Nagmamadali akong umuwi sa bahay. Dahil mapapagalitan ako ni mama kapag six o'clock ako umuuwi. Baka mapapagalita yata ako ni mama. Pero, titingnan ko rin.
Kumatok ako ng tatlong beses sa main door. At binuksan naman nito ni mama. Bumungad sa'kin si mama at napayuko na rin ako. Ayokong talagang nagagalit sa'kin si mama pero ako lang naman ang gumagawa ng ikakagalit niya.
"Nandiyan ka na pala." Malamig na saad niya. Hindi ko alam kung ba't ganiyan ang aura niya pero parang may something. Nag-iiba talaga ang aura ni mama ngayon . . .
Tuloy akong pumasok sa sala at umupo doon. Tinabihan rin ako ni mama habang walang ingay sa aming atmospera. Hinubad ko yung sapatos at medyas ko pati na rin ang vest ko.
Ngayon ko lang napansin na nakatingin sa'kin si mama na parang bang nagtataka. Umiwas ako at inayos ko ang mga damit ko na nakakalat sa sofa. Hindi ko na talaga alam ano ang susunod sasabihin ni mama.
"Ba't mukhang bago 'tong uniporme mo?"
Damn! Iyan, nalaman na niya. Sa tingin mo lang sa uniporme ko ay mukhang bagong-bago. I bit my lower lips. Napakunot ako sa noo habang hindi ko alam ano ang sasabihin ko. Wala talaga akong alam ano ang sasabihin ko sa kaniya.
"A-hh . . . Ehh? . . . Ano eh . . ." Wala akong maisip na sasabihin. Nakatingin si mama sa'kin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Naubosan talaga ako ng palusot, grabe naman 'yon.
"Na ano?" Nagtatakang tanong ni mama.
Biglang nag-ring ang telepono namin. Agad tumayo si mama at sinagot ito. Nag-isip rin ako ng palusot ko kung sakaling matatandaan pa niya. Nakakuha na akong palusot ko habang pinagmamasdan ko si mama na mukhang galit at may halong lungkot.
What's wrong?
Mamaya ko na lang siya tatanongin baka ma-istorbo ko pa siya. Pumunta muna ako sa kuwarto ko upang magbihis ng pambahay. Iniwan ko muna ang cellphone ko sa tabi ng kama ko. At tumingin ako muna sa salamin upang tingnan ang mukha ko.
Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na rin ako at nakita ko si mama na mukhang malungkot. Lumapit ako sa kaniya ng mahina. At tumabi ako habang nakatulala siya. Nakonsesya ako at niyakap ko siya ng mahigpit upang aliwin.
"Mama . . . May problema ka ba?" Malambing na tanong ko kay mama.
Nautahan na rin siya ng magsalita ako. At tumingin siya sa'kin na nakataas ang kilay niya. Kanina pa siya yata nakatulala kasi hindi niya napansin ang yakap ng tsenilas ko pang-bahay.
"Kanina po kayo tulala. May problema ba? Mama?" Umiwas siya ng tingin at yumuko na para bang may problema talaga. Hindi ko masyado nakikita ang mukha niya pero klarong malungkot ang aura niya.
Ilang saglit, ay hindi siya nagsasalita mula noong tinanong ko siya. Gusto kong malaman kung ano ito . . . Hindi naman sa pakealamera ako. Wala talaga akong pake kung tungkol ba ito sa mga bagay-bagay na pang-adult pero medyo ako nakakaramdam ng . . . Ano.
"Kenneth . . ." Muli na rin nagsalita si mama ng malungkot na tono. Ngayon ko lang napansin na sobrang bigat ng pagtingin ko sa kaniyang mata. Parang katatapos lang niya umiyak.
"Ano po 'yon, mama?"
Gustong gusto kong marinig ano ang susunod niyang sasabihin. Pero, alam ko talaga na malungkot ang sasabihin niya sa'kin. Sa tingin ko lang sa kaniyang mga mata ay mas nakakalungkot itong tingnan.
"Kenneth, pakinggan mo muna ako bago ka magsalita. At wag na wag kang magalit." At hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Parang may ipaparating siyang . . .
Naramdam ko ang mga kamay niyang sobrang lamig. Talagang nanlulumo ang paningin ko kapag nakikita ko ang mukha niya. Hindi ko talaga kayang tingnan si mama kapag may malungkot na nakaguhit sa kaniyang mukha.
"A-ang . . . Half-sister mo ay bumalik siya dito sa pilipinas kahapon pa lang. At t-tumawag ang papa mo na sasamahan ko siya doon sa france upang tulungan siya. May aasikasuhin kami ng papa n-niyo - - -" hindi ko pinatapos magsalita si mama ng hindi ko kayang pakinggan ang kaniyang susunod na sasabihin.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit na naramdaman ko. Hindi ko nais pakinggan muli ang salitang 'half-sister' pero kailangan ko itong marinig para ko maintindihan si mama.
"Si papa naman? Halos iniwan niya tayo dito, 'di ba? H-hindi ka ba naawa sa sarili mo mama? Nandoon siya p-para lang sa putangina na 'yang babae at t-trabaho! At bumalik siya dito? Ang k-kapal ng mukha niyang bumalik dito! Anong gusto niyang p-palabasin, ha?! S-sawang sawa na ako sa kaniya! At s-sasama ka rin kay papa? At i-iwan mo lang ako dito m-mama? M-mukha ba akong nakakainip na kasama? G-gaya kay tristan? 'Yon b-ba 'yon?" Hindi ko alam na napataas tono ako kay mama.
Agad naman tumulo ang mga luha ko. Masaya na ang buhay namin dito ni mama ta's bumalik ang demonyo sa buhay ko? At si papa naman na walang hiya! Mga satanas talaga sila!
At ba't ko pa nasali si tristan sa usapan dahil ba doon sa iniwan niya ako gaya ngayon . . . Iiwan na rin ako ni mama para lang kay papa. Ako lang ba ang mag-isang maiiwan dito? Kasama ko ang anak sa labas ni papa!
That bastard girl is getting my nerves!
Ang kapal rin ng mukha ni papa na ipasama si mama sa france! Iniwan kami niya ta's ganoon kadali sa kaniya! Pinunasan ko ang mga tumutulong luha ko gamit ang dalawang kamay ko.
Alam ko na sobrang napalakas ang paghikbi ko pero hindi ko ito pinansin. Wala akong oras sa pagiging tanga! Minsan, nakakalito kung saan talaga ang nagmamahal sa'kin! Pero, parang lahat na lahat sila nawawala! D*mn.
"K-kenneth! P-pagbigyan mo ang papa mo, o-ok? Hindi ko naman 'to gusto p-pero sana maintindihan mo a-kko. M-mahal na mahal tayo ng p-papa mo . . . T-tandaan mo 'yan." At nagsimula rin tumulo ang mga luha ni mama na nahuhulog sa aking kamay.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Masakit masaktan pero masarap maghiganti. Ayokong magka-sama ang loob ko pero kailangan ko rin panindigan ang sarili ko. Papayagan kong sumama si mama kay papa pero sa . . . Limang taon na iniwan kami ni papa ay ito ang gusto niyang palabasin?
Hindi 'yon madali sa akin.
"Mahal tayo ni papa? Huh?" May halong tuwa at lungkot kong sabi ng mag-sink 'yon sa utak ko. Eh, never niya akong minahal bilang anak! Ta's ganoon ang sasabihin ni mama?
It's hurt being like this!
"S-sigurado ka ba? Eh, iniwan nga tayo! 'Di ba? Para lang doon sa punyetang babaeng 'yon! Tapos sasabihin mo na mahal niya tayo?" Mura ko sa sobrang galit ko. Halos hindi ko ma-kontrol ang sarili ko. Wala talaga akong alam gawin kun'di ilabas lahat ng nararamdaman ko sa kanila.
Sobrang galit ako kay papa at ang half-sister ko - - - Hindi pala half-sister kundi anak sa labas! Halos lahat ng atensiyon ni papa ay na sa kaniya! Walang oras sa amin si mama kundi lahat inaabuso ng babaeng 'yon! At natatandaan ko yung unang panahon na magkasama kami ni papa kasali ang anak niya sa labas.
Tapos lahat-lahat ay siya lang ang tinatanong ni papa kung anong gustong kainin, bibilhin at pupuntahan. Para lang akong hangin noong oras na 'yon! Ang sakit . . . Minsan gusto ko ng umiyak sa kakaselos pero tinitiis ko ito.
Tumayo ako sa kinaroroonan namin ni mama at nagsimula na akong lumakad paalis. Ayoko pang marinig ang susunod na sasabihin ni mama para lang ipagtanggol si papa mula sa akin.
"Kenneth!" Tawag sa'kin ni mama pero hindi ko ito pinansin.
Hanggang sa umakyat ako sa hagdan patungo sa kuwarto. Paulit-ulit kong pinupunasan ang luha kong walang tigil umagos. It's really hurt . . .
"Kenneth! Bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Napataas ng tono si mama pero mas tumulo ang luha ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Alam ko na galit siya sa'kin kasi hindi ko siya pinapatapos. Pero hindi ko na kaya pa . . . Kailangan ko rin oras para mag-isip ng mabuti!
"M-magpapahinga muna a-ako b-bago tayo mag-usap ng maayos." Humihikbi kong sabi sa pamamagitan ng pilit kong mag-ayus magsalita.
Diretso akong pumasok sa kuwarto ko. Sinara ko ang pinto at napaluhod sa kawalan . . . Inubos ko na ang luha kong tumutulo. This is my time to cry!
Sana magiging malaya kami ni mama haggang kailan.
- Kenneth's POV

BINABASA MO ANG
Alone Of Love [ON-GOING]
Romance[TAGLISH] Tristan Harri _ Winston Sawang-sawa na ako sa pagsubok, Suyang-suya na ako sa kaka-iyak. Oo, nakangiti ako, Pero sa loob ko ay agaw-buhay. Started writting: May 2019 Finished writting: PRESENT © Haula Mctng