Unang gabi nang pag i-stay namin sa subdivision na kaming dalawa lang ni Ana, nagulat ako dahil sa kalagitnaan ng pagkain namin ng hapunan ay nag text ang nanay, sinasabi niya:
"Mag iingat kayo, bumalik na kayo dito sa Manila, hindi kami matahimik ng tatay mo."
Nag reply ako kay nanay at siniguro ko sa kaniya na safe ang kinalalagyan namin, bukod sa walang mga magnanakaw ay may gwardiya pa ang subdivision, tahimik at malayo sa gulo, di gaya sa Manila. Pag gabi nga ay may nakikita pa akong mga grupo ng Barangay Tanod na rumoronda sa paligid.
Bandang huli ay napagod din si nanay sa pangungulit, binilinan na lang ako ni nanay na mag budbod ng asin sa lahat ng posibleng madaanan ng kahit sino, sa pinto, sa bintana maging sa mga butas ng dingding at kisame. Mapamahiin si nanay nuon pa man, wala namang mawawala kung susundin ko ang bilin niya kaya ginawa ko na rin.
Alas onse na ng gabi, naghahanda na kami ni Ana sa pag tulog, inayos ko muna ang kama niya bago ko pumunta sa kwarto ko para makapag pahinga, kung tutuusin ay nag dadalaga na ang anak ko pero gusto ko pa rin na ako ang nag aasikaso sa kaniya sa maraming bagay.
Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Jerome pero lagi na lang "Out of coverage area". Pinilit kong makatulog dahil naninibago pa rin ako sa paligid, mga tunog lang ng kuliglig at ingay ng palaka ang naririnig ko at ako lang mag isa sa higaan.
Sumilip muna ko sa mga bintana at siniguro ko na may mga asin sa lahat ng lagusan, di naman ako supersticious na tao pero dahil bilin ni nanay, nagtiwala ako na para yon sa ikabubuti namin.
Di ako mapakali at hanggang pag tulog ko ay iniisip ko pa rin ang pulang notebook, natutukso akong buksan at basahin kung ano ang laman nuon pero natatakot ako na baka kung ano ang ma-diskubre ko sa pag bukas ng notebook na iyon.
Inabot na ako ng alas dos ng madaling araw sa pagpapa antok at kung kailan ako halos makakatulog na ko eh bigla naman nag ring ang cellphone ko... si Jerome sa wakas nagparamdam din. Sinagot ko ang telepono, mukang mahina ng signal, may sinasabi si Jerome pero nagtataka ako bakit parang ang layu layo ng boses niya. Tinanong ko siya,
"Nasan ka? Kanina pa kita kinokontak? Para kang nasa ilalim ng hukay sa layo ng boses mo."
Sumagot si Jerome,
"Wag mong bubuksan ang pulang notebook maawa ka sakin at sa anak mo."
Nanindig lahat ng balahibo ko sa buong katawan sa sinabi ni Jerome, nainis ako sa kaniya kaya sinagot ko siya,
"Dis oras ng gabi at tatawagan mo ko para pag usapan ang bagay na yan alam mo naman na mahina ang loob ko at mag isa lang ako dito sa kuwarto."
Di pa ko tapos magsalita nang biglang naging static ang tunog ng boses ni Jerome sa cellphone, maya maya ay na cut ang line at may kumatok ng malakas sa pinto, sobrang lakas ng kalabog na parang halos gusto itong sirain. Iniisip ko baka may nangangailangan ng tulong sa labas kaya dali dali akong bumaba para silipin sa bintana kung sino ang kumakatok pero sa pagmamadali ko at dahil na rin nakapatay ang ilaw, nalaglag ako sa may hagdanan, bumagsak ako sa sahig at habang nakahiga ako sa lapag ay napatingala ako dahil may nakita akong parang anino na dumaan sa labas ng bintana. Bigla akong napabalikwas ng kama, pesteng buhay to panaginip lang pala ang lahat.
Bubuksan ko sana ang aparador kung san ko itinago ang pulang notebook, nagulat ako ng may narinig akong kumakalabog mula sa loob ng aparador, parang kumakatok na may halong malakas na pag kaluskos. Nag tapang-tapangan ako para buksan iyon, kaysa nga naman di ako matahimik at di makatulog kakaisip. Dahan dahan akong lumapit papunta sa aparador.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Aswang
KorkuAng mga nababalitaan nating mga Aswang ay may kasaysayan din sa kanilang nakaraan. Interesado ka bang malaman ang istorya ng kanilang buhay?