Kabanata 15 : Bumalik

1 5 0
                                    

Hinihintay ko si luke sa labas ng bahay. Kasi sabi niya ihahatid niya daw ako at medyo rin akong kinakabahan kung ano naman ang supresa sa'kin ang fans niya. Hindi ko rin ko man lang lumayo sa kaniya kasi alam ko ang salitang masakit.

Halos lahat ng nararamdaman ko noon ay bigla-bigla na lang nawawala . . . Kagaya no'ng iniwan ako ni tristan at si mama. Hindi naman sa kinalimutan ko sila pero kailangan ko rin magpokus sa present o ngayon.

Mag-iba ang noon at ngayon. Pero sa tingin ko ay mas masaya ako noong unang panahon kaysa ngayon. Noong una ay dalawa ang palagi kong katabi pero ngayon ay hindi . . . Kundi iisa lang naman ang nasa tabi ko.

I sigh.

"Hey!" May sumigaw mula sa kabilang direksyon kaya lumingon rin ako at nakita ko si luke na nakakaway sa labas ng bintanang kotse sa'kin sa hindi kalayuan. Kinawayan ko rin siya at ngumiyi ng mapalad.

Pinatakbo niya ito ng mabilis at nakarating na siya sa tapat ko. Wew . . . Halos mawalan ako ng panty no'ng huminto siya sa tapat ko kaya malakas din ang hangin yung natanggap ko.

"Baliw ka talaga." Ang bungad ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay na baba siya sa kotse para pagbuksan ako. Alam ko rin na gagawin niya 'yon sa'kin pero nilagpasan ko na lang siya.

Ng makasakay na ako ay ramdam ko ang pagtingin niya sa'kin. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Wala naman masama sa mukha ko. Kung makatingin sa'kin para bang may mali.

"What's your problem?"

Pero, Imbes dapat na sagutin niya yung tanong ko ay inirapan niya lang ako. Weird . . . Psh! Tumingin lang ako sa side mirror. Sobrang napakapanget ko pala kapag hindi ako nakapaglagay ng pulbo at liptint.

"Kumain ka na ba?" Malumay na tanong niya sa'kin. Aba, napaka - - - wait? Is he concerned? Wow ha. Daig pa niya yata si papa na walang pakealam sa'kin. Siguro, mas mahal ko pa si luke kaysa kay papa.

Ang hirap ng buhay ko.

"Oo, bakit?"

Muli ko siyang tiningnan at ngumiti lang ito ng mapalad. Nakakagulo talaga 'tong lalaki. Ni hindi ko nga maintindihan ano ang pinagsasabi niya. D*mn! He's weird . . . Starting yesterday. What's the matter? Hayst.

"Wala naman. I'm just asking . . .", At pinahurot niya ang kotse, "Masama ba na itanong sayo?" Dagdag pa niya pero nakatugon ang atensiyon sa kalsada. Psh! Wala talaga akong alam kundi sumabay sa kaniyang pinagsasabi.

"Hindi naman masama. No need to worry . . . Ok?" I said. Minsan, naiisip ko rin na parang kasama ko lang ay si tristan. Kahit si luke ang nasa tabi ko ay kahawig niya talaga si tristan ng mga kilos kahit hindi sila magkapareho ng mukha. Importante lang ay yung kilos nilang dalawa.

Wala naman akong magawa na kalimutan ko si tristan . . . Pero ang hirap. Medyo nakakaramdam ng galit sa kaniya . . . Baka may importante siyang pinuntahan sa ibang bansa. Hindi ko pa nga alam saan siya nag-ibang bansa. Ano klaseng kaibigan 'yon o ito? 'Di ba kalokohan? Yeah, hinding hindi ko siya makakalimutan hangga't hindi ko pa natagpuan ang totoong mamahalin ako.

Kahit ngayon ay natatandaan ko siya. Pero siya ba? Natatandaan ba niya ako? O may iba na siyang nahanap o bagong bestfriend? Ngayon ko pa lang naisip ang mga tanong na 'yon. Si luke? Oo, tinuturing kaibigan ko siya pero hindi ibig sabihin 'yon ay kinalimutan ko na si tristan.

Madaling maisip, mahirap gawin.

"We're already here.", sabi ni luke. Nakatulala lang ako na hindi ko maiwasan lumingon kay luke, "Hey, are you ok?" And he jogged my shoulder. Muli kong tiningnan si luke na nabuksan pala niya yung pintuan para sa'kin.

Alone Of Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon