Kabanata 10 : Sermon

0 4 0
                                    

Nandito ako sa classroom. Mag-isa lang ako at hindi ko pa rin inaakala na napaaga ako masyado. Nakita ko rin yung ibang istudyante na kakapasok lang sa gate. Nakikita ko rin sila sa labas kasi nasa gilid ng bintana ang pwesto ko. Remember?

Nakaramdam ako ng natural excuses. Tumayo ako at lumabas sa classroom. Agad akong pumunta sa C.R at pumasok ako sa toilet upang umihi baka hindi ako makakalabas kapag class hour. At marami rin striktong prof dito sa school. Pagkatapos ko ay naghugas muna ako ng kamay.

Lumabas ako sa tiolet. At tumingin ako sa salamin upang magretouch. Hindi naman masama kung magreretouch . . . Hindi naman sa sobrang arte ko.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa C.R! Medyo ako kinakabahan kasi feeling ko maraming estudyante na nasa labas . . . Baka nakarating na yung iba.

Habang naglalakad ako ay may umakbay sa'kin. Agad ko naman naamoy yung pabango niya! Argh. Nandito naman siya. At mas kinakabahan ako kapag sasabihin ko yung sagot ko sa kaniya.

"Ang lalim ng iniisip mo ha . . ." At natauhan rin ako ng masabi niya 'yon. Kulang na lang mawalan ako ng malay.

Hindi ko alam ba't kasi ang lapit niya bigla sa'kin. Mukhang feeling close yata ito . . . Hayst! Sana hindi niya ako pinaglalaruan kundi sasabunutan ko na siya.

Hindi ko gusto yung mga laro na uso ngayon. Alam ko naman na mahirap maloko, 'di ba? Pero, sana hindi niya ako lolokohin.

"Wala ka na doon." Pagtataray ko sa kaniya. Pero, bigla niyang pinundot yung pisngi ko at ang sakit. Bwesit! Baka namula na ito sa sobrang pagpindot niya.

God! Help me.

Pero, kailangan ko rin umiwas sa pagka-akbay niya sa'kin kasi pinagtitingnan kami ng mga tao ta's yung iba naman ay nakatingin sa'kin ng masama . . . As in na AKO lang.

I sigh and kotow.

Hindi ko na lang sila pinansin. Wala na akong ginawa sa kanila na masama o sadyang inggit sila dito sa kasama kong gwapo? Hindi ko siya nilalapitan . . . Kasi siya mismo ang lapit na lapit sa'kin.

"By the way, simula ngayon ay magkaibigan tayo bilang bayad sa lahat ng ginawa mo sa'kin!"

What did he say? So, we're friends now? Pero, hindi ko pa nga siya sinagot eh. Kaloka 'tong lalaki. Ay, Oo nga . . . Tutal naman na pareho lang yung isasagot ko sa kaniya.

"What? Eh, wala akong utang sayo! Gago." Pagkasabi ko doon ay binatokan niya ang ulo kaya mas lalo akong naiinis sa kaniya. Ang sakit kaya 'yon . . . Kawawa rin yung ulo at ito ang pinakamahalaga sa lahat ng buhay ko . . . Este.

"Gago? Hindi pa ako naging gago eh! Hahaha! Sa gwapo ko 'tong mukha magiging gago. Hindi ako katulad ng mga ibang lalaki diyan . . . Ken." Sabi niya at kinatitigil ko ay tinawag niya akong ken. This man is weird . . .

Sa tingin ko lang ay hindi ako sigurado kung hindi manloloko itong kasama ko. Argh! someone called me ken but, I don't remember. Baka sakaling may kapangalan rin yung ken na 'yon or may parte sa buhay ko na hindi ko man lang matatandaan.

"Ang yabang mo rin, 'di ba? Psh. Diyan ka nga! Ayaw ko sa mayabang." Palusot ko. Lalong mas lumalapit siya sa'kin pero feeling ko ay kapareho niya talaga si tristan ng mga kilos.

Tristan is my bestfriend for few years. Luke is my . . . I'm so confused!

D*mn.

Hindi ko lang siya pinansin. Habang nakatingin ako sa labas ay may nararamdaman akong nakaakbay naman sa'kin.

Argh! Ito na naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin pero tanging nakangiti lang siya sa'kin. Bahala nga! Angas nitong lalaki.

Pagpasok namin sa classroom ay nagtataka rin ako kung hindi pa ba siya papasok sa kaniyang classroom at parang kanina nag-ring yung bell habang inaasar niya ako.

Tiningnan ko siya na nakaakbay pa rin sa'kin ay napabuntong hininga ako.

"Hoy? Hindi ka ba papasok sa classroom mo? Anong ginagawa mo rito, ha?" Umupo ako sa pwesto ko at siya naman ay umupo rin sa tabi ko. Gago talaga 'tong lalaki. Kanina pa siya . . . Parang gusto ko na siya kalbohin.

"Ayy? Concern ka ba? Hahaha! Don't worry . . . We're classmate." At kumindat pa sa'kin ng mapang-asar. Inirapan ko na lang siya . . . Ang angas talaga nito.

But, parang ok lang sa'kin? At hindi ko talaga alam kung bakit sanay na ako sa kaniya. Ganiyan ba siya ka-close sa iba?

I think he is a friendly. Pero . . . Kailangan ko rin alamin ang background niya . . .

"Goodmorning! Class. So, sitdown proprely!" Nandito na pala si ma'am olivia! Patay. Argh! Baka ano pa ang masabi niya na masama sa'kin at kailangan ko rin magpakabait.

Agad naman kami napatahimik. Tiningnan niya kami ng tag-isa isa. Pagkatapos ay kumuha siya ng chalk at may sinulat sa blackboard.

Magsusulat naman kami? Nakakapagod. Ayaw ko pa man pumasok pero ayaw kong balewalahin ang paghihirap sa'kin ni mama.

Pagkatapos namin magsulat ay nagturo na si ma'am olivia habang nakatingin pa rin ako sa labas. Mas magandang pakinggan ang ihip ng hangin kaysa makinig sa discussion.

Blah . . .

Blah . . .

Blah . . .

May sumiko sa'kin muntik na ako matumba sa kinaroroonan ko. Argh! Tiningnan ko si luke ng masama. Sobrang kulit nitong lalaki . . . At parang pagtatawanan niya naman ako.

"Ikaw! Ba't mo ko sinisiko ng biglaan? Gago mo talaga. Kung wala lang dito si ma'am baka nasapak na kita riyan." Mura ko. Wala akong pake kung may nakarinig sa amin. Ta's kapag may nakakita doon sa pagkatumba ko ay nakakahiya.

"Sorry . . . Kanina ka pa kasi tulala. May problema ka ba? Sorry talaga." He try to apology but, maybe he try to seduced me. Psh! Ang lakas talaga ng trip nito. Ibang iba talaga ang boses niya parang nang-aakit ba? Argh.

"Bolero ka talaga! Ang sarap mong . . ." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng ngumisi siya sa'kin ng mapang-akit! Green-minded talaga nitong lalaki.

"Ano? Ang sarap akong halikan? Free nama 'yon sa akin ha . . . Sige, ba?" Nakangisi niyang sabi.

Hollysh*t! Ang yabang talaga nito. At sino naman ang hahalik sa kaniya? Eh, ayoko pa din ibigay ang first kiss ko! Bwesit.

"Hoy! Ang green-minded mo! Eh, hindi mo nga ako pinapatapos magsalita! Ang sabi ko ay ang sarap mong sapakin!" At tulad ng sinabi ko ay sinapak ko rin siya sa kaniyang ulo.

Agad naman nagsigawan, magtilian at nagbulungan ang mga kaklase namin. Nanigas talaga ako sa kinakaupuan ko . . . My ghad! It means ay kanina pa sila nakaabang sa amin ni luke? Tiningnan ko si luke ay nakangiti ito ng mapalad. At tiningnan ko si ma'am olivia ay nakatingin rin sa'min!

I feel so doomed!

"Hehehe . . . Sorry." Para akong tanga dito. Nabibingi talaga ako sa atmospera ngayon kasi lahat kami tahimik. Mukhang gusto pa nilang ituloy ang pag-aaway namin ni luke.

Hanggang sa yumuko ako sa sobrang kakahiyang moment na 'yon! Kung hindi sana niya ako siniko edi, wala na 'to! Argh. But, It's my fault too. Pareho lang kami.

"You two! Get out in my classroom."

D*mn this!

Argh. Iyan na nga! Papalabasin kami ni ma'am olivia! Huhuhu . . . Bwesit talaga 'tong lalaki. Padabog akong tumayo at naramdam ko rin na sumunod sa'kin si luke sa aking likuran.

Lumingon ako kay luke ay may gana pa itong ngumiti ng patago! Putang*na talaga. Sobrang nakakainis talaga siya mas sumusobra na ngayon. Psh!

"Anong nakakatawa?" Naiinis kong sabi sa paglabas namin dahil sa kaniya. Kailangan ko naman makinig! Pero kahit anong gawin ko ay nasa langit pa rin ang utak ko na lumilipad lipad.

"Wala." Hindi makapag-pigil tumawa kaya tumawa ito ng malakas! Aba, ang saya pa niya. Ako talaga ang naiinis sa kaniya! Bwesit. Gwapo nga . . . Pero nakakainis.

Bahala nga kung ano ang magiging huli.

- Kenneth's POV

Alone Of Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon