Sumilip ako sa siwang ng pintuan na bahagya pang nakabukas habang kalong ko si Jerome na duguan. Nakita ko ang anino sa labas ng bintana na biglang tumigil sa kaniyang paglalakad, humarap ang anino sa akin at inihawak niya ang mga kamay niya sa may labas ng bintana nakaharap siya sa akin at sa kabila ng di ko nakikita ang itsura niya, ramdam ko na sa akin siya naka tingin. Maya maya ay nakita ko na tumatagos ang anino sa loob ng salamin ng bintana. Takot na takot ako kaya pilit kong ginigising si Jerome para makatakbo kami papunta sa presinto.
Naipasok ng anino ang buo niyang kamay at maya maya pa ay ipinapasok niya ng dahan dahan ang kaniyang muka hanggang sa halos kalahati na ng katawan niya ang nakapasok. Para kong naging yelo sa paninigas ng buong katawan ko, ni hindi ako maka galaw at maka sigaw sa tindi ng takot. Biglang may humawak sa leeg ko... nabigla ako pero pagkatapos nuon ay natuwa ako nang makita ko na kamay pala iyon ni Jerome. Nabalik na ang malay niya.
"Anong nangyari Ada?"
Tanong ni Jerome.
Pag tingin ko sa bintana ay wala na ang anino ng babae.
"Hindi ko rin alam Jerome, inaantay ka namin ni Ana sa presinto pero hanggang mag umaga na di ka dumating, kaya nagbaka sakali ako na hanapin ka dito at naabutan kita na nakalugmok sa sahig."
Sagot ko sa Kaniya.
"Nag text ka sa akin na puntahan kita sa dito sa bahay kaya dito ako dumirecho. "
Dali dali kong inalalayan si Jerome para makabalik kami agad sa presinto. Nalingon ko ang pulang notebook nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Pababa na kami ng hagdan ni Jerome nang may maramdaman ako na parang may tao sa likod namin. Pag lingon ko ay nakatayo sa itaas ng hagdan ang anino ng babae kaya lalo kaming nagmadali ni Jerome sa pag baba.
Kasabay nuon ay biglang may mga nagbagsakan sa ibabaw ng bubungan, mabibigat ang bawat bagsak, parang may mga tao na lumundag at bumagsak sa bubong. Habang nakatitig sa akin ang anino ay bigla kong narinig na may mga yabag sa bubong na animo'y nagtatakbuhan, mukang marami sila at mabibigat ang mga yabag nila.
Maliwanag pa sa labas dahil umaga pa lang nuon pero dahil walang ilaw sa bahay ay kakapa-kapa kami ni Jerome habang iika-ika siya na inaalalayan ko patakbo sa pintuan. Di pa kami nakakarating sa pinto ay biglang may mga taong nag bagsakan ng patayo sa lupa galing sa bubungan namin, nakita ko silang bumabagsak sa lupa sa kahit saang bintana sa paligid ng bahay ako tumingin. Parang mula sa bubong ay naglundagan sila sa lapag.
Lalabas na kami ng pintuan nang biglang may taong lumundag at patalikod na bumagsak sa harapan namin ni Jerome. Nilingon ko ang loob ng bahay para maghanap nang matatakbuhan pero nasa likod ko na pala ang anino at sobrang lapit na sa amin ni Jerome, ramdam ko na matindi ang galit sa akin ng anino.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Aswang
HorrorAng mga nababalitaan nating mga Aswang ay may kasaysayan din sa kanilang nakaraan. Interesado ka bang malaman ang istorya ng kanilang buhay?