Chapter 6

2.2K 143 15
                                    

Tinitigan kong mabuti ang kuwintas ko at ang litratong nakuha ko sa mga Buartera.

Sa litrato, may dalawang kuwintas na susi ang disenyo, gold at silver ang kulay ng mga ito at magkakabit ang dalawa kaya nagmukha itong iisang susi.

Parehas ng kuwintas ko ang kulay gintong susi. Ibig sabihin, kailangan kong mahanap ang kapares nito. Sabi ko na nga ba, parang may kulang sa susi na nasa akin.

Hinaplos ko ang kuwintas.

Pero anong kinalaman ng mga Buartera? Anong kinalaman nila sa mama ko? Kilala ba nila si Mom o may habol lang din sila sa kanya noon?

Napaisip ako pero bigla ko na lang naalala ang lalaking iyon.

Ilang linggo na ang lumipas matapos ang maze slash identity crisis incident ko. Ilang linggo ko na rin siyang iniwas-iwasan.

Good thing our buildings were on the opposite sides. Kaya kahit ni-anino niya ay hindi ko nahagilap.

Alam na niya kung sino ako. Mas nauna pa niyang nalaman kaysa sina kuya. Ano na lang sasabihin nina kuya pag nalaman nila? At hindi pa galing sa akin.

Zarius Verrero Devios

O mas kilala ng lahat bilang Zaver or Master Z hindi lang ng mga may kinalaman sa mafia pati na rin mga humahanga sa kanya. Pero napaka-ilap ng lalaking ito. Buong pangalan lang, nahirapan pa akong malaman.




Ngayon nasa gymnasium ang klase namin for Martial Arts.

"Perez? Pontalan? ----" pagche-check ni instructor Midaleah ng attendance.

"Okay, so today we'll be learning self-defense. But let's see first kung may alam na kayo. Who volunteers to go first?"

Walang nagtaas ng kamay.

"I'll choose randomly then."

Umiwas ng tingin ang lahat pati mga lalaki. Tatayo na sana ako pero may mga taong pumasok sa gym.

They were all wearing jerseys, buong klase ata to. Then I saw my brothers as well. I mean their whole gang. Pero kamalas-malasan, I met Zaver's eyes.

Napalunok ako at hindi ko na naisipan pang mag-volunteer. Buti na lang at nagtatayuan at nagtitilian na ang mga katabi ko habang ako'y nagtago sa pagtatalon at pagwawala nila.

"CLASS QUIET!"

Natahimik naman ang mga kaklase ko at nagsiupuan. Nagsimula namang magwarm-up ang klase nina kuya. Hindi ata nila ako nakita.

"Federico and Arkazel, come here."

Oh come on! Umiiwas ako di ba!? Patay ka saking instructor ka!

Sabay kaming tumayo nung Chris Federico. Nasa basketball court ang atensiyon ng mga kababaihan at ang iba pang boys kaya wala silang pake sa amin.

"Class focus!" sigaw ni instructor. Magkaharap na kami ngayon ni Chris sa loob ng blue mat.

"Chris, act like you're harrassing her."

Tumango si Chris bilang pagsang-ayon but I caught his playful smile.

Subukan mong sumobra!

Niyakap ako bigla ni Chris mula sa likod gamit lamang ang isang kamay niya while his other hand on my wrist.

Bullet! Harrassment na talaga to! Para sa akin ha.

Napasulyap ako kung saan sina kuya at kita ko ang gulat sa mga mukha nila habang ang mga kasama nila ay sapilitang nakikinood dahil na kay kuya Ace ang bola.

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon