Pagkatapos naming mag-imapake kahapon ni mama sa kaniyang gagamitin roon ay ihahatid ko siya ngayon sa airport. Doon ko muli makikita si papa. Ang kapal talaga ng mukha niya na magpakita dito!
Hindi ba siya nahihiya? Eh, ako talaga ang nahihiya sa kaniyang sarili.
"Kenneth . . . Tara na. Baka nandoon ang papa mo na hinihintay ako." Biglang sabi ni mama habang wala ako sa sarili.
"Akala ko ba pupuntahan ka niya dito?" Naiinis ako kay papa. Hindi man lang siya dito dadalaw? It's UNFAIR.
Tumingin sa'kin si mama ng masama sa mga pinagsasabi ko. Yumuko na lang ako . . . Totoo naman ang pinagsasabi ko. Wala na ba akong kakampi? Siguro nga . . .
It's okay.
"Nagmamadali siya kenneth. Wag ka munang magagalit, ok?" Pag-aalok niya sa akin. No choice . . .
Tumahimik na lang ako hanggang sa nag-biyahe kami. Hindi ko pinapansin si mama sa masamang pakiramdam ko ngayon. Baka pagkatapos nga ito . . . Wala na akong kasama sa bahay.
Ako na ang bahala sa sarili ko . . . Sasanayin ko na lang sarili ko bilang . . . I don't know. Alam ko naman na makikita ko ang half-sister ko. Imposible naman na hindi ko siya makikita.
Ready na akong makita ang pagmumukha niya sa matagal na hindi namin nagkita. Hindi naman ako nagagalit sa kaniya! Puro selos lang ang nararamdaman ko sa kaniya pero . . . Pareho lang naman 'yon! Pareho ang selos at galit.
"Kenneth . . . Are you okay?" Pag-alala sa'kin ni mama at tinignan ko siya sa kaniyang mga mata. Ang sakit . . .
Tumango lang ako bago ako tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko kayang magsalita pa sa lungkot na nararamdaman ko. Pilit kong ipikit ang mata ko pero parang ayoko na.
I sigh.
Wala akong magawa kundi tumanga. At wala dapat kaming pag-usapan kay mama kasi puro lang naman dumadalot sa sakit ng puso.
"Kenneth? We're already here." Biglang sabi ni mama sa'kin habang inaayos niya ang mga maleta niya pababa sa kotse.
Hindi ko pala namalayan na nandito kami sa airport. Kanina pa kasi malalim ang iniisip ko. Bumaba na rin ako.Tinulungan ko si mama sa kaniyang mga maleta upang ibaba mula sa kotse. Pagkatapos ay kinuha ko yung isang pang maleta ni mama at magsimula na akong lumakad.
Bumungad sa'kin ang pinaka-malaking eroplano na sasakyan nila mama papuntang france. Hindi ko na kayang makita si mama na malungkot ang dating niya sa france.
"Mama. Nandito na ba?" Pilit kong ngumiti sa kaniya kahit masakit. Pero, kitang-kita ko sa mga mata niya na nag-alala sa'kin.
Palagi na lang ako ang pinag-alalahan niya. Higit sa lahat ay napaka-protective niya sa akin. Pero, hindi ko man lang maibigay ang totoo kong ngiti mula sa labi ko. Kayang kaya kong ngumiti pero sa ganitong oras ay parang pilit ngiti lang ang maiibigay ko. Ito na yata ang oras na hindi ko makakasama si mama.
"K-kenneth . . . Sorry, h-ha? Mag-ingat ka. Wag na wag kang magpapagabi lalo na ngayon. At yung sinabi ko sayo . . . Tungkol sa half-sister mo. Babalik rin ako . . . Wag kang mag-alala dadalhin rin kita sa ibang bansa na kasama ako. Kung masama ang pakiramdam mo sa'kin . . . Promise na hindi kita iiwan kahit kelan. Intindihin mo ako . . . Kami ng papa mo." Pag-aalok ni mama sa'kin pero naiiyak na yata ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin kong maganda pero kailangan kong may maiwan ako sa kaniya na huling salita.
Sana lahat ng promise ni mama ay matutupad. I'll keep in my mind that promises. Aasahan ko 'yan lahat!
Hindi ko namalayan na tumulo na ang mga luha ko. Sunod-sunod itong tumulo na walang hangganan. Ba't ba lahat ng mahal ko ay palagi na lang napapalayo sa akin ng biglaan?
