Habang nasa biyahe kami pabalik ng bahay ay tinatanong ni SPO Gonzales ang mga personal kong impormasyon. Pagdating na pag dating namin sa bahay ay patakbo akong pumasok sa loob papunta sa kwarto ni Ana habang ang mga pulis ay abala sa pag i-imbestiga sa mga bangkay sa loob ng bakuran namin.
Dali dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Ana.
"Ana!"
Pasigaw na tawag ko sa kaniya. Biglang bangon si Ana sa pagkakahiga niya sa kama. Di ako nakakilos agad, para akong binuhusan ng malamig na tubig, gulong gulo ako sa mga nangyari dahil malinaw pa sa isip ko na kasama ko si Ana papunta ng presinto at sinuotan ko siya ng balabal, suot pa rin ni Ada ang balabal na iyon pero papaanong nangyari na andito siya ngayon at natutulog sa kama? Kasabay nito ay nag ring ang cell phone, dinampot ko agad iyon para sagutin.
"Jerome!... mabuti at napatawag ka, di ka ba talaga makakaluwas?"
Iyon agad ang nanginginig na bungad ko matapos kong mabasa ang pangalan ni Jerome sa call registry.
"Ano ba ang nangyari at napatawag ka?"
Tanong ni Jerome sa akin kaya sinagot ko siya.
"Hindi ako ang kumontak sa yo Jerome! Kagagaling ko lang sa presinto."
Patuloy akong nagpaliwanag kay Jerome at ikinuwento ko ang tungkol sa mga bangkay na natagpuan ng mga tanod sa loob ng bahay namin. Nag makaawa ako kay Jerome na umuwi sa lalong madaling panahon masyado na akong naaapektuhan sa mga nangyayari.
Nakita ko na lang ang sarili ko na naka upo sa sahig at humahagulhol sa pag iyak habang kausap si Jerome, kinalma ako ni Jerome at nangakong luluwas siya agad ng oras din na iyon. Habang nagsasalita si Jerome ay may sumingit na malalim na pabulong at marahan na boses sa usapan namin sa cellphone at ang sabi,
"Umuwi ka na..."
Kasabay nuon ay nagtatakbo si Ana palabas ng kaniyang kwarto pababa ng bahay.Hinabol ko si Ana nakita ko siya na nasa ibaba na at inaalalayan ni SPO Gonzales at takut na takot.
"Kinalap na namin ang mga ebidensiya ate, may darating na punerarya para kunin ang mga bangkay at linisin ang paligid matapos magtrabaho ang mga imbestigador. Pero kailangang sumama kayo sa amin sa presinto ngayon para makuhanan namin kayo ng statement."
Pagpapatuloy na salita ni SPO Gonzales.
Sumagot ako,
"Wala pong prublema sa akin, nakahanda naman akong makipag tulungan pero maari po ba na antayin natin ang asawa ko, ayaw kong iwanan ang anak ko dito mag isa."
"Sumama na lang po kayong dalawa sa amin, nasa mas mabuting kalagayan po ang anak niyo kapag sumama kayo sa amin, tatawagan natin ang asawa niyo para duon na siya sa presinto dumirecho."
Pagpapatuloy na sabi ni SPO Gonzales.
Habang papalabas kami ng gate ay tinitingnan ko ang mga nahukay na bangkay, may mga sugat ang mga ito, may mga basag din ang bungo na halos ika luwa na ng mata nila, marahil dahil sa lakas ng pagkaka palo sa ulo. Kung ang mga tanod ang may kagagawan nito bakit kaya parang nabigla sila nang makita nila kanina. Nagtataka rin ako kung bakit missing in action sila Manong at ang mga kasamahan niyang tanod.
Sumama na rin kami ni Ana kay SPO Gonzales dahil di ko rin matatagalan na mag stay sa bahay matapos na may makuhang mga bangkay sa loob ng bakuran namin. Tinawagan ko si Jerome para ipaalam ang nangyari pero hindi ko na siya ma kontak.
Inalalayan ako ni SPO Gonzales at pag hawak niya sa braso ko ay nakapa niya ang benda na ibinalot ko sa mga sugat ko, nakaramdam ako ng pagkakairita sa kaniya dahil kinukutuban ako na pinaghihinalaan niya na may kinalaman ako sa mga nangyari. Pag sakay namin sa loob ng mobile pabalik ng presinto bigla akong tinanong ni SPO Gonzales.
"Anong nangyari sa mga braso mo ate Ada?"
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Aswang
TerrorAng mga nababalitaan nating mga Aswang ay may kasaysayan din sa kanilang nakaraan. Interesado ka bang malaman ang istorya ng kanilang buhay?