Ang Unang Insidente

9.4K 138 8
                                    

Pag labas ko ng pinto ay naamoy ko ulit ang halimuyak ng Dama de Noche. Nagmamadali akong lumabas at nang isasara ko na ang gate, nakita ko si Ana sa likod ng nasabing puno, naka upo at nakatalikod na nagbabasa ng libro. Nakaramdam ako ng pagkainis kaya sinigawan ko si Ana.

"Pinaglalaruan mo ba ko Ana?!"

Sumagot si Ana pero di niya ko nililingon,

"Bakit naman kita paglalaruan? May mapapala ba ko pag pinaglaruan kita?"

Pagkatapos nun ay may humawak sa balikat ko... si Manong lang pala. 

"Naniniwala ka ba sa aswang?"

Tanong sa akin ni Manong, sumagot ako,

"Hindi po Manong, sa panahon ngayon maituturing ko na lang na imahinasyon lang ang mga nangyayaring paranormal sa mundo."

Pero ang tutoo, sa isip isip ko, dahil sa mga naranasan ko ng nakaraan, parang gusto ko na rin maniwala. Nagpatuloy si Manong sa pag kuwento habang kasabay ko siyang papunta sa may guard house, "Maraming aswang dito sa lugar natin, kaya kami rumoronda sa araw at gabi, hindi dahil sa mga masasamang loob, kundi sa mga masasamang elemento na naglipana dito."

Pag dating namin sa guard house, napakaraming usisero, naroon na rin ang mga kasamahan ni Manong sa pag roronda at nakatingin sa loob ng guard house. Pinilit kong sumiksik para masilip kung ano ang nangyari sa guwardiya. Halos masuka ako sa nakita ko, parang matatanggal na ang ulo ni Kuya guard dahil sa pagkaka hiwa ng leeg niya sa bandang lalamunan. 

Nagpatuloy sa pagsalita si Manong.

"May nakita kaming malaking pusa na kulay abo, napaka bilis ng takbo niya patungo dito sa subdivision, naramdaman na namin na hindi siya ordinaryong hayop kaya namin siya sinundan, pero sadyang napakabilis ng pusang iyon. Pag dating namin ng Subdivision huli na ang lahat. Ang hiwa sa leeg ng Guwardiya ay bakas ng sakmal mula sa isang aswang na nag anyong hayop. May duda kami na kagagawan ito ng nakita namin malaking pusa na kulay abo."

Di ko na napigilan ang sarili ko, biglaakong napa suka sa may gilid ng halamanan at pagkatapos nuon ay kinausap ko si Manong...

"Manong, huwag niyo naman ako takutin, dalawa lang kami ng anak ko sa bahay."

Sumagot si Manong,

"Bakit naman kita tatakutin? Anong mapapala ko kung tatakutin kita?

Hindi ba dapat na magpasalamat ka pa sa akin dahil binibigyan kita ng babala? Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya namin kayong proteksyunan, ingatan niyo rin ang mga sarili niyo."

Bigla kong naalala si Ana kaya patakbong bumalik ako sa bahay, di ako nakaramdam ng pag-hingal sa sobrang pagmamadali sa kagustuhan kong makarating agad ng bahay.

Pag dating ko sa may gate ay nakita ko si Ana, bigla niyang ni lock ang gate nang makita niyang paparating na ako. Sinisigawan ko siya pero nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay at isinara ang pinto.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon