Ang Babala

8K 132 12
                                    

October 30, Gusto ko nang wakasan ang pagtatala sa Diary na ito. Pagkatapos ng huling kabanata na ito ay itatapon ko na Ang Diary ng Aswang sa kaila-ilaliman ng dagat para walang maka basa at walang mapag salinan ng sumpa.

Sinulatan ko ang cover ng diary:

"Sa sino mang makaka kita sa notebook na ito, ipinakikiusap ko sa iyo, alang alang na rin sa iyong sarili... Ni huwag ninyong bubuksan at babasahin ang laman nito."

"Ang diary na ito ay Ang Diary ng Aswang... may sumpa sa sinumang makakabasa nang kahit isang kataga na nakasulat dito. Masasalin ang sumpa ng nag mamay-ari ng diary na ito sa sinumang magbabasa... Ito ay ang sumpa ng pagiging aswang."

"Kung mahal mo ang sarili mo at ang mga taong malapit sa iyong puso... Nakikiusap ako... Ako si Ada isinulat ko ang mensaheng ito gamit ang sarili kong dugo para lamang balaan ka... Nais kong sa akin na mag tapos ang sumpang ito... Huwag mong babasahin Ang Diary ng Aswang!!!"

Ibabalik ko na sana sa supot at babalutin ng tali ang notebook na ito nang biglang may narinig akong mga naglalakad sa may dalampasigan. Tinakpan ko ng supot ang notebook at dali dali akong tumakbo sa bintana para silipin kung ano o sino ang mga iyon.

Sa malayo pa lang ay nakilala ko na ang mga paparating...

Si Jerome at si Ana, sa di kalayuan ay kasunod si tatay at si SPO Gonzales at may iba pa siyang kasamang mga pulis.

Na amoy ko muli ang matapang na amoy ng bulaklak ng dama de noche.

"Nanay kayo ba yan?"

Pabulong na tanong ko.

"Kontrolin mo ang sarili mo Ada, para sa ikabubuti mo kaya ka nila isasama. Ilalagay ka nila sa isang safe na Asylum. Iniisip nila na may sakit ka sa utak kaya ka nagkaka ganyan. Hindi sila naniniwalang aswang ka. Iginigiit ng duktor na mayroon kang brief psychotic disorder kaya hindi ka dapat hayaan na gumagala, mapanganib para sa mga nakapaligid sa iyo."

Sagot ng espiritu ni nanay sa anyo ng isang anino.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at matinding pag sama ng pakiramdam. Lulundag sana ako sa likuran pero may dalawang pulis na nakabantay duon at nakatutok ang baril sa may laalagusan ko sanang bintana. Biglang bumukas ang pinto.

Pag lingon ko ay nakita ko si Jerome. Sobrang saya ng pakiramdam ko nang oras na iyon na makita ko siya. Tumakbo ako papunta kay Jerome at buong higpit na niyakap ko siya.

"Ada, mahal na mahal kita, nakikiusap ako sa iyo sumama ka na sa amin, pagtutulungan natin lutasin lahat ng problemang kinakaharap natin."

Sabi ni Jerome.

"Hindi mo naiintindihan Jerome, alam kong di ka rin naniniwala. Wala akong sakit sa utak, tutoo ang lahat ng nangyayari sa akin. Hanggat nasa akin ang sumpa at hindi ko naipapasa sa iba, mananatili ako sa pagiging aswang, pati kayo ni Ana ay manganganib sa mga kamay ko."

Sagot ko sa kaniya.

Pagkatapos nuon ay dahan dahan na pumasok si tatay at si Ana. Dali dali kong niyakap nang may matinding pagka sabik ang anak ko.

"Ana! Salamat at ligtas ka! Patawarin mo ako anak, hindi ko kontrolado ang sarili ko."

Naiiyak na sinabi ko kay Ana.