Ano ba ang klaseng buhay 'to? Hindi ko feel ang buhay ko kung wala ang mga mahal ko sa buhay ko pero alam ko naman na palagi nandiyan si GOD upang bantayan ako . . .
"M-mama . . . Oo, I'll k-keep that promises and I h-hope you will too. B-bumalik ka rito agad, ha? Mamimiss rin k-kita mama kahit kelan." Nauutal na sabi ko sa hindi ko kinayang damdamin.
Gusto kong sumigaw lahat ng nararamdaman ko ngayon pero ayokong gawin sa harapan ni mama. Natatandaan ko rin yung ginawa sa'kin tristan . . . Mas masakit 'yon sa'kin kasi dalawa lang ang iniwan niyang sinabi sa'kin lalo na't hindi ko alam ano ang punto niya doon sa oras na 'yon.
Babalik rin sila sa tamang panahon. At magsisimula na rin ang maligaya kong buhay. Sana nga . . .
SANA NGA LAHAT!
"Kenneth . . . It's t-time to go." Naluluhang sabi ni mama at nakita ko rin si papa sa tabi ni mama na nakatingin sa'min ng para bang malungkot.
Ang kapal niya!
Hindi ko nilabas ang galit ko. Ayaw kong sirain ang huli naming pagkikita ni mama dahil lang sa kaniya. Hindi ko tiningnan si papa sa sobrang galit na naidulot niya sa'kin. I hug my mom tight and she hug me back too. Doon na tumulo ang mga sakit na luha ko . . . Nakita ko si papa na yumuko.
"M-mama . . . T-take care." At mas hinigpitan ko pa ang pagkayakap ko sa kaniya.
"Y-eah . . . T-ake care too . . ."
Naramdaman kong kumalas si mama sa pagyakapan namin at kumalas din ako. Tumingin siya sa aking mga mata. And she cupped my face while she wipping my tears.
Hinawakan ko rin ang kamay niya. Ang lamig ng kamay ni mama . . . But, this is the last chance to touch her hand.
"Kenneth? Naintindihan mo na ba?" Pag-alaala niya sa'kin. At nakikita ko pa rin ang mga pinipigalan niyang luha sa kaniyang mga mata.
Ngumiti ako sa kaniya ng matamis na buong buo. Alam ko na mahirap ngumiti kapag pinipilit mong ngumiti.
"O-opo mama . . ."
Nginitian rin ako ni mama. At tumingin siya sa kaniyang likod at niyakap niya agad si papa. Umiwas ako ng tingin sa pagyakapan nila.
It's disguisting!
Pagkatapos ng moment nila ay muli sa'kin tumingin si papa at hinihintay kung ano ang susunod kong gagawin. Anong balak niya? Yayakapin ko siya? Kukumustahin? No way! Sa pinagdaanan ko mula noong kasama ko siya na parang hangin lang ako. ta's ma-mimiss ko siya?
Medyo ko rin siya na-mimiss . . . But, I'm still okay . . .
"Kenneth . . ." Sabi ni mama at alam ko na ang pinagsasabi niya kahit hindi niya ito sasabihin lahat.
Huminga ako ng malalim. Niyakap ko si papa at niyakap niya rin ako ng mahigpit. Mawawalan talaga ako ng hininga . . .
"I miss you . . . Daughter."
Sa totoo lang ay para bang fake 'yon? I think. Walang lumabas na ngiti sa aking labi noong masabi niya 'yon. Agad akong kumalas. Tiningnan ko siya ng walang emosyon at muli kong binalik ang tingin ko kay mama.
"G-goodbye . . ."
Pagkatapos ko 'yon sabihin ay nagsimula na akong tumakbo ng mabilis na palayo sa kanila. Naririnig ko ang pagtawag nila sa'kin pero hindi ko ito nilingon kahit isang beses lang naman.
Hindi ko na kaya . . . Lahat-lahat ay nawawala sa akin! Wala na! It's OVER. Ako lang ang mag-isa! Gusto kong sabihin kay papa lahat ng nararamdaman ko sa kaniya pero hindi ko kinaya. It's time to let go!
Goodbye everyone . . .
- Kenneth's POV

BINABASA MO ANG
Alone Of Love [ON-GOING]
Romance[TAGLISH] Tristan Harri _ Winston Sawang-sawa na ako sa pagsubok, Suyang-suya na ako sa kaka-iyak. Oo, nakangiti ako, Pero sa loob ko ay agaw-buhay. Started writting: May 2019 Finished writting: PRESENT © Haula Mctng