Kabanata 29

198 20 0
                                    

Crazy

Wala na ang bandage sa kamay nang dumating ang araw ng recital. Kita pa rin ang sugat ngunit naghihilom na iyon. Pwede na ngang tapalan ng scar remover dahil nagsarado na rin ang sugat. I consulted Dr. Suarez, too, if I can still participate on this recital and he gave me a go signal.

I coped up with the help of my co-charms. Although the dances are made to showcase our abilities, it was easy considering my years of training.

"S-E-R-P-E-N-T-I-N-E. Serpentine, we will rock your bed!" We shouted all at once before huddling up, hands on top of one another. We raised it and giggled.

Isa-isa kaming pumunta sa pwesto namin sa stage. The lights are dim so our movements are not quite seen yet. Sa dilim sa paligid ay hindi ko rin kita pati ang audience lalo na nang bumukas ang ilaw na nakatapat sa amin. Nakakasilaw iyon ngunit sanay na ako. Maganda nga iyon dahil maliban sa palakpak ng mga tao, wala ka nang maririnig kaya iisipin mong wala talagang nanunuod.

Maliban nalang kung kinakabahan ka at ito ang tiyansa mo sa pag-angat para makilala ng mundo.

We swayed with the music. Almost all of the times, we were pointing our toes and lifting ourselves up. Bawat tapak ng sapatos ay maririnig ang pagtama nito. Kung hindi malakas ang music, paniguradong malulunod ang mga tao sa tunog ng mga sapatos.

Nang matapos ay nagdim na ang paligid at umalis na kami. Pagka-rating sa backstage ay agad kaming nagstretch sa sakit. Some scraped their pointe shoes and some stretched their hamstring. Ako naman ay nagbutterfly sit at idiniin ang dibdib sa paa. Kung hindi ko kasi ididiin ay wala akong mararamdaman na pangsstretch dahil na rin sa hinaharap. I closed my eyes and counted.

Natigil iyon nang pinatawag kami para mag-ayos at magbihis sa pangalawa at huling sayaw na gagawin.

I immediately hair sprayed my hair when some of the bangs got out of hold. My french vanilla hair outshined the dark hair of my co-charms. Kaya palaging ako at si Keziah ang nasa gitna, agaw pansin rin kasi ang tingkad ng buhok bukod pa sa tagal ng pag-eensayo namin sa larangan ng pagsayaw.

Dumiretso na ulit kami sa gilid ng stage at hinintay na matapos ang isang dance crew ng ibang school.

Nang matapos ay sumunod rin kami. Kami na ang huling performance dahil sa hindi malamang kadahilanan ay kami talaga ang gustong ipakita sa mga tao. Maybe because of Leander? He's one of the founders anyway. A wish from Keziah, probably.

Mayaman ang mga Deveraux at Fitzgerald dahil sa pagiging Mafia. Gamit iyon ay napalago nila ang pera at nagtayo sila ng ibang business. They just can't surpass our money and power. Ang pera at kapangyarihan kasi namin ay nagsimula pa noon, nauna sa mga Calliego. For some reason, nataasan pa rin kami ng mga Calliego.

We ran towards the exit and waited until it's our turn to get inteoduced as the event's ending.

"Serpentine from Harnew University! Lead by Keziah Rozecrensia Fitzgerald and Peony Cayenne Almodovar." He stated while we're doing a three eight dance steps.

At dahil ipapakilala rin ang mga tao behind the recital, pumunta kami sa likod ng stage. Sa huli ay sama sama kaming sumayaw. Walang nag-abalang magtapon ng bulaklak dahil kakalat lang iyon. That happened on my recital last year. Some of them threw flowers but in the end, I haven't had the time to pick them up.

When the curtains closed, the girls shrieked and giggled. Napangiti naman ako. Some of us went to the instructors and courtesyed. The charms did, too. And iba ay hindi nag-abala dahil masyado pang natuwa sa successful na pagsayaw.

Dumiretso na ako sa dressing room at agad nang nag-ayos para umalis. We have an after party later. Gabi pa iyon kaya naisipan kong sumunod nalang at hindi na sumakay sa bus nila.

The Misadventures of Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon