Lumabas ako ng bahay para kunin ang pulang notebook, patuloy pa rin ang pag buhos ng ulan. Medyo nabawasan ang kaba ko ng may narinig akong ingay ng mga kalalakihan sa may bandang basketball court. Dis-oras na ng gabi nag ba-basketball pa rin sila sa gitna ng malakas na ulan. Ganun pa man I feel more comfortable knowing na hindi namin solo ng anak ko ang buong subdivision.
"O pasa na! Wag masyadong buwaya pare laro lang!"
Ang iingay naman maglaro ng mga ito, pero ayos lang at least ramdam ko ang ambiance ng Manila. Habang naririnig ko ang ingay nila, lakas loob kong sinugod ang ulan papunta sa ibabaw ng bakuran kung saan naka sampay ang notebook. Basang basa na ang notebook, halos matanggal na ang mga masking tape na nakabalot dito.
"Nay ano bang ginagawa ninyo!"
Pag tingin ko sa itaas nakita ko sa balkonahe si Ana.
"Pumasok na kayo nay wag niyo na pakialaman yan."
Patuloy pa niya. Dali dali kong itinago ang notebook sa loob ng sweater ko para proteksyunan sa ulan, kasabay non ay patakbo akong bumalik sa loob ng bahay. Papasok na ako ng pinto nang bigla itong sumara, halos mapaupo ako sa lakas ng impact. Kinatok ko ng malakas ang pinto at tinatawag ko si Ana pero parang di niya ko naririnig. Sumilip ako ulit sa balkonahe pero di ko na siya makita. Halos magiba ko na ang pinto sa lakas ng pag katok ko pero wala pa ring nag bubukas kahit gaano ko ka-lakas tawagin si Ana parang di naman niya ko naririnig, marahil dahil sa lakas ng buhos ng ulan na may kasabay na maingay na pag-kulog.
Pumunta ako sa basketball court sa pagka desperate ko para humingi ng tulong na mabuksan ang pinto ng bahay namin sa mga naglalaro sa court dahil mas malapit lapit ito sa amin kesa sa guard house.
Naririnig ko pa rin sila na nagkakatuwaan sa pag lalaro, mabuti na lang at may mga tao na mahihingan ko ng tulong kung hindi mamamatay nako sa takot. Pag dating ko sa court, laking gulat ko sa aking nakita.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Aswang
TerrorAng mga nababalitaan nating mga Aswang ay may kasaysayan din sa kanilang nakaraan. Interesado ka bang malaman ang istorya ng kanilang buhay?