Kabanata 17 : Umasa

2 4 0
                                    

Nagmamadali akong pumunta sa ibaba. Alam ko na nandito na sa bahay si luke upang ihatid niya ako sa school or let's say na . . .  Sabay kaming papasok sa school. Aish! Ang bagal ko pang lumakad.

"Oh, you're here." Bati ko sa kaniya. Nakatingin lang ito sa labas. Parang ang lalim ng iniisip o may pinagmamasdan siya sa labas. Hindi man lang niya ako pinansin. Psh!

"Hoy, Gago!!!" Sigaw ko ng malakas para lang makuha ko ang kaniyang atensiyon. Grabeh! Nangunguha pa ako ng atensiyon sa kapit-bahay.

Tumungin ito sa'kin habang nakataas ang kaniyang mga kilay. Baka nagulat siya sa pagsigaw ko kaya ito mukhang nagtataka bakit ako sumigaw ng malakas.

"Why are you shouting?" Nagtatakang tanong niya. I rolled my eyes over him. Hindi ko na talaga alam ano ang puwede kong gawin kay gago. Kasi nasa langit yata ang kaniyang utak.

"Tapos na ako. Lumabas na tayo at pumunta sa school. Hayst! Ano kasi ang tinitingnan mo sa labas? Para kang tanga noh." Pangungulit ko sa kaniya pero binigyan ako ng masamang tingin at sumimangot.

"Nothing. Let's go! We're going to be late again." Sabi niya at hinila niya ako papalabas. Binuksan niya ang pinto ng kotse at tinulak niya ako doon ng mahina hindi naman sa masakit, ok lang pero nakaka-insulto.

"Ikaw lalaki ka!" Agad kong mura sa kaniya. Sino ba naman ang hindi maiinis na itulak ka ng biglaan? Psh! Nakakainis talaga! Sobra pa eh.

Sumakay rin siya at tumabi sa'kin habang nakangisi ito ng mapalad. Psh! Akala mo magpapatalo ako? Well, tingnan lang natin . . . Baka mas malala pa yung sa'kin.

Habang nagmamaneho kami pangiti-ngit ako ng mag-isa. Iniisip ko lang ano talaga ang magiging reaksiyon niya kapag ginawa ko 'yon. Hahaha! Bahala na.

"Why are you smiling? It's creepy." Sabi niya. At hininto niya ang kotse. Tumingin ako sa labas ng bintana ay nandito na pala kami sa school. Bwesit talaga 'tong lalaki. Sa dinadaming parking lot ay dito pa ang pinili niya? The sh*t.

"Hoy, can you move? Wag ka dito magparking. Gago ka talaga kahit kailan." Naiinis kong sabi sa kaniya. Ngumisi ito at humarap sa'kin. G*sh! Buwang! Ba't ang gwapo . . . Kapag all over face mo siya titigan. Tang*na!

"Kiss me."

WHAT?

"Gago ka ba? Are you kidding me?" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya. Napaka-manyakis nito eh! My ghad. Aasarin ko siya pero naunahan niya ako! Ako pa talaga ang naunang nainis.

"I'm just kidding! Of course. Why would I kiss you too?" Pang-aasar niyang sabi. Psh! Aasa siya na hahalikan ko rin! Putang*na. Hindi ako tanga gaya ng humahanga sa kaniya.

"For your information, sino rin ang nagsabi na hahalikan kita? Psh! Asa ka pa!", sabay palo ko sa kaniyang braso ng malakas, "Aray!" Sabi niya habang pinapalo ko siya ng malakas.

"Tama na, ang sakit mo pala pumalo eh." Pagrereklamo niya habang tinitigilan niya rin ako sa kakapalo sa kaniyang braso. Loser is alwaysloser. Sabi nga nga eh . . . Ayokong magpatalo.

Tinigilan ko siyang pumalo at agad-agad akong bumaba sa kaniyang kotse. Kahit pinagtitingnan o pinag-uusapan ako ay hindi ko na ito pinansin. Magiging sikat ako nito eh. Psh! In my dream talaga.

Lingon sa kaliwa, kanan, likod at harap ay mga mata na nakatugon sa'kin. Aba, anong mayroon? Ngayon pa nga ako naging artista noh? Or hindi talaga sila makapaniwala na kasama ko yung hinahangaan nilang gago.

Isip-isip naman . . . Wag lang mata ang gamitin. Sa huli rin ang masakit at pagsisi. Pagsabayin rin gamitin ang utak at puso . . . Hindi rin isa lang ang pipiliin mo. Kung saan ka masaya ay doon ka narin sumaya . . . Ang choosy eh.

Alone Of Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon