Kabanata 31

207 20 0
                                    

Nexiv

I looked at Tulips who is staring at Calix who is staring at her. Her eyes are watering as he held his hand. He did not do the same. Pinapaalis niya ang babae ngunit ayaw nitong umalis.

By now, I know exactly what to do.

Beg, Tulips, beg for him. Make sure he pities you. Don't put my money to waste.

"Ano raw?" I inquired when she went back to me, her face gloomy.

"Why are you doing this? I thought you two are together?" Iritang sabi niya ngunit hindi nakatakas ang mga luhang bumuhos.

"If we are together, why did I leave him again? Think you stupid flower." Irap ko rito.

"I love him, Vivienne. So if this is your way of revenge to me, please stop."

"I'm giving you a chance. Ayaw mo? Edi iba nalang."

Aalis na sana ako mula sa pinagtataguan at pupunta sa kotse nang maramdaman ko ang agad niyang paghawak sa aking mga kamay. She bit his lips.

"Just make sure you're not going to hurt me in the end, Vivienne. Oo na may mali ako sa'yo dati pero tapos na iyon. I want a happy ending. Ayoko maging kaaway sa isang love story kaya kung siya pa rin ang nasa puso mo, huwag mo akong idamay."

I scoffed. I was the villain.

"Just do what you are told. Grab your chance, idiot. Kung hindi ka kikilos, papalitan kita. You should thank me for still being good to you."

Ngumuso siya at umirap.

"Isang taon na iyon, 'di ka maka-move on? At iyong unang ginawa ko ay limang taon na ata! Tss."

Kahit na ganoon ang sinabi niya ay nakita ko ang guilt sa mukha niya. Umirap ako sakanya at dumiretso na sa tagong bahagi kung saan naka-parke ang kotse. Sinundan ako ni Tulips hanggang doon kaya agad akong nagsuot ng sunglasses. Lalo na nang nakita kong napatingin si Calix sa banda namin. Buti nalang at nakapasok na ako sa kotse at medyo harang ni Tulips.

I just don't want to be with him and think that everything doesn't matter. My family matters. Their feelings matters. I don't want to be selfish. After all that I've done to Calix, he deserves time and space. He needs to think things through. Kaya lang naman niya ako sinasamahan ay isa akong challenge. I am forbidden. He knows that but he still went to me.

Hindi ko ipinaalam sakanya ang pag-alis dahil alam ko ang kaya niya gawin na paniguradong gagawin niya. My parents and their ancestors did everything to protect our surname. They put on a sweet but fierce facade not just to other people but to me, also. Kasi paniguradong alam na nila kung anong pwede kong maramdaman. Alam na nila dahil sa hulang binigay sakanila ng isang manghuhula. And if I keep on seeing Calix after all of these, I really might be his downfall.

The universe just doesn't want us to collide.

Nanginginig ang kamay kong inangat ang mag-aangat sa bintana gamit ang isang daliri. Tulips suddenly put her hands inside my car. Tinigil ko ang pag-angat dahil baka maipit ang kamay niya. As much as I want to, I don't want to pay for her hospital fees. As much as possible, I don't want to get any money from my parents.

Tinapos ko na ang pag-aaral sa France. My brothers help me throughout my stay in France. Ngayon naman ay nakapag-apply na ako bilang isang performer. Kahit na ayaw kong makasalamuha si Calix na paniguradong maririnig ang pagbabalik ko dahil parehas kami ng industriyang tinatahak, wala akong magagawa. Wala na akong takas. Halos matawa ako. He made sur of that, huh? Nakakatawang dati'y iniisip kong ginagawa niya iyon para pabagsakin ako at ngayon naiisip kong ginagawa niya iyon para hindi na ako ulit makatakas sakanya.

The Misadventures of Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon