Ang Diary ni Ada

8.2K 134 14
                                    

October 28. Wala kaming dinalang kahit anong maaring maging daan para makapag communicate sa labas. Natatakot ako na baka kapag nag anyong aswang nanaman ako ay muli kong tawagan at papuntahin si Jerome sa lugar kung san pwede ko siyang paslangin, lalong ayaw kong mangyari iyon sa anak kong si Ana.

Napakasakit ng ginawa kong biglaang pag desisyon na magpaka layu layo. Mahal na mahal ko si Ana at si Jerome, pero ito ang mas makabubuti para sa kanila. Ito rin ang makabubuti para sa ibang tao na maari kong maging biktima.

Naisip ko na kapag susumpungin ako at gusto kong mang biktima, ibubuhos ko na lang ang pagkahayok ko sa buhay na karne at mainit na dugo ng mga hayop dito. Buo na sa isipan ko na ihiwalay ang sarili ko sa mundo dahil ito ang mabuti... dahil ito ang tama.

Pag sapit ng gabi, minabuti ko na magpaalam kay tatay at pumunta sa mas liblib pang lugar dahil alam ko na kung susumpungin ako ng pagiging aswang ay manganganib sa akin ang buhay niya bilang mortal na nilalang. Ang espiritu ni nanay ay nag desisyon na manatili sa piling ng tatay at magsisilbing taga bantay niya.

"Sigurado ka ba na wala ka nang balak pang makita sina Jerome at Ana."

Tanong ng tatay.

Wala akong naisagot kay tatay kundi isang napaka pait na hagulhol, isang malalim na pag tangis na narinig sa buong kabundukan. Lahat ng nakarinig sa panaghoy ko nang gabing iyon ay siguradong kinilabutan. Ito na ang pinaka malungkot na sandali ng buhay ko. Ayaw kong mapahamak si Jerome at si Ana, mahal na mahal ko sila pero lagi kong inaalala ang sumpa ng Diary ng aswang patungkol sa pag ubos ng lahi.

"Maging kayo 'tay ay nanganganib sa piling ko, mas makabubuti na magpaka layu-layo ako."

Sagot ko kay tatay.

"Hindi kita pipigilan Ada, alam mo kung ano ang makabubuti para sa iyo."

Iyon na ang huling salita na narinig ko sa kaniya. Matapos akong magpaalam sa kanila ni nanay ay pikit mata kong tinahak ang kabilang isla dala ang isang maliit na supot at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Pinilit kong burahin sa isipan ko ang tatay... si nanay... si Jerome... at si Ana.

October 29, Dito sa isla ay may isang abandonadong kubo na pinili kong maging tahanan. Dito ako nag pasya na manatili.

Dinama ko ang malamig at masarap na ihip ng hangin habang naglalakad ako sa dalampasigan. Pilit kong binubura sa isipan ko ang mga mahal ko sa buhay pero sadyang napakahirap lalo na kung hindi sila sa isipan ko nanatili kundi sa puso ko. Isinulat ko ang pangalan ni Jerome sa buhangin. Naramdaman ko na lang na naka ngiti pala ako. Siguro dahil naglaro sa isip ko lahat ng ala ala na iniwan sa akin ni Jerome na puro masasaya. Minahal niya rin si Ana bilang isang tunay na anak dahil sa labis na pagmamahal niya sa akin.

Naiyak ako dahil nagsisisi ako kung bakit ginawa ko ang isang napaka simpleng bagay na ipinag bawal niya. Napaka simpleng utos na kaya ko namang sundin, napaka simpleng bagay na naglagay sa kinalalagyan namin ngayon. Daig ko pa ang namatay sa buhay ni Jerome at ni Ana. Naglaho ako sa buhay nila nang di nila nalalaman kung ano na ang nangyari sakin.

Maya maya pa ay nakita ko na lang ang sarili  ko na umiiyak, gusto ko silang muling makita at makasama. Pero dahil mahal ko sila magtitiis ako para sa kaligtasan nila.

Nang gabing iyon,naisipan kong ilabas ang maliit na notebook na di ko inaalis sa bulsa ko, itinago ko iyon sa isang supot para hindi masira. Dito ko itinatala ang lahat ng mga pangyayari na nag daan sa akin.
Lahat ng nangyari sa akin ay parang isang pelikula na bumalik nang napakalinaw nang simulan kong basahin ang mga nakasulat dito. Idinagdag ko rin ang  bawat detalye na maalala ko. Nabalikan ko rin ang mga masasayang sandali namin ni Jerome, pero minabuti kong burahin na lang ang mga iyon sa pamamagitan ng isang matalas na kahoy na tinintahan ko ng sarili kong dugo,  dahil magsisilbi na lang iyon na isang mapait na ala ala.

Ang lalo pang nagpapasakit sa akin ay ang ala-ala ng mahal kong anak, ang napaka bait na si Ana... inihanda ko na ang sarili ko sa pagtanggap sa katutohanan na kahit kailan ay di ko na siya makikita.

Sa di ko kagustuhang bagay ay nagtataka ako kung bakit ko ginagawa ito. Wala akong kapaguran sa pag sulat ng mga dagdag na detalye sa notebook na to, pati pag bura sa mga bagay na ayaw ko nang maalala, puno na ng dugo ang mga kamay ko pero di ko iniinda iyon, di ko alintana ang hapdi at sakit ng mga daliri ko matapos ko lang... Ang Diary ng Aswang.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon