Sumugod ako sa basketball court para humingi ng tulong sa mga kalalakihan na naririnig kong naglalaro duon pero laking gulat ko pag dating ko sa court... Walang ka tau-tao sa basketball court, pati ang paligid ay masyadong desolated, at ang malala pa nito, naririnig ko pa rin ang talbog nang bola at ang ingay ng pag lalaro nila, parang gusto ko nang himatayin sa mga nangyayari sakin.
Tumakbo ako pabalik sa bahay namin sa tindi ng takot at pag aalala ko kay Ana. Nilillingon ko pa rin ang basketball court habang tumatakbo ako palayo dahil naririnig ko pa rin sila. Kasabay nito ay may biglang bumangga sa harapan ko, muntik na akong matumba mabuti na lang at nasalo ako sa kamay ng naka bangga sakin. Si Manong at ang iba niyang kasamahan sa pag tatanod may hawak silang mga flash light, naka hinga ako ng maluwag, sa wakas may mahihingan ako ng tulong.
"Kayo po ang mga tanod dito sa lugar namin?"
Tanong ko sa kaniya.
"Oo, kami ang nagbabantay sa lugar na to, di ka dapat lumalabas ng ganitong oras delikado ang paligid"
Tugon ni Manong.
Ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari at nagpa tulong ako para mabuksan ang pintuan ng bahay namin, sinungkit ni Manong ng kutsilyo ang pagitan ng sarahan ng pinto at sa wakas nakapasok na rin ako sa loob. Nilingon ko sila manong para magpasalamat pero wala na sila agad sa paligid. Nagmamadali kong sinara ang pintuan at tumakbo ako para tingnan kung safe si Ana. Alas onse na ng gabi, tulog na tulog na si Ana nang maabutan ko.
Pumunta ako sa balkonahe para isara ang pinto, mukang naiwan niya atang naka bukas nang sumilip siya kanina dahil nararamdaman ko na may pumapasok na malamig na hangin. Halos bagsakan ako ng langit sa nakita ko... Si Ana papalapit sa akin galing sa balkonahe.
"San ka nag punta? Kanina pa kita sinisilip sa labas kinakabahan na ko, san ka ba nagpunta?"
Tanong ni Ana sakin. Nag aatubili ako pero sinagot ko siya at sinabi kong na kinausap ko lang ang mga tanod sa labas,
"Magpahinga ka na."
Pagpapatuloy na sabi ko sa kaniya.
Gulong gulo ang isip ko sa mga nangyari, napaupo ako sa kama habang minamasdan ko si Ana na dahan dahang naglalakad papunta sa kwarto niya, napansin ko na hinahabol ng mata niya ang hawak kong pulang notebook...
"Dyus ko, masisiraan ako ng ulo sa lugar na to!"
Pag na charge ko na ang cell phone kakausapin ko agad si Jerome na umuwi na, di ko na ata kaya.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Aswang
HorreurAng mga nababalitaan nating mga Aswang ay may kasaysayan din sa kanilang nakaraan. Interesado ka bang malaman ang istorya ng kanilang buhay?