"Naniniwala ako sa inyo nay, nakita ko mismo ng sariling mata ko ang pagbabago ninyo ng anyo bilang isang malaking pusa na kulay abo nang minsang pabalik kayo sa bahay kaya isinarado ko ang pintuan, pag akyat ko ay sinalubong ako ni lola. Pinatulog niya ko sa kwarto at nag bantay siya sa balkonahe. Nagdududa na rin ako sa tuwing iiwanan niyo na lang ako basta sa isang lugar, pagkatapos nuon ay bigla na lang akong may mababalitaan na masamang nangyari."

Sagot ni Ana sa akin.

Pagkatapos niyang magsalita ay nakita ko si Jerome na nakatulala at namumutla. Tiningnan ko ang lugar kung saan siya nakatingin.  Nakita ko ang sarili ko sa lamesa kung saan ako nagsusulat ng Diary kanina. Tinitingnan namin ang aking sarili na nakaupo sa mesa, duguan ang mga kamay na paulit ulit na tinutusok nang matalim na kahoy para gawing tinta.

Mala halimaw na boses na nagsalita ang babaeng tinitingnan namin habang patuloy siya sa pagsusulat niya.

"Kailangan kong matapos ang kasaysayan na ito, kailangang lahat ng kaganapan ay itala!"

Pagkatapos nuon ay umalulong ang tatay at itinakbo kami palabas ng bahay.

Sinalubong kami ni SPO Gonzales.

"Ada, nakikiusap ako sa iyo na sumama ka sa amin ng maayos. Hindi ko jurisdiction ang lugar na ito pero kusang loob ako sumama para ako na mismo ang makiusap sa iyo. Sumama ka sa amin ng mapayapa tutulungan kita Ada."

Nagmamakaawang sinabi ni SPO Gonzales.

Biglang may pumalo sa ulo ko pero nabali ang kahoy na ipinang palo niya. Nilingon ko ang pumalo sa akin.

"Tumigil kayo, wag niyong saktan si Ada!"

Sigaw ni SPO Gonzales sa mga pulis.

Dinamba nila ko at pilit na nilalagyan ng posas. Umaawat sina Jerome pero wala silang magawa. Na hampas ng isa sa mga pulis si Jerome sa mukha at nawalan ito ng malay. Nilundag ko ang pulis na nakahampas sa kaniya at winakwak ko ang leeg nito sa pamamagitan ng aking bibig. Pinaputukan ako ng ibang pulis pero kahit si SPO Gonzales ay nagulat dahil nakita niya na hindi ko iniinda ang mga tumatama sa akin na bala. Patuloy siya sa pag awat sa mga pulis pero wala siyang magawa. Kaya inisa isa ko sila na parang walang anuman sa akin. Napaka tindi ng nararamdaman kong galit.

"Nanay tama na po!"

Sigaw ni Ana sa akin pero di ko sila pinakinggan ni SPO Gonzales, maging ang tatay ay walang nagawa sa akin.

Inubos ko ang mga pulis na kasama nila. Naliligo ako sa dugo habang nakatayo ako at hinarap ko sila.

"Umalis na kayo!!! Tatay parang awa niyo na ialis mo dito si Jerome at Ana!"

Pasigaw na pakiusap ko kay tatay dahil nararamdaman ko na ganap nanaman akong nagiging aswang.

Itinakbo papalayo ng tatay si Ana pero nagmatigas na nanatili si SPO Gonzales at patuloy na pinakikiusapan akong kumalma at sumuko sa kaniya.

"Sa paningin mo isa lamang akong baliw?! May sakit sa utak!!! Pero hindi mo naiintindihan ang tutoong nangyayari sa akin."

Galit na sinabi ko kay SPO.

"Naiintindihan kita Ada, nagmamakaawa ako sayo, tutulungan kita kung sasama ka ng maayos sa akin."

Sumagot ako sa kaniya.

"Binalaan kita SPO pero di ka nakinig sa akin."

Kasabay nang pagsabi ko nuon ay naririnig ko rin ang sarili ko na nagsasalita habang patuloy na nagtatala sa Diary at paimpit na natatawa.

Dali dali kong sinugod si SPO Gonzales, mabilis na pagapang na animo pusa na tumakbo ako papunta sa kaniya. Dinamba ko si SPO at sinakmal ko ang leeg niya.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon