Ang Anino ni Ana

9.4K 147 9
                                    

October 28, Nagising na lang ako na nasa loob na ko ng parang isang hospital, nakatali ang mga paa at kamay ko sa kama, napaka dilim ng kwarto kahit na naka bukas ang pasilyo at may ilaw sa bandang reception area.

Tinawag ko ang nurse at lumapit siya sa akin, pero di pa siya nakakapasok ng pintuan ay bigla na itong sumara. Narinig ko na napatili ang nurse sa labas sa lakas ng impact ng pintuan. wala akong makita sa sobrang dilim ng paligid, maya maya ay naka amoy ako ng matapang na amoy ng dama de noche.

"Nandito siya!"

Nasambit ko sa sarili ko dahil sa tuwing maaamoy ko ang bulaklak na iyan ay nakikita ko ang espiritu na gumagaya kay Ana, ang kaniyang doppleganger. Hindi ako nagkamali sa hinala ko dahil may naramdaman akong hangin sa kanang tenga ko at nakakakilabot na bumulong ng.

"Ada.."

Biglang bumukas ang lahat ng bintana at umihip ang malakas na hangin. Nagpupumilit akong makawala sa pagkaka gapos ko pero sobrang higpit ng tali na inilagay nila sa akin, Halos maiangat ko na ang kama sa tindi ng pagwawala ko sa sobrang takot.

Natigilan akong bigla ng sa bandang talampakan ko ay naaninag ko ang anino ng babae na palaging humahabol sa akin. Itinaas nito ang dalawa niyang kamay sabay pumatong sa ibabaw ko. Itinapat niya ang mukha niya sa mukha ko. Namukaan ko ang Anino na galit at titig na titig sa akin.

"Ana?."

Pagkasabi ko nuon ay sinakal ako ng anino. Napaka bigat ng dibdib ko sa pagkaka dagan ng tuhod niya at lalo pa kong di makahinga sa pagkakasakal niya sa akin.

"Ana huwag! nanay mo ako bakit mo ko sinasaktan?"

Pilit na pagsasalitang sinabi ko sa anino ni Ana.

"Palayain mo ang anak ko!!!"

Sambit ng anino habang sinasakal niya ko. Maya maya pa ay bigla kong naaninag ang tutoo niyang anyo, unti unti siyang tumatanda.

"Inay?... Ikaw ba yan?"

Tanong ko sa kaniya, kasabay nuon ay sumagot sa akin ang anino.

"Ako nga ito Ada... Ang nanay mo... Inalay ko ang sariling buhay ko Ada para mailigtas ko kayo ni Ana sa pang habang buhay na sumpa, pero naging huli na ang lahat para sa iyo, isa ka nang ganap na aswang at hindi ito mawawala hanggat hindi ka namamatay at mamamatay ka lamang Ada sa oras na maisalin mo ang sumpa sa iba o kung may ibang aswang na papatay sa iyo."

"Unang araw pa lang ng paglipat ninyo sa lugar na ito ay masama na ang kutob ko kaya dali dali ko kayong pinasundan sa ama mo. Siya ang tanod na umaali-aligid sa bahay ninyo Ada. Ang tatay mo ay may kakayahan na mag iba ng anyo at kaya niyang pag lakbayin ang kaniyang espiritu sa kahit saang lugar niya naisin. Ito ang mga kapangyarihan na matagal na naming tinalikuran pero nang makita ko sa aking baraha ang babala tungkol sa Diary ng Aswang, labis akong nabahala."

"Nang gabing iyon habang nasa saping (trans) kalagayan ang tatay mo dahil sa paglalakbay niya dito sa lugar ninyo ay pinag desisyunan ko na na ialay ang buhay ko upang maging espiritu na ka doble ng apo ko na si Ana at bantayan kayo, dahil ang sumpa ng Diary ng Aswang ay walang kagalingan Ada. Kamatayan lang ang katapusan nito"

"Inobserbahan namin kayo ng tatay mo sa araw at gabi, hindi niya agad nalaman ang ginawa ko hanggang sa araw na nag desisyon siya na ibalik ang espiritu niya sa kanyang katauhan."

"Labis na dinamdam ng tatay mo nang matuklasan niya ang ginawa kong pag aalay ng buhay. Pero handa akong gawin ang lahat Ada para sa kaligtasan ninyo."

"Huli na ang lahat para sa iyo Ada, gusto ko lang na iligtas ang apo ko kaya gagawin ko ang lahat para sa kaniya."

"Patawad anak pero para sa ikabubuti ninyo ng apo ko... papatayin kita!!!"

Hinayaan ko na lang ang inay na kitilin ang buhay  ko nang bigla ay dumating si Jerome kasama si SPO Gonzales at ang duktor.

"Ada anong nangyayari sa iyo?!"

Pasigaw na sabi ni Jerome... Kinalas ni Spo Gonzales ang mga gapos ko sa kamay habang pinupunasan ng duktor ang bumubula kong bibig sabay lagay ng oxigen para ako kumalma.

Muntik na akong mawalan ng malay sa kakapusan ng hangin, matapos iyon ay niyakap ko ng mahigpit si Jerome.

"Di na kita iiwan Ada wag kang matakot."

Sobrang gaang nang pakiramdam ko nang sabihin iyon ni Jerome.

"Bumalik na tayo ng Manila Jerome."

Sagot ko sa kaniya. Tumango si Jerome sabay tanong sa duktor.

"Ano po ba ang nangyayari sa misis ko Doc?"

"Kailangan siyang ma obserbahan, nagpatawag na ko ng Phsychiatris, mukang she's suffering from Brief psychotic disorder."

Sagot ng ductor kay Jerome.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon