Ang Pag Punit sa Diary

8.2K 139 12
                                    

October 29, Dinala ako ni Jerome sa isang kwarto sa ospital.

"Antayin mo ang duktor dito babalikan kita. Ipapatawag ko lang ang duktor para sabihin na andito ka na sa opisina niya"

Sabi ni Jerome.

"Wag mo kong iwan, natatakot ako."

Sagot ko sa kaniya na may pakikiusap.

"Babalik ako agad, huwag ka mag alala sandali lang ako."

Pilit ni Jerome.

Pag alis ni Jerome ay iginala ko ang mga mata ko sa loob ng opisina ng duktor. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang Diary ng Aswang sa ibabaw ng table niya. Nakabalot ito ng plastic at may nakasulat na "Evidence".

Dali dali kong kinuha ang Diary pinag punit punit ko ang lahat ng pahina, pero bawat pahina na mapunit ko ay may katumbas na malalim na hiwa na sumusugat sa lahat ng parte ng katawan ko. Tiniis ko ang bawat sugat mapunit ko lang ang Diary. Napakarami ko nang hiwa sa katawan pati na sa mukha ko. Naliligo na ako sa sarili kong dugo nang dumating si Jerome at ang duktor.

"Ada! Bakit mo sinusugatan ang sarili mo?

Pag tingin ko sa kamay ko, nagulat ako dahil hawak ko ang letter opener ng duktor at naka tusok pa ng malalim sa kaliwang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit kaya dahan dahan kong hinugot iyon at agad na inagaw sa akin ni Jerome.

"Ada, bakit mo ginagawa yan sa sarili mo?"

Tanong ni Jerome.

"Hindi ko alam... di ko alam kung anong nangyayari sakin."

Sagot ko sa kaniya.

Niyakap ako ni Jerome at isinugod nila ako sa emergency room.

Habang ginagamot at tinatahi ang mga sugat ko ay naririnig ko sa kwarto ng duktor na nag uusap si Jerome at ang duktor na tumitingin sana sa akin.
 Nakakapag taka dahil mga ilang kwarto rin ang layo nila sa akin pero napakalinaw na naririnig ko ang usapan nila.

"Kailangan nating ilipat ang asawa mo sa isang Mental Institute Jerome, paunang lunas lang ang maibibigay ko sa kaniya but she needs more attention, hindi siya maaaring mag stay sa ospital na ito, maaring patuloy niyang saktan ang sarili niya o makasakit siya ng ibang pasyente dito. Takot din ang mga nurse sa kaniya, alam mo naman na superstitious ang mga tao dito, pinaniniwalaan nilang aswang ang asawa mo."

Sabi ng Duktor.

Kinagabihan ay dumating na ang ambulansiya na maglilipat sa akin sa Cabuyao Laguna sa isang Mental Institute.

"Naka monitor pa rin samin ang asawa mo Jerome mamanmanan pa rin namin siya bilang isa sa mga suspek."

Bulong ni SPO Gonzales kay Jerome.

Marahil mas gugustuhin ko na duon sa Mental Institute kesa sa presinto ni SPO Gonzales. At sana nga tutoo ang hinala nila na guni guni ko lang ang lahat.

Alas Dies na ng gabi nang maka alis ang ambulansiya, kasama si Jerome at si Ana ay binaybay namin ang kahabaan ng madilim na kalsada patungo sa main road.

Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay ay biglang may umalulong sa labas ng kalsada, dali dali akong bumangon para silipin iyon. Inawat ako nila Jerome sa pagtayo ko pero sa kabila nuon ay matindi ang pag nanasa ko na sumilip sa labas.

Pagkadungaw ko sa bintana ng ambulansiya ay nakita ko ang buwan na bilog na bilog at kulay dugo. 

Nakaramdam nanaman ako ng pagkahilo.

"Nay ano po ang nangyayari sa inyo?"

Tanong ni Ana.

Nararamdaman kong tumitirik ang mga mata ko habang pinipigilan ni Jerome ang dalawang kamay ko sa pagwawala.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon