Chapter 5

2.3K 150 14
                                    

"Ano??"

I told them what happened. How I met that dark-gray-eyed guy sa forest at sa rooftop. Na walang iba kundi ang leader pala nina kuya.

"That is such an absurd story Vii." tawang tawa si Maxim mula sa screen. Narito kami ngayon sa dorm at ka-video call sina Max at Izumi.

"How can we approach them now? Eh hindi na maganda first impression sayo." singit ni Izumi na tumabi kay Maxim.

"Wala na. Malalaman na talaga nina kuya." Napailing ako. Na-imagine ko agad ang mga galit na mukha ng Ly's.

"Let's worry about that later. Vii, na-send ko na ang developed pictures nina Charlotte Buartera at ang asawa niyang si Delfin Buartera and the rest info sa apartment mo."

I nodded at Maxim. Sumunod naman na nagsalita si Izumi.

"You know what I figured out? Turns out ang misis ang may hawak sa Mafia hindi ang mister. Does the word Buartera rings a bell?" She asked expecting na alam namin.

Napa-isip naman kaming tatlo. Fire snapped her fingers, siya lang ang nakaalala. Siya lang naman ang maganda ang memorya sa aming tatlo nina Mitch.

"Remember the guy na hinuli natin sa Japan? Yung nagbebenta ng mga babae ng sapilitan sa bar niya."

Hindi kami nag-react ni Mitch.

Marami naman kasi kaming naging case sa Japan noon. Inirapan kami ni Fire.

"Nung panahon na kailangan nating magpanggap na performers para lang makapasok. Remember na?" Fire.

Aah. Naalala ko na. That was the third time na naging 'girl group' kami para lang sa mga misyon.

"Yes! Siya nga! That guy turns out to be Mike Buartera, their only son. That's when they started to lie low." Maxim.

"Hindi kaya hinahanap tayo?"
Maang na tanong niya.

Sabay naman naming sinagot ng, "Malamang."

Paniguradong hinahanap kami ngayon ng mga Buartera dahil sa nangyari sa tagapagmana nila.

Kaya kailangan namin silang maunahan.

"How about yung ibang mafia?" tanong ko sa dalawa.

Maxim answered. "Mizushima's are as usual, gumugulo ang ginagawa ng mga tauhan nila. They're becoming wilder and increasing in number.

While the Guirrero's are surprisingly quiet. At may nasagap ako. Mitch, Fire and Vii, we need to get the Verreros on our side. Malaki ang kapangyarihan nila sa underground. Mas mapapadali ang trabaho natin."

I guess wala na kaming magagawa. Alam ko namang malalaman at malalaman nina kuya. But the thing is, will they help us kapag nalaman na nila?





We're not into disguises actually pero heto kami. Nakasuot ng itim na mask at wigs. Nakasuot ako ng itim na wig na may bangs at may dark violet highlights.

Maxim or also known as Vicious wore a dark red wig.

While Izumi (Noxious) wore a short haired wig na itim lang. Dark gray kay Mitch (Ruinous) and a mixture of orange and red naman kay Atrocious na bumagay sa pangalan niyang Sunog.

Nakasuot kaming lahat ng itim para maka ayon kami sa madilim na paligid.

We are about to sneak in the Buartera mansion.

Nakatago kami sa nagtatayugang talahib sa kaliwang bahagi ng mansyon ng mga Buartera.

Marami ang nakakalat na mga tauhan sa paligid.

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon