Ang Paghahanap sa Aswang

9.2K 141 11
                                    

Ibinalabal ko ang sweater ko sa king katawan para matakpan ang mga sugat ko at benda.

"Papasukin mo kami Ada! Dalian mo!"

Sabi ni Manong, sumagot naman ako at ang sabi ko,

"Sandali lang po Manong."

Binuksan ko ang pinto at tinanong ko si Manong kung ano ang problema. Umamuy amoy si Manong sa paligid, tumalikod siya at umamoy amoy din sa may bakuran. Humarap muli si Manong sa akin at sinabi niya.

"Ada, umatake ang aswang kani kanina lang. May kalapit bahay kayo sa subdivision na ito na may anak na tatlong buwang gulang pa lang, pinasok ng higanteng pusang kulay abo ang bahay nila, dumirecho sa higaan ng sanggol mabuti na lang at natunugan siya ng ina nito kaya dali dali niyang hinataw ng kahoy ang aswang na anyong pusa pero parang tao na sinalag nito ang bawat pag hataw.".

"Dahil na rin sa pasigaw na pag hingi ng tulong ng babae ay tumakbo palayo ang aswang. Takot ang aswang sa amin Ada, alam nito na kami ang tanod laban sa mga masasamang elemento. Sinundan namin ang bakas niya at nag alala kami sa inyo ng anak mo nang matunton namin na dito siya nag punta, maari ko bang halughugin ang bahay niyo Ada, para na rin sa kaligtasan ninyong dalawa."

Ikinuwento ko kay manong ang nakita kong bakas ng putik papunta sa CR, ipinakita ko rin sa kaniya iyon, nanlilisik muli ang mga mata ni Manong na animoy asong galit na galit sa nakikita niya, umaangil at nagsasalubong ang mga pangil ng ipin ni Manong sa galit. Sinundan nila ng mga tanod niya ang bakas ng putik.

Maya maya ay humalimuyak ng napaka tapang ang bulaklak ng puno ng dama de noche sa garden namin. Dali daling lumabas sila manong papunta sa puno ng dama de noche. inilawan nila ito ng flashlight at laking gulat nila dahil sa bandang ugat nito ay may nakalawit na mga daliri, parang kamay ng tao.

Nanlaki ang mga mata ni Manong, nagmamadaling hinukay nila ang lupa na nakatabon sa kamay. Sobrang kinilabutan ako sa nahukay nila, Mga bangkay ng tatlong tao na naka libing sa loob mismo ng bakuran namin. Pinagmasdan maigi nila Manong ang tatlong bangkay, inamuy amoy rin nila at kinapa ang bandang siko at tuhod ng mga ito.

Humarap si Manong sa akin at sinabi niya.

"Mga aswang ang tatlong ito Ada, may kinalaman ka ba sa pagpaslang sa kanila?"

Natural na sobrang tanggi ang ginawa ko kila Manong dahil wala naman talaga akong alam sa nangyari, ang natatandaan ko nga lang ay naglibing kami ng tatlong daga jan nung nakaraan. Ikinuwento ko yun kay Manong at ang sabi niya,

"Iyon nga ang anyo na ginagaya ng mga aswang na ito sa kanilang pag babalat kayo. Pero kapag napatay mo ang anyong hayop nila makalipas ang tatlong araw babalik ang tunay niyang itsura."

Ito ang anyong tao nila Ada, sumama ka sa amin sa presinto kailangan natin i report ang insidente na ito."

Binalikan ko si Ana para yayain na sumama sa amin nila Manong sa presinto, nagulat ako dahil nakatayo na si Ana sa pintuan pag lingon ko, inilagay ko sa kaniya ang balabal ko, ikinandado ko ang pinto at pumunta kami na kami sa pulisya para i report ang nangyari.

Pag dating sa presinto lahat ng tao na nanduon ay nakatingin sakin, pati mga pulis ay nakatingin at parang nagtataka. Nilingon ko si Ana at ang mga tanod sa likod ko pero di ko na sila makita.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo ate?"

Tanong ng isang pulis. Tiningnan ko ang patch sa dibdib niya Gonzales ang nakalagay, isa siyang Senior Police Officer. Ikinuwento ko kay SPO Gonzales na may natagpuang tatlong bangkay na nakalibing sa loob ng bakuran namin.

Dali dali niya kong niyaya sa sasakyan nila para puntahan ang sinabi kong mga bangkay.

"Sandali lang!"

Sabi ko kay kay SPO Gonzales,

"Nasan na ang anak ko kasama ko siya kanina pati ang mga tanod nasan na sila?"

"Mag isa lang kayong pumunta dito ate."

Sagod niya.

"Hindi maari iyon, kasama ko ang anak ko, ako pa mismo nagsuot ng balabal sa kaniya at magkasama kaming sumugod dito."

Sadyang di ako pinaniniwalaan ng mga pulis sa mga sinasabi ko. Dagdag pa niya,

"Mabuti pa ate sumama na kayo sakin at balikan natin ang anak niyo mapanganib na mag isa lang siya sa bahay niyo lalo pa kung tutoo ang kinuwento niyo tungkol sa mga natagpuan niyong bangkay."

Sakay ng police mobile ay bumalik kami ng bahay, parang gusto ko nang liparin ang bahay namin pabalik sa sobrang pag aalala ko kay Ana, sana nasa bahay si Ana sana safe siya kasama nila Manong at mga Tanod. Bakit ba bigla na lang nawala ang mga ito? Gulong gulo ang isip ko.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon