Kabanata 15

212 35 4
                                    

Rude

Kumakabog ang dibdib ko nang pagkatapos ng pangyayaring iyon ay iniwas rin niya ang tingin niya at dumiretso na sa unahan kung saan naka-ayos ang mga upuan ng mga hurado.

Hanggang sa matapos ang matagal na paghihintay ay hindi na niya ako binalingan ng tingin.

Napangiti ako nang mapait. He moved on that fast, huh? Or did he even have the need to move on? Kung ako lang naman talaga ang nahulog, hindi na mahirap sakanya iyon.

Is he mad at me? Nasira ko ba ang ego niya dahil ako ang nagpa-alis sakanya at hindi siya?

Napa-iling nalang ako. That is the most possible reason.

Pina-una ang mga maga-artista. Nagpatuloy ako sa pag s-stretching. Naisipan kong kapag kami na ang ipago-audition ay saka lang ulit ako magre-retouch para hindi na paulit-ulit.

Tumingin ako kay Calix at nakitang ang mga mata'y titig sa babaeng kasalukuyang umaarte. I bit my lip as bitterness ran throughout my body. I shook my head before staring at my reflection.

Ginusto mo iyan, Vivienne.

I almost laughed at how pathetic I look as I bit my lip and suppress the ugly feeling. Tumingin akong muli sa babae. Nakangiti na ito at nakatitig na rin kay Calix. Napabuntong hininga ako.

"Thank you Miss Tulips."

Ngumiti si Tulips, tumitig kay Calix na seryosong nagsusulat sa papel na inilaan para sakanila. She smirked before gently passing by the judges. Kinuha na niya ang bag niya at umalis dahil tapos naman na ang audition.

I just wish we were the first ones to start. Sana ngayon ay malaya na ako at kaya ko nang huminga nang maayos.

"Hi!" Masiglang bati ng kasunod na babae.

Dahil sa gulat sa lakas ng enerhiya ay natigil ako sa stretching at napaharap sakanya.

"My name is Medusa but some people call me snake head." Tumawa siya at napa-iling. "I'm not offended since Medusa is not a villain." Mas lalong lumawak ang ngiti nito.

Unti-unti akong napangiti. Alam rin pala niya ang totoong nangyari kay Medusa. I like this girl.

"Ang daldal naman niya." I heard some people groaned as they waited for their turn.

"I can dance in my room, sing jn the bathroom and act in front of everyone in this room." Masigla pa rin niyang sagot kahit na maraming naririnig na nagrereklamo.

I chuckled. I want to know more about this girl. Medusa? I think I heard Kuya Achille often tell us about a girl name Medusa. Or was he pertaining to Greek Mythology? I shrugged.

Medusa started acting. She was phenomenal. Napapalakpak pa ako pagkatapos kaya napatingin siya sa direksyon ko. Nahihiya naman akong tumigil at ngumiti. Nanlaki ang mata niya nang makita ako at biglang namula ang pisngi bago muling bumaling sa hurado. Kumunot ang noo ko. Kilala ba niya ako?

Napansin ko ang pagtingin sa akin ng Callie- ni Calix. Umiwas ako ng tingin.

"Ang galing ko po noh?" Masiglang sabi ni Medusa.

I bit my lip as I try to suppress my laughter. I need to befriend this girl. She'll brighten up my life, that's for sure.

"Pabibo." Matabang na sabi ng isa sa mga katabi ko.

Unti-unting napawi ang ngiti ko. Siguro ganoon talaga, ano? Kahit anong gawin mo, may huhusga at huhusga sa'yo. At dahil mas masakit at mas makapangyarihan ang mga masasakit na salita, iyon ang bumabaon sa isip natin.

The Misadventures of Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon