap ng muka ko ang muka ni Manong Tanod, nanlilisik ang mga mata niya at parang galit na galit na nakatitig sakin.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Aswang
TerrorAng mga nababalitaan nating mga Aswang ay may kasaysayan din sa kanilang nakaraan. Interesado ka bang malaman ang istorya ng kanilang buhay?