Ang Suspect

8.7K 132 12
                                    

Humarap sa amin ni Jerome ang lalakeng lumundag galing sa bubungan, si Manong Tanod pala.

"Nakita namin na pumunta dito ang Malaking pusang kulay abo Ada, dalian niyo ang pag punta sa presinto mapanganib ang kalagayan niyo dito. Hayaan mo kaming halughugin namin ang buong kabahayan."

Wika ni Manong.

Pumara kami ni Jerome ng Tricycle at dumirecho kami sa presinto para magpagawa ng Police Report at magpa tawag ng ambulansiya. Halos wala pa ring gaanong ulirat si Jerome dahil sa mga tinamo tiyang sugat.

Pag dating namin sa presinto sinalubong agad kami ni Ana.

"Anong nangyari kay tatay Jerome?"

Tanong ni Ana sa akin.

Di ko pa nasasagot si Ana ay biglang lumapit si SPO Gozales sa akin at galit na galit.

"Magpasalamat ka Ada at hindi kita ikinulong sa ginawa mo. Sinabi ko sa iyo na bawal kang umalis ng presinto pero mukang di mo ni re respeto angpagiging pulis ko. Anong nangyari jan sa kasama mo?"

Patuloy na pagalit na tanong sa akin ni SPO.

Ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari. Nagpatawag siya ng ambulansiya at isinugod nila si Jerome sa hospital. Hindi pa rin gaanong nakaka recover si Jerome. Gusto ko siyang samahan sa hospital pero ayaw akong paalisin ni SPO Gonzales sa presinto kaya galit na galit ako sa kaniya.

"Pasensiyahan tayo Ada, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Wag kang mag alala, nasa mabuting kamay ang asawa mo."

Pagkasabi ni SPO Gonzales nito ay patuloy niya kong inusisa tungkol sa nangyari kay Jerome, idinetalye ko sa kaniya ang mga nangyari. Pero nang banggitin ko na ang tungkol sa anino at sa mga Baranggay Tanod na naglundagan mula sa bubungan namin, napatingin siya sa kasamahan niyang pulis. mejo nakaka insulto ang klase ng pagtitinginan nila. Saglit na umalis ang kasama niyang pulis at umupo sa lamesa niya sabay tawag sa telepono.

"Magpahinga ka muna Ada, nagpa dala ako ng pagkain, kumain muna kayo ng anak mo, babalik ako sa bahay niyo para ituloy ang imbestigasyon."

Pagpapatuloy na salita ni SPO Gonzales, sabay kuha ng kaniyang mga gamit at lumabas ng presinto.

Habang kumakain ay napag usapan namin ni Ana ang mga nangyari.

"Sinundan mo ba ko sa bahay Ana?"

Tanong ko sa kaniya.

"Hindi po nay, nakatulog nga po ako sa sobrang pagkainip eh. Ano po ang nangyari kay tatay Jerome?"

Tanong niya.

"Naabutan ko na lang siya na naka lugmok sa itaas ng bahay, Ang sabi niya nag text daw ako na dumirecho siya ng bahay sa halip na dito sa presinto pumunta. Duguan siya nang maabutan ko, di rin niya matandaan ang nangyari sa kaniya eh. Pagkatapos nuon ay nakakita ako ng anino sa labas ng bintana kaya inakala ko na ikaw iyon at sumunod sa akin."

Kwento ko kay Ana.

"Nay, guni guni niyo lang po ang mga nangyari, siguro naninibago lang kayo sa lugar. Ako rin nga kung minsan  nagigising ako tapos biglang makikita ko ang sarili ko na papalabas ng kwarto pero pagkatapos nun di ko na nakikita kahit sundan ko pa. Ang ginagawa ko na lang bumabalik ako sa pag tulog at pinalilipas ko na lang. Iniisip ko imagination lang ang lahat."

Patuloy na kwento ni Ana.

Napag isip isip ko, napakalinaw ng buong pangyayari pati sila Manong Tanod kitang kita ko at kaharap ko talaga sila lalo na ang anino na sunod ng sunod sa akin.

Pagkatapos namin mag usap ni Ana ay niligpit ko na ang pinagkainan namin, masama ang tingin sa akin ng kaibigan ni SPO Gonzales kaya tinanong ko siya.

"May prublema po ba?"

Tanong ko sa kaniya, di niya ko kinibo at nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

Kinagabihan ay natulog na kami ni Ana.

Nagising ako nang biglang  may umalulong na aso sa labas at pag dilat ko ng mata ko ay may naaninag akong lalake na nakatayo sa paanan namin at nakatitig sa akin. Pilit kong inaaninag para kilalanin kung sino.

"Ada, magsabi ka sa akin ng tutoo, binasa mo ba ang laman ng pulang notebook na ito?"

Tanong niya.

Nabosesan ko siya, si Manong Tanod pala ang nagsasalita, may pagsisinungaling na sumagot ako sa kaniya.

"Hindi po Manong... saan niyo po iyan nakita?

Tanong ko sa kaniya.

"Ang Diary na ito ay may sumpa Ada."

Patuloy pa ni Manong.

"Sa sinuman na makakabasa ng kahit na anong nakasulat sa Diary na ito ay malilipat sa kaniya ang sumpa. Ang sumpa ng Diary ng Aswang."

Sinagot ko si Manong.

"Ano pong sumpa Manong? Ano po ang mangyayari sa makakabasa ng Diary na iyan?"

Kasabay nuon ay narinig ko na nag hi histerya sa labas si SPO Gonzales. Dali dali kaming lumabas ni Ana at nabigla kami sa aming nakita.

Tatlong miyembro ng pulisya na naka duty sa presinto ay pawang naka handusay sa sahig at duguan, lahat sila ay may mga wakwak sa leeg, maging ang kasamahan ni SPO Gonzales na tumawag kanina sa telepono ay naka upo sa lamesa niya, nakatingala at halos matanggal na ang ulo sa laki ng wakwak sa leeg niya.

Sinugod ako ni SPO Gonzales at isinandal ako sa pader habang sakal sakal ako sa leeg.

"Magsabi ka sa akin ng tutoo Ada?" Sino ka talaga? Ano ka ba talaga?"

"SPO wag niyo naman ako ganituhin, sa tingin niyo ba magagawa ko ang mga ito?"

Sagot ko sa kaniya.

Saglit na tumigil si SPO Gonzales at may dinukot sa bulsa niya, ipinakita niya sa akin ang crus na pendant ng kwintas ng Guwardiya ng subdivision namin.

"Natagpuan namin ito sa toilet bowl ng bahay niyo Ada, ngayon mo itanggi sa akin na wala kang kinalaman sa mga nangyayaring krimen dito?"

Patuloy na pagsasalita ni SPO Gonzales.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon