Mas maigi pa nga na sa presinto na lang kami magpalipas ng gabi ni Ana, mukang mas safe kami dito. Dinala kami ni SPO Gonzales sa isang bakanteng opisina para duon matulog Tinawagan namin si Jerome na sa presinto kami puntahan at wag dumirecho sa bahay. Nasa bus terminal na siya nang makausap namin siya.
Hindi ko sinagot ang tanong sa akin ni SPO Gonzales tungkol sa sugat ko pero sa tutoo lang iritado ako sa klase ng pagtatanong niya na parang iniuugnay niya ko sa pagkamatay nung tatlong tao na nahukay sa bakuran namin.
October 25, pasikat na ang araw, nakatulog na kami ni Ana sa presinto pero di pa rin dumating si Jerome. Ang sakit ng buong katawan ko, siguro dahil sa nakahiga lang kami ni Ana magdamag sa ibabaw ng lamesa, ang dami ko ring mga pasa at galos sa braso at paa.
Sinubukan kong tawagan siya pero ring lang ng ring. Nag alala nako kung ano ang nangyari sa kaniya kaya kinausap ko si SPO na kung maari silipin ko kahit saglit lang ang bahay namin pero di siya pumayag.
"Antayin muna natin ang kasamahan ko parating na yon, pasasamahan ko kayo sa kaniya."
Sabi ni SPO Gonzales.
Maya maya ay may humahangos na babae sa presinto, Humahagulhol na sinabi niya kay SPO Gonzales.
"Tulungan niyo kami!!! pinaslang ang asawa ko!!! Tulunagn niyo kami!!!"
Sabi ng ale.
"Kumalma po kayo ate lalo ko kayong di maintindihan."
Sagot ni SPO sa babae sabay abot dito ng tubig. Pagkainom ng tubig ay nagpatuloy ang babae sa pag kwento.
"Galing po sa inuman ang asawa ko kagabi, nag txt po siya na uuwi na siya pero umaga na wala pa rin kaya nag alala na ako, hinanap namin siya at sa kasamaang palad nakita namin siya na duguan sa may talahiban, wakwak ang kaniyang leeg SPO, may palagay kami na aswang ang may kagagawan nuon, Kagaya ng nangyari sa guard sa kalapit na subdivision.."
Iniwanan kami ni SPO sa mga kasamahan niya sa opisina ng Pulisya at sumama siya para imbestigahan ang insidente. Sinamantala ko ang pagkakataon para tumakas sa presinto at puntahan ang bahay namin, nagbabakasakaling anduon si Jerome, malakas ang kutob ko na nanduon siya.
Iniwan ko muna si Ana sa presinto dahil alam ko na safe siya duon.
"Iiwan mo nanaman ako nay?"
Tanong ni Ana.
"Sisilipin ko lang ang tatay mo kung dumaan sa bahay natin."
Sagot ko sa kaniya.
Sa sobrang pag mamadali ko, di ko na namalayan nasa nas bahay na pala ako. Dali dali kong binuksan ang gate, hinawi ko ang barricade tape na nakaharang sa bakuran namin. Kinabahan ako sa nakita ko, ang Cellphone ni Jerome nasa lapag sa harap ng pintuan namin. Dali dali kong binuksan ang pinto at pasigaw kong hinanap si Jerome.
"Jerome! Jerome! Nasaan ka!?"
Halos mapatid na ang litid ko sa pag sigaw at pag hanap kay Jerome, Gulo gulo ang mga kasangkapan sa bahay, may mga basag na mga gamit pati mga bumbilya at may mga bakas ng dugo sa sahig. Sinundan ko ang bakas ng dugo kahit na madilim sa bahay, kakapa kapa na umakyat ako sa hagdan paakyat ng bahay, napakalakas ng kaba ko sa sobrang pag aalala ko sa maaring sinapit ni Jerome.
Naalala ko na sa tuwing mag iisa ako at paakyat ako ng hagdan ay may humahawak sa batok ko kaya hinanda ko ang sarili ko. Maya maya ay di ako nagkamali sa aking akala, may biglang humawak nang mahigpit sa batok ko, dali dali kong hinawakan ang kamay niya at nahuli kong nakahawak pa rin siya ng mahigpit sa batok ko, pero nang lingunin ko ay walang tao. Ni wala akong ingay na narinig. Inaninag ko sa dilim kung may katabi ako pero wala akong makita. Pag tingin ko sa bintana ay may nagdaang anino sa labas nito, parang babae at pabalik balik na parang hindi mapakali.
Tinawag ko ang nakita ko, sa pagbabakasakaling baka si Ana iyon at sumunod sa akin sa bahay.
"Ana ikaw ba yan?"
Paulit ulit kong tanong sa kaniya pero patuloy pa rin ang anino sa pagpapabalik balik sa iisang lugar sa tapat ng bintana. Di ko na pinansin ang nasa labas, binalik ko ang atensiyon ko sa pag hahanap kay Jerome. Nabigla ako sa nakita ko si Jerome naka dapa sa sahig at may dugo ang ulo niya.
Dali dali ko siyang nilapitan at ibinangon saka ko pilit na ginigising.
"Jerome! Anong nangyari sa iyo!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Aswang
TerrorAng mga nababalitaan nating mga Aswang ay may kasaysayan din sa kanilang nakaraan. Interesado ka bang malaman ang istorya ng kanilang buhay?