Kabanata 25

219 22 0
                                    

Crazy

I rehearsed for the upcoming recital. Ngayong sinabi ko nang wala nang away sa pagitan namin ay kampante na akong hindi niya ako pag-iinitan. Although nahihiya ako sa FAF Agency dahil ipinangako kong aangat kami dahil sa determinasyon kong masira si Calix.

Ngayon ay hindi ko na alam.

Sure, FAF Agency would be known but will we win? No. I can hire the greatest performers and still lose.

Ngayon ko lang naisip ang kakapalan ng mukha dahil sa mga pangakong sinabi sa mga hurado. But then, will I see them again? I totally don't want to. I need to save my face. The humiliation is already killing me.

"I'm tired." I informed everyone because I wanted to find someone who feels the same way and would ditch the rehearsal with me.

Sumang-ayon naman ang iba. It made me happily smiled before laying on the floor.

We should have been enjoying this day since it's our school festival. Hindi katulad ng dati, wala kaming performance dahil wala si Keziah at nageensayo pa kami para sa recital.

"Gusto mo tubig?" Ang boses ni Cayenne ang sumalubong sa akin.

"Do you always buy water for Kez?" I asked after reaching for the bottled water.

May tubig naman ako pero hindi na malamig iyon. Ang tubig na inilahad niya ay mukhang bagong kuha palang sa refrigerator.

Tumango siya at kumibit balikat.

"Kahit hayop iyong babaeng iyon, hindi siya mahilig magdala ng mga gamit. Nakakaawa naman kaya dinadalhan ko ng tubig."

Tumawa ako at uminom na. I closed my eyes as I felt the cold water pass through my throat. It refreshed me and after some time, I felt energetic again.

"Is this some kind of magic water?" Tumawa ako at dinala ang natitirang tubig sa tabi ng bag.

Hindi siya sumagot at napansin kong nakatingin siya sa isang bahagi.

I saw the captain ball walking around with girls flocking to follow his every move. Like slaves to their master.

Then, I looked at Cayenne whose brows are furrowed. She rolled her eyes before angrily muttering words I couldn't comprehend.

"Hayop, kadiri. Manyak. Magka-AIDS ka sana."

"Ha?" I asked.

Tumingin siya sa akin at umiling ngunit nakakunot ang noo.

"Anyway, may idea ka ba kung nasaan sa Keziah?"

"Iyong Rosas na iyon hindi na nagpaparamdam. Puntahan ko nalang sa mansyon nila." Sabi niya sa akin.

Tumango ako roon.

"Do you want to hang around? After the rehearsal, sana."

Tumango siya at tumingin ulit sa side noon. Umirap rin siya at pagtingin ko roon ay nakatingin na sakanya ang lalake habang nakangisi.

Natigilan naman ako sa nakita sa tabi nito. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang madidilim at matatalim niyang tingin kahit na wala naman akong ginagawang masama. Is it natural for a Calliego to have those kind of eyes? I haven't seen his father in person yet, not that I want to meet him, but with just a picture of him, you'll see how rough they look.

"Alam mo? May similarities kayo ni Rosas. Parehas kayong sumasayaw, parehas maldita. Ang kaibihan lang ang kulay ng buhok niyo at mata niyo. Pero parang parehas na rin dahil parehas kakaiba! Iyong sa'yo mukhang pangmatanda tapos iyong sa rosas parang bulaklak."

The Misadventures of Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon