Kabanata 1 : Kaibigan

19 6 1
                                    

SIMULA

"Keth, ayun siya! Ganda niya noh?" Pagmamayabang ni tristan sa'kin. Edi, siya na ang maganda. Wala naman ako magagawa kung mas maganda siya.

Keth ang tawag sa'kin ni tristan.

Samantalang ako ay walang pakinabangan sa kaniya. Gusto ko lang naman sabihin sa kaniya ang lahat pero baka masira ang friendship naming dalawa. I don't want to . . .

Ayoko rin ng gulo dahilan lang doon. Ang sarap talagang iwasan siya pero baka mas lalo akong masaktan. Ganito lang naman ang buhay ko . . . Palaging malungkot. Oo, minsan sinasabi nila na kapag payat ka daw ay palagi kang may problema at palagi malungkot.

Pero, syempre naman sanay na ako. At masaya rin ako kahit mahal niya ako bilang bestfriend. Sapat na 'yon sa'kin. Alam ko naman na bilang friendship lang ang turing niya sa'kin . . . Pero, atleast minahal din niya ako.

"Uy? Tulala ka naman diyan. Any problem?" Biglang sabi niya at natauhan rin ako. Muntik na ako do'n . . .

Sasabog na yata ang puso ko sa kakabigla. Minsan nawawala ako sa sarili ko kapag kasama ko siya . . . I mean as always. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa sobrang iniisip ko paano ba niya ako mahalin bilang mahal niyang babae hindi bestfriend.

"W-wala . . . O-o nga maganda siya." Nauutal na sabi ko. Sa totoo lang naman ay mas maganda ako sa kaniya. Pero ayokong sabihin sa kaniya 'yon baka magalit pa o iwasan na niya ako. Ang sakit kaya 'yon.

He's my everythings . . .

Mas mabuti pa na tumahimik na lang ako. Hindi ko rin alam anong dahilan bakit ko ba siya mahal na hindi lang bestfriend.

"May lagnat ka ba?" Tanong niya. Napatigil din ako sa aura niya ngayon. Tumingin rin ako sa kaniya at napataas ang kilay ko sa tanong niya. Sa totoo, ay hindi pa 'yon ganoon kabilis i-process ng utak ko.

Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at nagkatingnan ang aming mata. Parang . . . Gusto kong umiwas pero parang may kung ano sa katawan ko na ayaw kong gawin 'yon. Nakaramdam ako ng init sa pisngi. Pinundot niya ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko. Iyan, tuloy naging CLOWN ang mukha ko.

"W-wala naman ha." Saad ko. At lumipat ang tingin ko sa kabilang direksiyon. Ang lapit kasi ng mukha namin. Baka ano pa ang magawa ko sa kaniya. At as if naman na gagawin ko 'yon.

Mukhang trip na naman niya 'yon. I know his attitude pero sanay rin ako sa kaniya kahit kelan. Syempre, kapag bestfriend mo ay alam mo ang pagkatao niya. 'Yan talaga ang tunay na mag-bestfriend lalo na kapag lalaki ito.

Masarap maki-pagkaibigan sa lalaki pero mahirap mahulog sa isang hindi friendship lang ang turing mo sa kaniya, 'di ba? Minsan, naaawa ako sa sarili ko kung bakit ba ako nagkaibigan ng lalaki. Iyan dapat ang lagi kong tatandaan.

May mga tamang oras na din na malalaman ko ang lahat ng pakiramdam niya sa'kin. At may tamang panahon rin na aaminin ko lahat sa kaniya. Pero, hindi ito ang tamang panahon.

"Akala ko meron. Kasi namumutla ka kanina at wala sa sarili." Tono pa lang niya ay nag-alala na . . . Medyo nanlumo rin ang aking puso. Gusto ko talagang sabihin sa kaniya na . . . Ano pero natatakot ako.

Kapag may problema ako ay nandiyan siya lagi. Tanging siya lang talaga ang pag-asa ko higit pa sa mama ko. Yes, isa siyang parte sa aking buhay . . . Mahal ko siya, mahal ko din ang mama ko.

"Hindi - - -" Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi hinawakan niya ang aking noo. At ngayun ko lang pala napansin na makinis yung mukha niya. Ngayon ko lang napansin . . .

Alone Of Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon