Kabanata 12: Birthday (Part One)

4 5 0
                                    

Hindi ko inaakala na ngayon ang birthday ni luke. Kahapon niya sa'kin sinabi na birthday niya ngayon kaya kailangan ko rin doon pumunta kasi inimbitahan niya ako. Nakakahiya at nakaka-insulto kung hindi ako doon dadalaw at isa pa ay mahalagang araw niya 'yon. Alam ko naman na inaasahan niya ako doon pumunta. Baka ako pa ang magiging masama sa paningin niya.

Hindi pa ako nakaka-isip ng magandang regalo. Wala akong alam na paborito niyang bagay . . . Hindi katulad ni tristan na halos lahat ko alam ang buhay niya. Hindi ko pa ganoon ka-close si luke. Nagsisimula pa kami . . .

Hindi ibig sabihin iyon ay kakalimutan ko na si tristan. Hindi 'yon madaling gawin sa'kin. Kung sakaling ang ireregalo ko na lang ay yung gusto ni tristan?

Simple lang naman kasi . . . Panglalaki rin 'yon. Pero, hindi ako sure kung magugustuhan 'yon ni luke. Nakakatakot kasi kung hindi niya 'yon magustuhan at nakakahiya pa.

Kailangan ko rin bawasan yung pera na pinag-iponan ko. Agad akong nagligo baka maamoy pawis ako mamaya. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na rin ako ng long dress outfit kasi alam ko na mamahaling birthday 'yon.

Naglagay ako ng kaunting make-up for short is light make-up na hindi masyado klaro. Ayaw ko ng mga dark make-up na sobrang nakaka-agaw ng pansin. I don't need an attention.

Pagkatapos ko ay inihanda ko na ang aking sarili. Dadalaw muna ako sa mall para bumili ng regalo. Alangan naman na dumalaw ako na walang dalang regalo?

Pumara ako ng taxi. May huminto rin na taxi sa tapat ko, pumasok na rin ako. Nasa kotse palang ako ay kinakabahan na ang aking puso. Argh! Parang hindi ako ready sa birthday niya.

Ilang minutos, ay huminto rin dito ang taxi sa tapat ng isang malaking mall. Nagmamadali akong kumuha ng bayad at binigay kay manong. Bumaba na ako at bumungad sa'kin ang isang malaking pintuan ng mall na ito.

Agad rin akong pumasok. Hindi ko pa nga ako nakapag-ayos sa sobrang talbog ng hangin kanina sa taxi. Diretso akong pumunta sa 'male accessories'. May nakikita rin akong mga lalaki dito . . . Don't tell me that almost boys is here?

Napabuntong hininga ako at hindi ko sila pinansin. I don't wanna waste my time baka sabihin ni luke na hindi ako dadalaw. Patuloy na lang ako sa pagpipili ng bagay na pwede kong iregalo.

May kumuha sa aking atensiyon. Lumapit ako sa mga wristwatch. Isa-isa ko silang tiningnan . . . Hindi ko makakapili kasi halos magaganda ito. Pwes, isa lang ang maaring bibilhin. Natandaan ko naman yung wristwatch ang regalo ko kay tristan noong birthday niya at nagustuhan rin niya.

"Hellow, ma'am? Can I help you which do you find?" May lumapit pala sa'kin na isang salesman. Whoa . . . Ang gwapo niya noh. Hehehe . . . Hindi ko dito pinuntahan ay humanap ng chics. Psh!

"A-ahh . . . How much is this?" Turo ko sa isang relo na kulay silver. 'Yon lang kasi ang nagustuhan ko at simple looking rin ito.

"That one . . .", at kinuha niya doon at nilapag dito sa harap ko, "It's twelve thousand ma'am." He said. My ghad? Ang mahal naman nito. Argh!

Iyon kasi ang kinuha ko dahil walang nakalagay na price. At yung iba naman ay may nakalagay na price pero mas mahal pa dito sa pinili ko. No choice! Ito yata ang pinakamura sa lahat.

"I'll get that one." I said. Pumunta ako sa casher at  binayaran ko 'yon. Pinagtitingnan pa ako ng mga ibang lalaki . . . Argh! It's so irrating. Baka sabihin nila na tomboy ako! Never ako maging tomboy noh . . .

Bumili na rin ako ng paper bag na lalagyan ko ng gift. Lumingon muna ako sa kanan ko ay puro lalaki, sa kanan naman ay puro lalaki. Pwes, wala naman masama kung ako lang ang babae dito. Ang importante ay nabili ko yung kailangan kong bilhin.

Alone Of Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon