Kabanata 27

200 20 0
                                    

Stalk

Sabado ng umaga nang mag-ayos ako para pumunta sa FAF Agency. I tried so hard to resist calling our private investigators. Kung tatanungin ko sila ay walang dudang malalaman nila agad! But, can I risk that? Kung tatanungin ko sila, hindi lang sila ang makakaalam ng mga ginagawa ko, pati na rin ang mga magulang ko!

It bothered me so much that I couldn't sleep last night. Pinatungan ko ng concealer ang ibaba ng aking mga mata.

Natigil ako sa aking paglabas sa kotse nang makita si Cleopatra. With bags under her eyes, she went to me.

"Why are you here?"

"I want to stalk someone." Sabi niya.

"Laki ng eyebags mo ah." Puna ko rito.

Pumikit siya at hinawakan niya ang talukap ng mga mata. Pagmulat niya ay umirap.

"Pahiram concealer."

Pinahiraman ko naman siya at naglabas siya ng sponge para roon. Hawak hawak ang salamin, she sofisticatedly covered her deep bags.

"Who do you want to sta- bakit mo ako dinadamay? I have work."

"Pinagpaalam na kita. You don't have anything to do kaya sasamahan mo ako."

Suminghap ako.

"This is my first day!"

Umirap siya.

"Don't be so dramatic."

Little did I know, Lucas is the one she wanted to stalk. I fought the urge to come to him and tell him about Cleopatra.

"I skipped my first day of work for this." Masama ang loob kong pinaalala sakanya.

Cleopatra, being the girl that she is, didn't even look guilty. Inirapan ko siya at tinitigan ang masugid na pagtingin ng kaniyang mga mata kay Lucas.

Lucas is with a girl. Wala akong nakikitang problema roon ngunit nang hilahin ako ni Cleopatra papunta sakanila ay minaskara ko agad ang ngiti.

"Lucas!" Agad kong bati bago tinignan si Cleopatra na nakatitig sa isang maganda at mukhang inosenteng babae.

I sighed. May naaalala ako habang tinitignan ang nagdaang sakit sa mga mata ni Cleopatra. She probably realized that we, villains, don't stand a chance. Kahit anong galit, laban o sakit ang maramdaman ay wala pa rin prinsipeng sasalo. Only the cruel judgment of the world without looking at our side.

"O, Vivienne nandito ka pala." Nakangiting bati ni Lucas at nahihiyang tumingin sa babae.

Halos mapatampal ako sa noo. He's my first kiss and this woman beside me is his first! Ang babaeng nasa kaniyang tabi, ano naman kaya? First love? How awkward!

"Sino siya?" Agad na tinuro ni Cleopatra ang babae sa tabi ni Lucas.

"This is Cynthia... my friend."

Agad na napatingin si Cynthia sakanya. Hindi pwedeng nagkakamali ako! She looked offended!

Napansin iyon ni Cleopatra kaya agad siyang umiwas ng tingin sa babae at tinignan si Lucas.

"Ah sige. Alis na kami. Bakit mo ba ako hinila rito, Vivienne?" Umirap siya.

Aalma na sana ako ngunit nang makitang parang natutulala siya habang tinutulak ako paalis ay nagpa-agos nalang ako.

Ang mga kasunod na pangyayare ay naging parang bula sa akin. Iniwan ako ni Cleopatra at sinabing magshopping nalang daw ako. She even gave me her credit card! Excuse me, na-unfreeze na ang accounts ko with the help of Mommy!

The Misadventures of Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon