Ang Pag Basa

11.5K 160 5
                                    

October 22. Sa sobrang pagod ay nakatulugan ko na ang mga nangyari. Ang natatandaan ko lang nang matapos akong magbihis ay dumiretso na ko sa higaan. Pag-gising ko alas siyete na pala ng umaga. Nagising ako sa ingay ng pag hagod ng walis tingting ni Ana sa loob ng bakuran. Dumungaw ako sa balkonahe, maganda na ang panahon hindi kagaya kagabi. Dali dali akong nag charge ng cell phone, mabuti at bumalik na ang kuryente.

Nakita ko sa lapag ang pulang notebook, natanggal na sa pagkaka dikit ang mga masking tape, basang basa pa rin ito kaya dinala ko sa balkonahe para pigain ang ilang tubig na na-stock sa loob ng bawat page. Natukso akong silipin kung ano ang nasa loob ng notebook. Mukang sulat kamay ng isang babae. Pero malabo na ang ibang nakasulat, marahil sa pagkaka basa ng mga page sa ulan. Sa pinaka huling page ay may naka lagda na Sincerely... Christina.

Nag browse ako ng konti sa mga page na mejo malinaw pang nababasa. Pagka bukas ko ng ilang page ay biglang humangin ng malakas, muntik ko nang mabitiwan ang notebook sa lakas ng hangin kaya sinara ko ang bintana, naupo ako sa may kama at sinimulan kong basahin ang part na naka bukas.

Ito ang nakasulat:

February 13, 1986 Entry

"Walang naniniwala sa lahat ng sinasabi ko, ang akala nila'y nasisiraan ako ng katinuan! Maging ang sarili kong pamilya ay naghihinala na may sayad ako sa pag iisip. Ipina konsulta nila ako sa isang Psychiatrist at ang resulta mula sa duktor ay brief psychotic disorder. Sigurado akong hindi ako nababaliw, tutoo ang lahat ng sinasabi ko."

Nakakalungkot naman ang istorya nito, palagay ko diary ito ng babaeng naka pangalan sa hulihang page na ang pangalan ay Christina, ginagamit niya ang diary na ito para maging outlet ng mga hinanakit na nararamdaman niya

Mukang may sayad nga siya dahil sa mga salitang latin na ipinalibot niya sa diary. Siguro ayaw niyang may magbubukas ng notebook na to kaya niya binalot ng masking tape at pinalibutan ng parang dasal na di ko maintindihan, at sinulatan pa ng babala na Do not open. Ang weird!

Mahirap nang buksan ang ibang page, halos nagka dikit dikit, baka masira pag pinilit kong paghiwalayin, patuyuin ko nga muna.

Itinapat ko sa electric fan ang nasabing notebook at niyaya ko si Ana para pumunta sa bayan at makapamili ng supply para sa bahay. Mabuti at na charge din ang cellphone ko. Nagkausap kami ni Jerome, pinilit ko siyang umuwi na kaso mukang imposible dahil may inaalagaan daw siyang deal at pag di niya na close yun hindi kami kakain ng isang buwan. 

Binanggit ko rin na aksidenteng nabuksan ang pulang notebook, binasa ko na rin ang nasa loob at sinabi ko na mukang diary lang naman ng dating naka tira dito. Sinabi ko rin sa kaniya ang mga na experience ko nang nakaraan pero mukang umiiwas siya sa topic ng kwento ko, naninibago lang daw ako sa paligid. Ipinatago na niya sakin ang diary at binilinan na wag nang basahin iyon baka lalo lang akong matakot, alang alang na rin sa kaniya at kay Ana na magkaron ng peace of mind at mamuhay nang walang gumugulo sa isip.

Pag alis namin ni Ana iniwan ko na lang ang cellphone sa kwarto dahil nag cha-charge pa, mabuti nang ma full charge baka mamaya mag brownout nanaman.

Nag punta na kami ni Ana sa bayan para mamili.

Gabi na nang makabalik kami, tiningnan ko ang cellphone kung may tawag si Jerome. Nakita ko sa registry ng calls made may tatlong tawag ako kay Jerome dalawang miss call at isang registered na tawag mula sa cell phone ko na 3 minutes at ang oras ay 3:15pm. Nagtaka ako kung papano mangyayari yun eh nasa labas kami ni Ana?

Habang iniisip ko kung papano yun nangyari, napansin ko na nakabukas ang pulang notebook nang tingnan ko, binasa ko ang naka display na page at ito ang nakasulat:

"Mamatay ka na sana peste ka uubusin ko ang lahi mo!"

Nagulat ako nang biglang nakita ko si Ana naka tayo sa harap ng pinto at naka tingin sa akin.

"Sa susunod nay wag mo na kong iiwan kapag namimili tayo."

Sabi ni Ana.

"Nag CR lang naman ako!"

Sagot ko kay Ana.

"Di ko nga maintindihan kung bakit bigla akong nahilo, nag suka ako at halos mawalan ako ng malay."

Pagpapatuloy ko pa.

"Ang tagal mo kaya."

Sagot ni Ana,

"Akala ko nga di ka na babalik eh."

Dagdag pa niya.

Habang nag uusap kami ni Ana, biglang humalimuyak ang mga bulaklak sa puno ng dama de noche.

"Ang bango nay, para kong inaantok tuwing maaamoy ko yan, nakaka relax."

Sabi ko kay Ana.

Parang ang aga pa para humalimuyak ang bulaklak na yon, ang alam ko umaamoy lang yon sa gabi eh.

Niyakap ko si Ana at humilig siya sa balikat ko habang nakaupo kami sa kama. Tinatanaw ko pa rin ang loob ng page ng notebook, gumugulo pa rin sa isip ko ang nabasa ko. Ang weirdo ng babaeng nagsulat ng Diary na ito.

Nasa kasarapan kami ng pagpapahinga ni Ana naisip kong tawagan si Jerome pero may narinig akong nagsisigawan sa labas ng bahay. Inihiga ko si Ana sa kama at dumungaw ako sa balkonahe. Nakita ko ang ilang mga tao na papunta sa gate ng subdivision. Naririnig ko ang usapan nila habang nagmamadali papunta sa gate.

"Kawawa naman ang guard natin, napaka walang puso naman ng gumawa nuon."

Kinabahan ako sa narinig ko kaya isinuot ko ang sweater ko at nagpaalam ako kay Ana na lalabas lang ako saglit.

Isinara ko ang notebook, ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa. Bumaba ako ng hagdan palabas ng bahay para tingnan kung ano ang nangyayari.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon